Jayson Gainza denies "billing" issue with Mumbai Love co-star Martin Escudero

Mumbai Love co-star Martin Escudero

" data-url="https://www.pep.ph/news/42080/jayson-gainza-denies-billing-issue-with-mumbai-love-co-star-martin-escudero" data-desc="Jayson Gainza on Martin Escudero: "...napaka-positive niyang tao at masayahin."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5ad1a6f4.jpg">

Ang mga peg daw ni Jayson Gainza sa kanyang gay roles ay sina Joey de Leon at Roderick Paulate. Gusto rin daw nitong makagawa ng pelikulang katulad ng Ang Nanay Kong Tatay ng pinaka-idol niyang si Dolphy.

Nilinaw ni Jayson Gainza na walang naging problema sa pagitan nila ni Martin Escudero habang ginagawa nila ang pelikulang Mumbai Love.

Ang isyu ay tungkol daw sa billing ng pelikulang pinagbibidahan nina Solenn Heussaff at Kiko Matos.

Paliwanag niya, "Kahit saan man ilagay ang pangalan ko ay okey lang sa akin, wala pong problema iyon.

“Actually po, wala kaming naging problema ni Martin habang sinu-shooting namin iyong pelikula.

"Maayos ang aming trabaho.

"And si Martin, napaka-positive niyang tao at masayahin."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jayson noong Miyerkules, January 22, sa pamamagitan ng Facebook.

“Okay na okay po ang trabaho namin, the best ang mga actor at actress na kasama ko rito, ang babait nila.

"Pati ang director naming si direk Benito Benito ay cool lang,” dagdag pa ng komedyanteng produkto ng unang batch ng Pinoy Big Brother.

GAY ROLE. Ginagampanan ni Jayson ang bading na nanay-nanayan ni Solenn sa Mumbai Love.

Noong premiere night ng pelikula, maraming nagsasabi na dahil sa galing niya ay nasapawan niya ang kanyang mga co-star sa pelikula.

Ano ang comment niya rito?

"Hindi naman po yata. Kasi sinunod ko lang ang instructions ni direk, e.

"Pero nagpapasalamat ako na marami ang natutuwa sa pagbabading ko sa TV man or sa pelikula," sagot ni Jayson.

Sino ba ang peg niya kapag gumaganap siya bilang bading?

Sagot niya, "Sa Banana Split kasi ay may kasama kami na bading, kaya sila ang ginagaya ko.

"At saka idol ko si Joey de Leon, kaya nagagawa ko ito nang kuwela rin."

Nagagamit din raw niya ang mannerisms ni Roderick Paulate, lalo na daw iyong papila-pilantik na mga daliri ng actor/politician kapag gumaganap itong bading.

Sabi niya, "Iba rin kasi iyong technique at style ni Kuya Dick, e."

Idinagdag ni Jayson na ang King of Comedy na si Mang Dolphy ang siyang pinaka-idol niyang comedian talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre si Tito Dolphy, iba kasi talaga iyon pagdating sa comedy."

Hindi ba siya nag-aalalang ma-typecast sa role na bading dahil pati sa TV ay ginagawa niya rin ito?

"Hindi naman. Kumbaga, trabaho lang talaga e at masaya naman siyang gawin.

"Malimit man, yun yung role na nabibigay sa akin, okay lang sa akin."

Samantala, kilalang-kilala ngayon ang komedyante bilang isa sa pinakakuwelang impersonator ni Boy Abunda. May mga instance ba na napagkakamalan siyang bading?

“Wala pa naman po, kasi sa PBB ay alam naman nila na lalaki ako talaga, e."

GRATEFUL. Nagpapasalamat raw siya sa ABS-CBN sa pagkupkop sa kanya at sa pangangalaga ng career niya.

“Masayang-masaya ako sa opportunity na ibinigay nila sa akin.

"Malaki ang utang na loob ko sa kanila at natutuwa ako, sobra talaga, dahil hindi nila ako pinababayaan.

"Hanggang ngayong ay nagtitiwala pa rin sila sa akin.

"Kaya talagang lagi kong pinagbubutihan ang bawat trabahong ibinibigay sa akin sa ABS-CBN,” saad ni Jayson.

Sinabi rin ni Jayson na after PBB, ang Banana Split ang susunod niyang pinagkakautangan nang husto sa pagiging artista niya.

“Malaki ang utang na loob ko sa gag show namin. Ang dami kong natutunan sa Banana Split, at ang dami ko pang naging kaibigan din dahil sa show naming iyan.”

Patawa niyang pahabol, bilang artista raw, "Gusto ko sanang maging Hollywood actor."

FAMILY MAN. Pagdating naman sa kanyang pamilya, ang pinaka-una niyang pangarap ay "mapagtapos ang mga anak ko sa kanilang pag-aaral."

Saad niya, “Hiling ko rin sa Diyos na magkaroon sana ako ng isang maganda at pang-habangbuhay na negosyo.

"Kasi, kailangan at gusto ng lahat ng magulang na mai-secure niya ang kinabukasan ng kanyang pamilya.”

Nangarap ba naman ang Batangueñong komedyante na makakuha ng acting award?

"Hindi ko po iniisip iyan, pero kung sakali, bonus na lang po iyon.

"Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay mapatawa ko ang mga tao at mapasaya sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Except for Sam Milby, ang mga kasabayan ni Jayson sa unang batch ng PBB ay halos hindi na aktibo sa showbiz. Pero siya ay patuloy na umaarangkada ang career, ano ba ang sikreto niya?

Aniya, “Wala akong sikreto. Baka nakukuha lang sa dasal.

"Siyempre iyon ang mahalaga sa lahat, para tulungan tayo lagi ng Diyos.”

Mayroon din siyang dream role: ang ginampanan raw ni Tonton Gutierrez na Val, isang mentally-retarded sa pelikulang Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?

"Iyong kasama niya sina Gov. Vilma [Santos] at Ricky Davao. Iyong sinto-sinto bale ang papel ni Tonton doon, e.

“Sa tingin ko kasi, challenging iyon e.

“’Tapos kung puwede, kung mabibigyan ng chance, gusto ko iyong tulad ng role ni Tito Dolphy sa pelikula nila ni Niño Muhlach, Ang Nanay Kong Tatay.

"Gusto kong mag-drama, para maiba naman.”

Nabanggit din ni Jayson sa PEP na pagkatapos ng stint niya sa PBB noong 2005, dapat sana ay babalik siya sa pagiging Overseas Filipino Worker (OFW).

Pero nagpatuloy ang career niya sa showbiz.

“Hindi ko po talaga inaasahan na magiging ganito.

"Sabi ko nga noon, mag-i-Italy ako, e. Nag-Saudi na ako at mas malaki ang kita kung sa Italy ako magtatrabaho.

“Ang napanalunan ko noon sa PBB na P300,000, i-apply ko na lang sana sa ibang bansa.

“Pero sa awa ng Diyos, ng ating Panginoon, ang ginawa sa akin ay pina-stay ako sa showbiz.

"At na-e-enjoy ko naman ito ngayon.

“Kaya nagpapasalamat ako sa Star Magic at sa mga break na dumating sa akin.

"Dahil kung hindi, malamang ay nag-quit na ako noon pa sa showbiz at baka nasa Italy pa rin ako ngayon bilang OFW.”

Mumbai Love co-star Martin Escudero

" data-url="https://www.pep.ph/news/42080/jayson-gainza-denies-billing-issue-with-mumbai-love-co-star-martin-escudero" data-desc="Jayson Gainza on Martin Escudero: "...napaka-positive niyang tao at masayahin."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5ad1a6f4.jpg">
Mumbai Love co-star Martin Escudero

" data-url="https://www.pep.ph/news/42080/jayson-gainza-denies-billing-issue-with-mumbai-love-co-star-martin-escudero" data-desc="Jayson Gainza on Martin Escudero: "...napaka-positive niyang tao at masayahin."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5ad1a6f4.jpg">
Mumbai Love co-star Martin Escudero

" data-url="https://www.pep.ph/news/42080/jayson-gainza-denies-billing-issue-with-mumbai-love-co-star-martin-escudero" data-desc="Jayson Gainza on Martin Escudero: "...napaka-positive niyang tao at masayahin."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5ad1a6f4.jpg">

Mumbai Love co-star Martin Escudero

" data-url="https://www.pep.ph/news/42080/jayson-gainza-denies-billing-issue-with-mumbai-love-co-star-martin-escudero" data-desc="Jayson Gainza on Martin Escudero: "...napaka-positive niyang tao at masayahin."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5ad1a6f4.jpg">
Mumbai Love co-star Martin Escudero

" data-url="https://www.pep.ph/news/42080/jayson-gainza-denies-billing-issue-with-mumbai-love-co-star-martin-escudero" data-desc="Jayson Gainza on Martin Escudero: "...napaka-positive niyang tao at masayahin."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5ad1a6f4.jpg">
Mumbai Love co-star Martin Escudero

" data-url="https://www.pep.ph/news/42080/jayson-gainza-denies-billing-issue-with-mumbai-love-co-star-martin-escudero" data-desc="Jayson Gainza on Martin Escudero: "...napaka-positive niyang tao at masayahin."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5ad1a6f4.jpg">
Mumbai Love co-star Martin Escudero

" data-url="https://www.pep.ph/news/42080/jayson-gainza-denies-billing-issue-with-mumbai-love-co-star-martin-escudero" data-desc="Jayson Gainza on Martin Escudero: "...napaka-positive niyang tao at masayahin."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a5ad1a6f4.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN