PEP EXCLUSIVE. Andi Eigenmann reveals condition should daughter Ellie want to meet her dad someday: "Si Albie lang, hindi kasama ang parents."

When asked if she and boyfriend Jake Ejercito talk about her past with Albie Casiño, Andi Eigenmann says: “Hindi na rin. Ganun siya ka-irrelevant. Ganun siya ka-irrelevant na person.”


Nag-react si Andi Eigenmann sa balitang ayaw na ni Albie Casiño na madawit pa ang pangalan nito sa anumang usapin tungkol sa aktres.

Sinasabing si Albie ang ama ng magtatatlong taong gulang na anak ni Andi na si Adrianna Gabrielle Eigenmann.

Eksklusibong nakapanyam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya star noong January 21, sa presscon ng ABNKKBSNPLAko The Movie, na hango sa aklat ni Bob Ong, sa The Library, Metrowalk, Ortigas, Pasig City.

Para kay Andi, wala naman daw kaso sa kanya kung ayaw sagutin ng dating kasintahan ang mga tanong tungkol sa kanilang dalawa, lalo na’t matagal naman nang tapos ang kanilang relasyon at wala na silang komunikasyon sa isa’t isa.

Kaswal pero halatang iritang bungad ng 23-year-old star “It’s his right to say that.

“Well, I guess, alam ko rin namang mabuti siyang tao pero yung sa akin lang naman, ’wag siyang magpapalabas na he’s better than me.

“’Wag na niyang i-try na palabasin na mas mabuti siyang tao dahil sa ginawa niya at hindi siya masamang tao dahil sa desisyon niya.

“Actually, para sa akin nga, he’s not even a bad person, only, he needs is...."

Hindi natapos ni Andi kanyang sentence. Biglang ibinaling nito ang topic sa ina ng aktor na si Mrs. Rina Casiño, na nakapalitan ng aktres na maaanghang na salita noong 2012.

Matatandaang nabugbog noon si Albie at naniniwala itong may kinalaman si Andi.

READ Albie Casiño’s mom to Andi Eigenmann: "This time, I don’t think we’re backing off. We’re going to speak up."

Back to Andi, aniya, “And his Mom is probably the one who taught him to... for me, I don’t want to be that kind of mother to my daughter.

“Personally, I’m not even judging her and saying na she brought him up wrong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, ayokong maging ganun.”

Back to Albie, hindi na itinago ni Andi this time ang pagka-irita niya, “Sa akin nga, parang... kasi ako, nalaman ko na nagtuloy pa rin sa pag-aartista sa TV5.

“Sabi ko, sana naman yung mga tao kapag kinakausap siya, iparamdam talaga sa kanya kung gaano siya kat*nga minsan para matauhan.”

WILLING FOR FATHER AND DAUGHTER TO MEET. Nabanggit ng PEP sa kanya ang obserbasyon ng ilan na kapag tungkol sa kanilang anak na si Ellie ang pinag-uusapan, tila umiiwas din ang baguhang aktor.

Aniya, “Hindi siya comfortable.

“Oo nga, dumarating sa akin yung hard part na kapag hinanap na siya [ni Ellie], ’Paano ko ba i-explain?’

“I don’t even want to tell Ellie na his father is... I want naman to be able to say that your father is here but... that he loves you.

“E, paano yun?”

Sa parte niya, handa naman niyang pagtagpuin ang mag-ama sa tamang panahon pero sa isang kundisyon.

Mariing pahayag ng bida sa TV show na Galema, “Para sa akin po, ’pag si Ellie na ang humiling.

“Pero ’pag si Albie... for Ellie’s sake and not for Albie. And, si Albie lang, hindi kasama ang parents.”

Paano kung kumontra ang kanyang nanay, ang batikang aktres na si Jaclyn Jose?

“Kokontra siyempre,” mabilis niyang sagot. “Pero, ako pa rin ang ina.”

Sa part ng pamilya ni Albie, sa tingin ba niya nami-miss din ng mga ito ang kanyang anak?

“Ano... nakalimutan na nga namin na nag-e-exist sila, e.

“I mean, sorry, hindi ko kailangan, hindi ko kailangan na bumaba sa kanila.

“I have the most amazing daughter in the world, I have a successful career, I don’t need them.”

THE ONE THING SHE THANKS ALBIE FOR. Pero, may isang bagay na gusto niyang ipagpasalamat kay Albie, lalo na ngayon na ang laki na ng improvement ng katawan ng kanyang ex-BF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Health buff kasi yun,” ayon sa kanya. “Siya ang nagpapayat sa akin. Pasalamat ako sa kanya dun.

“Pero, I mean, ano ang magagawa ng magandang katawan kung wala namang laman ang...” sabay turo niya sa kanyang sintido.

“Okay lang if he keeps himself fit pero sabi ko, sa akin lang, ’wag na niyang i-try na he’s better than me.”

IRRELEVANT. Sa parte naman ni Jake Ejercito na nababalita na muling nagkabalikan silang dalawa, napag-uusapan ba nila ang tungkol sa nakaraan nila ni Albie?

“Hindi na rin,” sagot niya na medyo napalakas ang boses. “Ganun siya ka-irrelevant.

“Ganun siya ka-irrelevant na person,” pagtatapos niya.

Bukas ang PEP sakaling gustong magbigay ng pahayag ni Albie at ng ina nitong si Mrs. Rina Casiño tungkol sa mga tinuran ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN