Wally Bayola resumes work onstage after four months of absence

Martes, January 21, 2014, nang bumalik sa pagtatanghal sa entablado ang kontrobersiyal na comedian na si Wally Bayola. Pero hindi pa rin malinaw kung babalik na rin siya sa noontime show na Eat Bulaga!


Balik-entablado na ang komedyanteng si Wally Bayola pagkatapos ng apat na buwang pag-iwas nito sa publiko.

Noong Martes, January 21, sumalang muli sa kinagisnang trabaho ang komedyante—bilang stand-up comedian—sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Ito ay ayon sa post ng may-ari ng bar na si Lito Alejandria (@mamalits) sa photo-sharing website na Instagram.

Kasunod na post ni Lito ay ang larawan nila ni Wally, kasama ang dating alaga nitong si Ya Chang.

May caption itong: “namiss ko si Wally B.... Yehey..he’s back on track... Meeting w/ my ex-alaga Yachang .... Raket in Japan...”

Kaugnay nito, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Lito kung talaga bang balik-trabaho na si Wally, at kung bababalik na rin ba ito sa Eat Bulaga!

Sagot nito throught text messaging (published as is): “Di ko alam sa Bulaga pero sa Zirkoh back on primetime na namin sya every tuesday.”

Kasunod naming hiningan ng pahayag ang manager ni Wally na si Malou Choa-Fagar, kung magbabalik na nga ba ang komedyante sa longest-running noontime show.

Maiksing sagot nito sa aming text: “Wala akong statement.”

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya si Wally noong September 2013 nang naging viral ang sex video nila ng isang dating miyembro ng EB Babes, ang all-female dance group.

Simula noon, hindi na napanood sa Eat Bulaga! si Wally.

Read: Wally Bayola’s alleged sex video with EB Babes dancer goes viral


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN