Vhong Navarro tied, blindfolded, and beaten by six unknown men

Kasalukuyang nagpapagaling ang TV host-comedian na si Vhong Navarro matapos itong mabugbog ng anim na katao sa isang condominium unit, sa The Fort, noong Miyerkules, January 22. Sasailalim daw ang It’s Showtime host sa isang operasyon sa Lunes, January 27.


Nagpapagaling ngayon sa isang ospital ang comedian-TV host na si Vhong Navarro, matapos siyang mabugbog ng anim na kalalakihan sa The Fort, Taguig City, noong Miyerkules, January 22.

Sa exclusive phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa direktor na si Chito Roño, na siya ring talent manager ng It’s Showtime host, sinabi nitong hindi pa sila maaring magbigay ng kumpletong detalye tungkol sa pambubugbog kay Vhong.

“Kasi ayaw pa ng lawyers. Meron pa silang mga inaayos.

“Kung ano yung nasa balita, hanggang dun lang siguro ako puwedeng mag-reveal ngayon.”

Naibalita ngayong araw, January 24, na inatake si Vhong ng ilang mga hindi kilalang lalaki sa isang condominium unit sa The Fort, na kanyang pinuntahan sa imbitasyon ng isang kaibigang babae.

Ayon pa sa report, itinali, piniringan ang mga mata, binugbog, at hiningan pa diumano ng pera ng mga suspek si Vhong.

Dagdag pang detalye ni Direk Chito sa PEP, “Except that Vhong is badly mauled, ‘no, a, anim yata na tao, tinali siya, tapos inano siya…

"You can imagine kung ano ang pinagdadaanan niya sa ngayon.

“So, hanggang dun lang ang aming ano…

"He is still up for surgery by Monday.

"We will still update kung anong mangyayari pa sa kanya.

“But, he’s okay naman, nakakaano naman siya...”

Nakakakilos na ba si Vhong ngayon habang nagpapagaling?

Tugon ni Direk Chito, “Yeah, oo, nakakagalaw naman siya, pero hindi siya maayos.

"Nakakagalaw na naman siya, nakakapagsalita naman siya, nakakapagbigay naman ng statement, pero hindi pa siya ayos talaga.”

Hindi pa raw alam ni Direk Chito kung kailan maisasampa ng mga abugado nila ang kaso laban sa mga suspek, pero inaayos na raw ito ngayon.

Saad pa ng award-winning director, “Inaantay namin siyempre, ano na ’yan, e, pag mga ganyang bagay, legal na ang nag-a-advice.

“So, hinihintay lang namin ang ano… although, yun nga, ngayon na lang siya puwedeng makipag-usap nang matino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang tomorrow siguro, in the next few days, malalaman niyo.”

Pansamantalang hindi muna mapapanood sa It’s Showtime si Vhong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN