Jennylyn Mercado on the mend from breakup with Luis Manzano

Jennylyn Mercado on her happiness: "Parang nanggagaling sa loob yung happiness... Siguro ngayon, naka-focus na talaga ako sa kung ano yung meron sa buhay ko, parang lahat tinatanggap ko. Siyempre, sa family ako naka-focus ako nang talagang sobrang-sobra. Hindi mo kailangan ng ka-partner sa buhay para maging masaya."


Parehong tumatalakay sa split or dual personality ang bagong GMA primetime series na Rhodora X, na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado, at ang pelikulang Tagos ng Dugo (1987) na pinagbidahan Vilma Santos.

Pero wala raw pagkakahawig ang role ni Jennylyn sa teleserye sa ginampanan ni Vilma sa pelikula.

Ayon kay Jennylyn, mahirap tapatan ang Star For All Seasons pagdating sa larangan ng pag-arte.

Si Vilma ay ina ng ex-boyfriend ni Jennylyn na si Luis Manzano.

Kaya naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso actress-TV host kung maayos pa rin ba ang sitwasyon sa pagitan nila ni Governor Vi, pagkatapos nilang mag-break ng anak nitong si Luis.

“Yes. Wala naman po kaming naging problema,” mabilis na sagot ni Jennylyn sa presscon ng Rhodora X, noong Lunes, January 20, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

Pero aminado si Jennylyn na sila ni Luis ay matagal nang walang komunikasyon.

“Simula pa nung natapos, wala na po.”



REALIZATION. Hindi ba mahirap simulan ang 2014 na loveless siya?

Sagot ni Jennylyn, “Hindi naman.

"Surprisingly, first Christmas ko na wala akong lovelife...

“Ay, hindi naman pala! Nung buntis pala ako at saka pagkatapos kong manganak.

"Oo nga pala, hindi naman pala,” bawi niya.

Bagamat wala siyang boyfriend ngayon ay hindi naman daw malungkot si Jennylyn.

“I feel... ewan ko, parang nanggagaling sa loob yung happiness.

"Dahil siguro ngayon, naka-focus na talaga ako sa kung ano yung meron sa buhay ko, yung parang lahat tinatanggap ko.

“Like, itong Rhodora X, at siyempre sa family ako naka-focus nang talagang sobrang-sobra.

"Tapos, ang dami kong mga nari-realize sa buhay, like, hindi mo kailangan ng ka-partner sa buhay para maging masaya.

"Your family and your son are enough. I’m fine with that.

“Sobrang okay na okay ako.”



ON THE MEND. Parte rin ng kasiyahan ni Jennylyn ang kanyang career.

Bukod sa Rhodora X—na ipalalabas na simula sa Lunes, January 27—napapanood din si Jennylyn sa Sunday All Stars at sa cooking show na Sarap With Family sa GMA News TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Tuluy-tuloy ang blessings, na parang ang sarap-sarap, overwhelming…

"Kaya siguro parang lumalabas yung happiness… parang nakikita mo sa katawan, sa hitsura.”

Dahil sa dami ng trabaho niya, masasabi bang naka-recover na siya sa breakup nila ni Luis?

Sagot ni Jennylyn, “Opo.

"Thank you GMA, kasi talagang after that, lahat ng blessing, dumating."

Dagdag pa niya habang natatawa, "Nagkaroon pa ako ng cooking show, hindi naman ako marunong magluto!"

Pero hindi naman daw “charing-charing” lang ang pagluluto niya sa show.

“Nag-crash course ako para man lang kahit papaano naman, hindi nakakahiya sa paghalo, di ba?

"Sa talsik ng mantika, takot ako!" masaya niyang kuwento.



GIVING ALL FOR LOVE. Kung naka-recover na siya sa breakup nila ni Luis, may natutunan ba siya sa nangyari sa kanya?

“Siguro yung para sa akin, yung pakikisama.

"At siguro, dapat alam mo kung ano yung pinapasok mo.

“Yung, alam mo ang mga dapat mong gawin, like, siguro dapat magtira ka rin for yourself.

"Kasi ganoon naman akong magmahal—parati!

"Iyong ibubuhos mo lahat, hindi pala dapat.

"Kasi hindi mo masasabi kung ano’ng puwedeng dumating sa buhay mo, kung ano’ng puwedeng mangyari."

So, sa susunod, hindi na niya itotodo?

Sagot ni Jennylyn, “Ganun pa rin.

"Kailangan lang siguro, kailangan pantay-pantay.

"Hindi yung ang laki dito, konti dito.

“Hindi ako magsisisi na minahal ko talaga lahat nung mga minahal ko nang sobra-sobra.

"Kasi, ganun akong magmahal. Ibibigay ko talaga lahat.

"Tsaka ayoko ng may pinagsisisihan.”"

POSSIBLE PROJECT. Mukhang magkakabalikan si Luis at ang dati niyang girlfriend na si Angel Locsin, pagkatapos ideklara ng dalawa na mahal pa nila ang isa’t isa.

Halimbawang may pelikulang i-offer sa kanya na magkakasama silang tatlo nina Luis at Ange, tatanggapin ba ni Jennylyn?

Tugon niya, “That’s fine!

"Doon lalabas ang professionalism, so okay lang.

“As long as wala akong sinasaktan na tao, wala akong tinatapakan, wala akong sinasabing masama, wala akong dapat ikatakot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN