Robin Padilla reveals wife Mariel Rodriguez’s faith is shaken after the Catholic church disapproved of their wedding

Robin Padilla on marrying Mariel Rodriguez in a Catholic church: "Siguro kapag nanumbalik yung kanyang pagsimba at nakikita ko na naniniwala na uli siya dun, a, di oo. Bakit naman kami magpapakasal kung hindi naman siya naniniwala?"


"Bigla akong naubo!"

Ito ang birong sagot ni Robin Padilla nang tanungin kung kailan sila magpapakasal ng asawa niyang si Mariel Rodriguez sa simbahang Katoliko.

Matatandaang ikinasal sina Robin at Mariel sa isang Muslim rites, sa Taj Mahal, India, noong August 2010.

Read: "I’m the happiest person in the world!"—Mariel Rodriguez on being married to Robin Padilla

Ngunit bilang Katoliko si Mariel ay gusto rin nitong maikasal sa simbahan.

Saad ni Robin tungkol dito, "Hindi, matagal na naming pangarap yun.

"Si Mariel siguro ang makakapagsabi sa akin niyan kapag muling nanumbalik yung kanyang pagsisimba.

"Nagkaroon naman kami ng idea na magpakasal dati.

“Kasi, una, para sa pamilya niya,

“At siya, pangarap at karangalan ng babae yun… naniniwala kasi siya sa kanyang religion [bilang Roman Catholic]."

Pagsisiwalat pa ng aktor, "Kasi nung nanggaling kami noon sa Vatican at may nangyari, na-shake ang kanyang faith.

"Hindi niya naintindihan kung bakit hindi kami naikasal dahil nandun na kami, handa na kami, may pari sa harap namin.

"Siguro kapag nanumbalik yung kanyang pagsimba at nakikita ko na naniniwala na uli siya dun, di oo.

"Bakit naman kami magpapakasal kung hindi naman siya naniniwala?"

Hindi pinayagang makasal sina Mariel at Robin sa simbahang Katoliko dahil sa pagiging Muslim ng action star.

Read: Robin Padilla and Mariel Rodriguez face church objections to their planned Catholic wedding in June

Bakit hindi na lang magpa-convert si Mariel sa Muslim?

Pahayag ni Robin, "Sa ngayon, ayaw ko naman siyang pilitin. Pangit yun.

"Sa Islam, there’s no comparison in religion—walang pilitan.

"Naniniwala siyang may Diyos, okey na sa akin yun.

“Magmamahal siya ng kapwa niya at tumutulong, okey na sa akin yun.

"Kapag sinabi ko na sa kanya na, ’Mag-Muslim ka,’ hindi naman dapat.

“Siya dapat ang nagsasabi nun na gusto niyang mag-Muslim."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN