Vhong Navarro: "Hindi po ako rapist."

Ayon kay Vhong Navarro, kung mayroon man siyang nagawang kasalanan, ito ay sa kanyang girlfriend na nananatili pa ring nasa tabi niya sa kabila ng mga nangyari. Saad niya, "Matagal nang hindi niya ako pinabayaan. Hindi niya muna inisip ang sarili niya. Hindi niya muna inisip kung ano ang magiging reaksiyon niya, ano ang mararamdaman niya."


Inilahad din ni Vhong Navarro sa Buzz Ng Bayan ang nangyari sa presinto kung saan pina-police blotter ang "attempted rape" diumano niya kay Deniece Cornejo.

Read: Vhong Navarro now being accused of attempted rape by 22-year-old student, says blotter report

Salaysay ni Vhong, “Tapos, during na bumibiyahe po kami, humirit na naman si Cedric po na, ’Imbes na 500,000, gawin mo ng one million [pesos].’

“Hanggang sa makarating po kami sa pagba-blotter.

"Kasi, medyo liblib po. Pagpasok po namin, hindi ko makita kung presinto po siya.

"Pero pagdating po dun, may logbook po na si Deniece, nagpapa-blotter po.

"At kinakausap nga po ako ni Mike na, ’Sinasabi ko sa ‘yo, sundin mo lang ang gusto namin, lahat ng ‘to, mawawala.’

“’Wala kang video na lalabas, walang media na lalabas. Basta, ibigay mo lang ang usapan natin.’

“Kaya during na naririnig ko, sinasabi ni Deniece na nahuli raw kami sa akto na nire-rape ko siya.

“Kaya raw dumating at ginulpi ako.

"Parang ganun... naririnig ko lang po nang konti.

"Habang kinakausap niya [Mike] ako, naririnig ko si Deniece.

“Tapos po, after nun, pinapirma na ako sa blotter.

"Tinawag ako ni Cedric. Lumabas po ako.

"At sabi po sa akin ni Cedric, ’Imbes na one million, two million na.’

“Sabi ko, ’Wala na akong perang ganun. Hindi ko na kayang ibigay yun.’ Sabi ko, hanggang one million lang.

"’O, sige, basta pag-usapan natin ‘yan.’"

Noong nasa pri=esinto sila at nandoon si Deniece, wala silang naging pag-uusap? Hindi siya nagalit?

“Instead na magalit ako that time, takot na takot na ako. Takot na takot,” sabi ni Vhong.

Hindi sila nagkatinginan ni Deniece?

“Hindi siya makatingin sa akin nang diretso.

"Ang tingin niya sa akin, parang ganyan lang...

"Ang natatandaan ko lang na sabi niya, ’I’m sorry, Vhong.’ Ganun lang.

"’I’m sorry, Vhong,’ ang natatandaan kong sinabi niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Varbalized na sinabi sa kanya ang paumanhin?

“Yes po,” sagot ni Vhong.

TRANSACTION. Pagkatapos daw nilang mag-usap ni Cedric ay bumalik si Vhong sa loob ng presinto.

“Sabi ko sa pulis, kung puwede akong maghilamos dahil may mga dugo pa po ako. Naghilamos po ako.

"Tapos sabi nila, kung puwede raw hingin yung side ko.

"Sabi ko, ’Huwag na po.’"

Pero, nakilala siya ng mga pulis?

“Noong una po, para pong hindi, kasi sobra pong maga na ang mukha ko.

"Sabi nila, kung gusto ko raw ilabas ang statement ko.

"Sabi ko, ’Huwag na po.’

"Natatakot ako. Kasi lalabas ako, tatlo sila, baka kung ano na naman po ang gawin sa akin.

"Tapos po, after nun, sabi ni Mike, ihahatid daw nila ako sa condo kung nasaan ang kotse ko.

“Lumabas si Mike saglit, kinausap niya ang pulis.

"Sabi ko, ’Puwede po ba na kayo [pulis] ang maghatid sa akin?’

“So, noong hinatid nila ako... kaya lang kasama yung Mike, at saka may isa pang lalaki at may isa pa. Kasama po nila ‘tong mga ‘to.

“Tapos po, binaba po nila ako sa kotse ko.

"Kumatok pa yung Mike, sabi niya, ’O, mag-ingat kayo, ha.’

"After nun, kinuha po ni Mike ang number ko. Kinuha rin ni Cedric para sa transaction.”

Yung isang milyon, kailan niya ibibigay?

“January 23 din po.”

May oras?

“Wala po... kaya yung time na nandito na ako [sa hospital]...

"Wala rin pong lugar, pero kailangan ko lang pong i-deposit. May ibinigay silang bangko."

Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy ni Vhong ang kuwento tungkol sa pag-alis nila sa presinto.

"After po nun, kumatok yung Mike. Sabi ni Mike, ’Mag-ingat kayo.’

“Sabi ko [sa pulis], ’Sarado mo na ang pinto, huwag mo nang tingnan ‘yan.’

“Tapos po, tumawag... tumawag ang Mike sa akin.

"At sinabi na, ’Walang lalabas sa video, walang lalabas sa media. Walang lalabas sa blotter, basta ibigay mo lang ang hinihingi namin ni Cedric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tatawag siya sa ‘yo bukas, ibibigay niya kung ano ang bank account, i-deposit mo na lang.’

"Sabi ko, ’Opo.’

"Natatakot po ako talaga.

"Ang puwede ko lang sabihin, ’opo,’ hindi po ako puwedeng humindi."

PAYMENT FOR DAMAGE. Natatakot daw si Vhong para sa mga anak at pamilya niya dahil pinagbantaan siya.

Ayon kay Vhong, “Opo, kung magsusumbong ako sa pulis.

"Kaya pumasok po yung blotter... ano po yun, merong pangba-blackmail po kasi na nangyari.”

Ito ang police blotter na pinirmahan niya—Ferdinand Navarro—noong 11:49 ng gabi, January 22.

Read: Vhong Navarro now being accused of attempted rape by 22-year-old student, says blotter report

Ayon pa sa It’s Showtime host, “Pangba-blotter po sa akin. Nakalagay po dun is hindi nila itutuloy, hindi sila magrereklamo.

“Kasi nga, may usapan po... ginawa lang ang pagba-blotter na yun just in case na magsumbong ako, e, meron silang panghahawakan laban sa akin.

“Basta ibigay ko ang gusto nila na magbabayad ako sa kanila ng one million po.”

Sabi pa ni Vhong, “From P200,000, naging P500,000, at umabot po ng one million, at sinagad pa nila ng two million.

“Sabi ko, hindi ko na kaya. Damage ko daw dun sa babae.”

Nagbayad na siya?

“Hindi po,” sabi ni Vhong.

Ano na ang naging usapan nila ngayon?

Ayon kay Vhong, “Kaya nila ako pinakawalan, isinoli ang cell phone ko para meron kaming transaction na magaganap.

“Na kailangan ko pong ibigay.

"Kung nangyari siya ng January 23 ng madaling-araw, kailangan ko raw ibigay ng hapon.

“Tatawag daw sila at magti-text kung saan bank account at kanino ko ipapangalan.”

Hanggang saan ang laban na ito?

“Gusto ko na sana yung justice. Gusto ko na sana na may mangyaring hustisya.

"Gusto ko sana may pagbayaran sa gumawa sa akin," sabi ni Vhong.

WHAT’S GOING THROUGH HIS MIND. Ano ang naglalaro sa isipan niya noong oras na yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre po, ang papasok, pananakot, pamilya ko, mga anak ko. Tapos siyempre, yung career ko.

“Siyempre po, after ng nangyari rito, siyempre po, yung kahihiyan na pambababoy sa akin.

“Kaya ako, hindi ko alam kung ano ang magiging reflection.

"Hindi ko po alam kung ano ang kalalabasan nito sa lahat—sa lahat ng mga magulang, mga bata, mga kaibigan na sumusuporta sa akin.

“Hindi ko po alam.

“Basta ang iniisip ko po ngayon dito,” umiiyak na pahayag ni Vhong.

Dagdag pa niya, “Gusto kong mai-save ang mga anak ko.

"Gusto kong makita. Mai-save ang buong pamilya ko.

"Sila ang naiisip ko, hindi ang buhay ko.

"Hindi po ako rapist.

“Hindi po ako nagda-drugs.

“Matino po akong tao. May takot ako sa Diyos.

"Mahal ko ang mga magulang ko, may respeto ako sa mga magulang ko.

"Kaya ang gusto ko, ang gagawin ko, hindi gagawin ng mga anak ko."

Nagkaroon na ba siya ng pagkakataong makaharap ang kanyang mga anak, pamilya?

“Yun nga po ang masakit, e.

"Sa gitna ng nangyayaring ito sa akin, ayoko sila sa tabi ko muna.

“Ayoko sila sa tabi ko, ayokong makita nila ang hitsura ko.

"Ayokong... mawawalan sila ng lakas ng loob na...

"Kasi, nakausap ko sila, gusto nilang magbantay.

“Siyempre, anak ‘yan. May ginawa sa tatay, sabi ko, hindi ganun.

"Ayoko kasing maawa sila. Ayokong makita nila na ganito ako.

"Gusto nilang pumunta, sabi ko, ’Huwag muna. Di bale, kapag nakalabas ako rito, magkikita-kita naman tayo.’

"Kasi, gusto ko silang yakapin.

“Yung daddy ko, ayoko munang papuntahin kasi may sakit po yun.

"Pero sabi ng tatay ko, ’Bakit wala ako diyan?’"

READY FOR ANYTHING. Dahil sa pagsasalita ni Vhong, sa kabila ng usapan nilang hindi siya magsasalita, maraming puwedeng mangyari.

Nakahanda na ba siya sa posibleng mangyari?

Tugon niya, “Kung hindi ko po lalakasan ang loob ko, tulad nga ng sinasabi ko, kung nangyari po sa akin ‘to, I’m sure, parang puwedeng ulitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwedeng mangyari ulit.

“Kung hindi man sa akin, sa mga iba pang kasamahan natin sa industriya o mga ordinaryong tao na walang mga kapit o walang mga kilala o connection.

“Kasi, itong taong ‘to, parang malakas ang connection, e.”

Hindi na rin daw alintana ni Vhong kung lumabas man ang video na kinunan sa kanya.

Aniya, “Siguro yung video, okay lang po yun, sa kanila na po yun.”

Itong video ba na ito ay naglalaman ng nakikipagtalik siya?

Sagot ni Vhong, “Hindi po.

"Ang video po na ito na nakita, na binaboy po ako, sa baba, sa ari ko, sa private part ko.

“Ipinakita po dun na medyo baboy na.

"At the same time, yung video na, ’Ako si Vhong Navarro, nang-rape ako ng kaibigan ko.’

"Yun po ang video nila na hawak.

“Pang-blackmail po nila sa akin.”

Diin pa niya, “Wala po akong video na nakikipagtalik dahil po hindi nangyari na nakipagtalik ako sa kanya.”

LESSON LEARNED. Ano ang natutunan niya sa mga nangyari?

Sabi ni Vhong, “Siguro, huwag tayong magtitiwala kahit kanino.

"Kasi, hindi natin alam kung sino ba ang mabuti at hindi.”

Ano ang dasal niya?

“Sana magkaroon ng hustisya ‘to dahil ayoko nang maulit ‘to.

"Ayoko nang maulit ‘to sa akin o kahit kanino, lalo na sa mga ordinaryong tao.

“Kung nagawa po sa akin, puwede rin sa kanila.”

Sa mga tagahanga niya?

Umiiyak na mensahe ni Vhong, “Sa mga sumusuporta po sa akin, salamat po sa lahat ng dasal ninyo na hanggang ngayon po e nagiging okay po ang aking kalagayan.

“Salamat po, ang alam ko, ang ilan sa inyo, hindi naniniwala.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi po ako rapist.

"Hindi ko po magagawa yun, may takot po ako sa Diyos."

Dagdag pa ni Vhong, “Kung meron man akong kasalanan, sa isa lang po yun—sa girlfriend ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May non-showbiz girlfriend ngayon si Vhong.

Ano ang sinabi niya sa kanyang girlfriend na hindi siya iniwanan sa kabila ng mga nangyari?

“Sobra, sobrang pasasalamat po.

"Ito yung sinasabi ko na pinaka-down ko sa buhay.

"Matagal nang hindi niya ako pinabayaan. Hindi niya muna inisip ang sarili niya.

“Hindi niya muna inisip kung ano ang magiging reaksiyon niya, ano ang mararamdaman niya.

"Basta, pumunta po ako, e.

“Kasi, basta ang iniisip niya, ako pa rin.”

Humingi siya ng tawad?

“Sobra po humingi ako ng tawad na sana bigyan pa ko ng chance.

"Gusto kong sabihin sa kanya, hindi ako rapist.

“Kaya po ako humaharap dito dahil gusto ko pong sabihin ang totoo.

"Hindi po ako mahilig magpa-interview.

"Kahit po sa mga anak ko, sa mga nangyari sa buhay ko, napaka-private ko po.

“Never kong inamin na may girlfriend ako before. Pero ngayon, sinasabi ko, meron.

"Hindi ako mahilig magpa-interview, pero this time, alam ko po yung totoo. Alam ko po yung totoo.

“At ayokong maulit ulit ‘to. Ayokong mangyari rin ito sa iba.”

Ed’s Note: Bukas ang PEP sa panig nina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at ng isang "Mike" sa mga paratang ni Vhong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN