Yasmien Kurdi on Jennylyn Mercado: "Makakahanap din siya ng totoong lalaking magmamahal sa kanya."

Yasmien Kurdi on working with StarStruck batchmate Jennylyn Mercado in Rhodora X: "Siyempre, gagawin namin yung best namin sa lahat ng eksena para mapaganda yung show. Joint forces kami, di ba? Together we’ll do this. Magko-cooperate kami para magawa namin yung mga eksena na mas maganda para rin sa show."


"Reunion project" na maituturing ang upcoming primetime series ng GMA na Rhodora X para sa StarStruck Season 1 alumni na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Yasmien Kurdi.

Sina Jennylyn at Mark ang itinanghal na Ultimate Survivors sa reality-based artista search na ito ng Kapuso network, habang si Yasmien naman ang First Princess o runner-up ni Jennylyn.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Yasmien, sa grand launch ng Rhodora X noong January 20, biniro namin ang aktres na si Rainier Castillo na lang ang kulang sa kanila.

Si Rainier ang naging First Prince o runner-up ni Mark sa StarStruck. Ngunit noong 2010 ay lumipat ito mula GMA papuntang TV5.

“Si Rainier po, siya yung kakanta ng theme song nitong Rhodora X. Chos!” biro ni Yasmien tungkol sa dating ka-loveteam.

Ayon sa 24-year-old actress, may komunikasyon pa rin naman sila ni Rainier.

“Yes, sa pagkakaalam ko, wala na po siya sa TV5.

“Sana kunin po siya dito sa Rhodora X.

"Nire-request nga po namin, sana kahit cameo role,” sabi niya.

FRIENDLY COMPETITION. Kumusta naman ang working relationship nila ni Jennylyn? Walang bang insecurities na namagitan sa kanila kahit noong magkalaban pa sila sa StarStruck?

Sagot ni Yasmien, “Wala pong ganun sa amin ni Jen.

“Hindi naman insecure, nasa competition po kami kasi [sa StarStruck].

"Ibig sabihin, magpapatalo ka ba in a competition?

"Kailangan gawin mo yung best mo. Huwag kang magpapatalbog and everything dahil kailangan."


Unang nagkasama sina Yasmien at Jennylyn sa fantaserye ng GMA na Encantadia (2005), pero dito sa Rhodora X ay sila talaga ang mga bidang babae.

Kaya naitanong ng PEP kay Yasmien, may tendency ba silang magpatalbugan ni Jennylyn sa akting o sa pananamit?

Sagot niya, “Hindi ko po alam... hindi ko po alam. Abangan niyo na lang po.

"Siya [Jennylyn] po talaga yung may dual personality dito. Siya po yung may split personality dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya siya talaga yung mas challenging talaga yung role and everything.

“Siyempre, gagawin namin yung best namin sa lahat ng eksena para mapaganda yung show.

"Joint forces kami, di ba? Together we’ll do this.

"Magko-cooperate kami para magawa namin yung mga eksena na mas maganda para rin sa show."


Mabait daw ang papel ni Yasmien, bilang si Angela, sa Rhodora X.

Sabi niya, “Napakaganda po ng role ko.

“Mabait ako dito dahil biktima ako dito.

"Pero abangan po nila yung mga gitnang part dahil may twist ito at magiging iba yung character ko.

"Ako yung magiging si Madam X, tatawagin nila akong Madam X.

“Iyon yung later part, kaya iyon ang mga kailangan nilang abangan, bakit nagkaganun.”

Ano ang naramdaman nila ni Jennylyn nang kunan ang una nilang eksena sa serye?

Sabi ni Yasmien, “Okay lang po.

"Yung unang eksena, natatawa-tawa kami kahit drama, kasi kumakanta kami ng ’Atin Cu Pung Singsing’ [Kapampangan song].

"Nagtatawanan kami, may hesitation na parang nakakatawa na, ‘Magkaeksena na naman tayo,’ ganun po.”

SEPARATE LIVES. Pagdating sa personal life, masasabing lamang ngayon si Yasmien dahil happily married siya kay Rey Soldevilla Jr., samantalang kakahiwalay lang ni Jennylyn sa boyfriend nitong si Luis Manzano.

Ngunit kontra ni Yasmien, “Pero bonggang-bongga na rin po yung life ni Jen.

"Like, yung career niya and everything, and I’m very happy for her.

“Sana nga makahanap na po siya ng totoong lalaking magmamahal sa kanya.

“Darating rin po yun.

"Sabi ko sa kanya, kailangang mag-wait siya, mag-antay siya, mag-wait siya for the right person.”

Madalas daw silang nagkakausap ni Jennylyn sa taping dahil iisa lang ang dressing room nila. Ano ang sinasabi sa kanya ni Jennylyn?

Ayon kay Yasmien, “Happy lang siya for me.

"Sabi niya, ang suwerte-suwerte ko raw kay Rey, kasi laging nagke-care.

"Laging pag may inuutos ako, laging nandiyan lang siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inuutus-utusan niya ang kanyang mister?

"Hindi!" bulalas ni Yasmien.

Paliwanag niya, "Kasi minsan, isinasama ko siya, tapos sabi niya, ‘Sama ako, wala akong work today.’

"So, sama siya, tapos inuutusan ko siya.

"Tapos sabi ni Jen, ang suwerte ko raw kay Rey and all.

“Pero, I think, one day, makakahanap din siya ng totoong lalaking magmamahal sa kanya.”



MOMMIES ALL. Ang isa pa nilang ka-batch sa Starstruck na si Katrina Halili ay ina na rin, gaya nina Yasmien at Jennylyn.

Ang pangalan ng anak ni Yasmien ay Ayesha Zara; ang anak naman ni Jennylyn (mula sa dating boyfriend na si Patrick Garcia) ay si Alex Jazz; habang ang anak ni Katrina (at ng boyfriend niyang si Kris Lawrence) ay si Katrence.

Kuwento ni Yasmien, “Nakakausap namin si Katrence, kasi minsan nakakasama ni Ayesha.

"And then, nakakausap namin [ni Jen] si Katrina.

“Pinagtatawanan lang namin yung mga pinaggagagawa nila,” pagtukoy niya sa kani-kanilang mga anak.

Papayagan ba niyang mag-artista si Ayesha?

“Magtapos muna siya ng college,” sagot ni Yasmien.

Hindi pa raw nila susundan ni Rey si Ayesha dahil polycystic si Yasmien.

Paliwanag niya, “Marami akong lumang eggs kaya mahirap akong magbuntis.

“Naiipon lang siya tapos hindi siya nabubuo.

"Kailangan yata mag-undergo daw muna ako ng treatment bago ako mabuntis ulit.”

Kahit under normal circumstances ay ayaw rin muna ni Yasmien na mabuntis muli.

Sabi niya, “Kasi nae-enjoy namin si Ayesha.

"Baby pa siya, parang gusto namin ibigay na muna namin yung kaya namin sa kanya bago sundan."

Dalawa lang daw ang gusto nilang maging anak ni Rey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN