Anne Curtis has "moved on" from slapping incident

Hindi na alintana ni Anne Curtis kung may mga taong hindi pabor sa pagkakapili niya bilang bagong Dyesebel. Sabi niya, "Everyone will always have something to say." Masaya raw siya na sa kanya ipinagkatiwala ng ABS-CBN management ang role.


Naka-move on na raw si Anne Curtis sa slapping incident na kinasangkutan niya sa Privé Luxury Club noong November 23, 2013.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang entertainment writer ang actress-TV host sa pictorial niya para sa Belo Essentials, sa Pioneer Studios, Mandaluyong City, noong Sabado ng gabi, January 25.

Dito ay tinanong ng PEP si Anne kung nalampasan na ba niya ang kontrobersiyang kinasangkutan niya noong 2013.



Sagot niya, "Yes, I’ve left all of that in 2013 and I’m moving on for a greater 2014.

"Actually, even before I came out, everything was okay... everything was okay, so I think that helped me.

"It was just the harsh words that you really hear [that affected me], but then it stopped.

"And for me, that’s a sign that people have moved on, I have moved on."

Dagdag pa niya, "I have moved on, so let’s just keep that in 2013."

Sinabi rin ni Anne na may mga pagkakataon talagang nangyayari ang mga ganoong bagay sa buhay ng tao.

Dahil naman daw sa malaking isyung iyon, nakilala raw ni Anne ang mga tunay niyang kaibigan.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day)



THE CHOSEN ONE. Samantala, maganda ang salubong ng 2014 kay Anne dahil sa pagkakapili sa kanya para maging bagong Dyesebel sa fantaserye ng ABS-CBN.

Ano ang pakiramdam niya tungkol dito?

"It’s great and it’s something I’m really grateful for, and I’m very, very happy and excited."

Bago ianunsiyo na si Anne ang gaganap bilang Dyesebel, lumutang ang ilang pangalan na maaaring gumanap sa iconic fantasy character; kagaya nina Julia Montes, Kim Chiu, Jessy Mendiola, at KC Concepcion.

Ano naman ang pakiramdam ni Anne sa komento ng iba na may mas deserving pa raw na maging Dyesebel kaysa sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, "You know, everyone will always have something to say.

"For me, I’m just thankful that management chose me [to play Dyesebel].

"It was a big surprise when I came back from Canada."

Inilahad pa ni Anne na ibang proyekto ang dapat sana ay gagawin niya.

"I was actually set to do a different teleserye this year, which would have been a great teleserye with two new leading men.

"But they offered this to me and said, ’We hope you accept it.’

"And syempre, di ba, who am I to say no to Dyesebel?

"Of course, I’m gonna accept it."

PRAYING FOR VHONG. Samantala, kinuha rin namin ang pahayag ni Anne hinggil sa nangyaring pambubugbog sa kasamahan niya sa It’s Showtime na si Vhong Navarro noong January 22, Miyerkules, ng anim na di pa nakikilalang kalalakihan.

Sabi ni Anne, "We’re all very sad. Nakakapanghina. Devastated.

"But we’re happy he’s safe and we’re looking forward to his speedy recovery and to continue to pray for him, too."

Hindi naman napigilan ni Anne ang maging emosyunal nang mag-alay ng dasal ang staff and crew ng It’s Showtime para kay Vhong sa simula ng programa kahapon, January 25, Sabado.

STILL AN ENDORSER. Samantala, masaya si Anne sa pananatili niyang endorser ng Belo Essentials.

Inisip kasi ng iba na baka maapektuhan ang endorsements ni Anne pagkatapos ng kinasangkutan niyang insidente noong isang taon.

Sabi ni Anne, "Of course I’m happy to be part of a family for so long and family that I trust and trusts me in return.

"To be an endorser of not only one product that are perfect for me and I think it’s also the personal relationship.

"I’m just happy I get to be a Belo Essentials beauty products [endorser]," ani Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN