Robin Padilla explains why he and wife Mariel Rodriguez are putting plans of having a baby on hold

Robin Padilla on why he and Mariel don’t want to have kids yet: “Kasi ngayon, ako ang asawa at anak niya..."


Mismong si Robin Padilla ang nagsabing ayaw pa nilang magkaanak ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez.

Ito ay sa kabila ng kagustuhan ng mga tagahanga nilang magkaroon na ng bunga ang mahigit tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment media pagkatapos ng presscon proper ng pelikulang Sa Ngalan Ng Ama, Ina At Mga Anak noong Huwebes, January 23, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, aminado siya na wala pa silang balak na magkaroon ng anak sa lalong madaling panahon.

Bungad ng action superstar, “Kasi ngayon, ako ang asawa at anak niya, pagka nagkaanak ’yan...” sabay singit namin na tila nawiwili siya na binibeybi ni Mariel.

“Dapat lang. Matanda na ako,” natatawang sagot ng action star.

“Kasi, ganito ’yan, twelve years old pa lang ay umalis na ako ng bahay.

“Hindi ko naman naramdaman ang pagiging bata, e.

“Lumayas na ako sa amin, naglagalag na ako at kung saan ako napunta.

“Ngayon ko naiintindihan na hindi ko sinasabing batang-isip ako, ha? Pero ngayon ko lang naramdaman na may nag-aalaga sa akin.

“Talagang twenty-four hours, twenty-fours hours, napakahirap bitawan."

NOT YET READY TO HAVE KIDS. Sa edad ni Mariel na 29 years old, malapit na ito sa tinatawag na “high-risk pregnancy” sa mga babae.

Hindi ba nila hinahanap-hanap yung magkaroon ng anak na kanilang-kanila?

Balik-tanong ni Binoe (nickname ni Robin), “Sa palagay niyo ba dapat na kaming magkaanak?

“Kasi kami ang masisira. Masisira, e.

“Alam niyo, kaming dalawa niyan, ang buhay namin ay unpredictable.

“’Pag nakikita niya na nagmumukha na akong radical, inaalis ako sa Pilipinas niyan.

“Kapag nagkaanak kami, magtutuluy-tuloy ako at baka sa kung saan ako mapunta.

“Sa ngayon, siya ang guide ko, siya ang nagkakalma sa akin. Ako yung...hindi ako puwedeng bitawan ni Mariel sa ngayon.”

Lumalabas na sa relasyon nila, mas kinakailangan niya ang kanyang maybahay higit sa pangangailangan nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, kailangan ko,” pag-amin ng 44-year-old star, “Kailangan ko siya twenty-four hours.

“Nasa estado ako kasi ngayon ng pagiging radical. Mahirap na kapag wala kang guide, ’di ba?”

ON BB GANDANGHARI. Samantala, naitanong sa kanya ng PEP kung bakit wala si BB Gandanghari sa nasabing pelikula na majority of the cast ay mula sa Padilla clan.

Matatandaang sa mga nakaraang interbyu kay BB, sinabi nitong hindi siya interesadong sumali dahil ang gustong mangyari ni Binoe ay gumanap siya bilang si Rustom Padilla.

“Ayaw niyang mag-Rustom, e,” pagkumpirma ng nakakabatang kapatid ni BB.

“Heto kasi, isa itong true-to-life mission na may mga naganap.

“E, wala namang gay dun na nangholdap na ng armour van. Kaya siyempre, nung ayaw niyang pumayag, nalungkot ako.

“Heto yung parang Mistah namin noon e na inilipat namin sa mga bata. Heto yung symbolism nito, e. Yung inilipat namin sa mga bata.

“E, siguro ay ayaw din niyang ilipat ang kanyang agimat.

“Uminit ang ulo ko, kasi ang laki ng eksena at ayaw niyang pumayag,” natatawang sabi pa niya.

Ang Mistah: Mga Mandirigma ay isang full-length action movie na ginawa nilang dalawa ni Rustom noong 1994.

Kasunod nito ay nagbuhos na siya ng kanyang saloobin tungkol sa kanyang “ate.”

“Kararating lang galing Amerika at hindi pa kami nagkikita,” saad niya.

“Noong bago pa siya umalis, nagkita kami.

“Dapat may uumpisahan kami niyan na pelikula pero tuwing magsisimula kami ay umaalis ’yan.

“Ganun yun.”

FALSE DEATH RUMOR. Inalam din namin sa kanya kung aware siya sa kumalat na hoax rumor tungkol sa pagkamatay umano ni BB.

“A, oo, pero ’di kami naniwala kasi may contact kami [sa kanya],” paliwanag ng award-winning action star.

“Pero kung walang contact, mag-aalala kami.

“Kaya nung kumakalat yun, wala akong... si Mama [Eva Cariño-Padilla] ang nakakatawa kasi may contact, siya ang nag-aalala.

“Sabi ko, ’Ermats, sino yung kausap mo pa lang? Para namang...’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, ’Hindi, baka may nangyari nga.’

“Sabi ko ulit, ’E, sino yung kausap natin?’

“Kung hindi pa si Mariel ang nagsabing, ’Di, Ma, nakakausap natin siya.’ Saka siya tumigil.

“Noong pumutok yun, sabi ko, imposible.

“Ewan ko ba, hindi ko alam kung marami ang gustong magka-AIDS siya. Ngayon lang ’yan nauso.

“Ang dami namang bagong sakit, e. Bakit yung luma pa,” halatang naiinis pero natatawang pagtatapos ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN