Kylie Padilla clarifies cause of recent visit to hospital: "...overfatigue lang, kailangan ko lang magpahinga."

Kylie Padilla clears up rumors about her medical condition: “Oo [naospital ako)] pero hindi naman malala. Nagkakaroon kasi ako ng migraine palagi so, pina-check ko na kasi mamaya may tumor na ako hindi ko alam. So, ako ang mag-isa na nagpunta sa ospital. Sabi naman nila over-fatigue lang, kailangan ko lang magpahinga.”


Binigyang-linaw ni Kylie Padilla ang balitang isinugod daw siya sa ospital kamakailan. Diumano, may malala raw siyang sakit.

Paliwanag ni Kylie, “Oo [naospital ako], pero hindi naman malala.

“Nagkakaroon kasi ako ng migraine palagi, so pina-check ko na kasi mamaya may tumor na ako, hindi ko alam. So, ako ang mag-isa na nagpunta sa ospital.

“Ayoko na talaga… hindi ko na talaga kaya, mahirap mag-concentrate sa taping. ’Tapos nagpa-MRI ako. Sabi naman nila, overfatigue lang, kailangan ko lang magpahinga.

"E, mahirap kasi nagte-taping ako.”

Ayon sa MedicineNet.com, “An MRI [or magnetic resonance imaging] scan is a radiology technique that uses magnetism, radio waves, and a computer to produce images of body structures. An MRI scan can be used as an extremely accurate method of disease detection throughout the body. In the head, trauma to the brain can be seen as bleeding or swelling. Other abnormalities often found include brain aneurysms, stroke, tumors of the brain, as well as tumors or inflammation of the spine.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ni MJ Felipe ng Bandila si Kylie tungkol dito sa grand presscon ng kinabibilangan niyang pelikula under Star Cinema and RCP Productions, ang Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak, na ginanap noong January 23, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Nag-alala rin daw noong una ang ama niyang si Robin Padilla, pero agad din nawala ang pag-aalala nito nang malamang okay ang anak.

“Well, salamat sa Diyos, wala namang malala. Okay lang naman ako. Pahinga lang ang kailangan,” ani Kylie.

ROBIN’S REACTION. Sa panayam naman ng PEP at ni MJ kay Robin pagkatapos ng presscon, aniya, “Napasugod din nga ako dahil sinabi sa akin, nadala sa ospital. E, noong una akala ko migraine ang sinabi. Medyo natakot ako kasi maraming umpog yun.

“Totoo yung sinabi niya na trinain ko iyan sa Muay Thai. Sa gymnastics niya, ilang beses nauumpog iyan. Nalaglag pa sa GMA iyan, tumama ulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, sa kanyang show, yung sumasayaw siya. Kaya natakot ako noong una. Pero noong sinabi ng doktor na clear naman yung MRI, umuwi na ako.”

Nag-alala raw talaga siya.

“Oo, pag anak, iba, e. Parang kahit gusto mong ngumiti, hindi ka makangiti. Iba talaga pag magulang ka ’tapos anak, iba.”

Maayos naman na raw ang kalagayan ng anak kaya nagkasama pa sila sa presscon ng Sa Ngalan ng Ama, Ina, At Mga Anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN