GMA: Atty. Felipe Gozon not related to Vhong Navarro’s complainant

“From the moment GMA News learned of the story, it sought the side of Vhong Navarro. Chito Rono, his manager, gave GMA News a written statement, which was aired yesterday [January 25]. Today [January 26], GMA News aired an interview with Navarro’s lawyer, Aty. Alma Mallonga,” says GMA Network in a statement showing its news organization have been unbiased in reporting the mauling incident involving ABS-CBN TV host-actor Vhong Navarro.


Nilinaw ng GMA Network na walang anumang koneksiyon ang chairman at CEO ng Kapuso network sa sinasabing nagrereklamo ng attempted rape laban sa comedian-TV host na si Vhong Navarro.

Sa eksklusibong panayam ng Buzz Ng Bayan kay Vhong, na umere kaninang hapon, January 26, pinangalanan ni Vhong ang babaeng pinuntahan niya noong gabi ng January 22 bilang si "Deniece Millet Cornejo."

Ayon kay Vhong, inimbitahan siya ni Deniece na pumunta sa kanyang condominium unit sa Bonifacio Global City.

Dito raw nangyari ang pambubugbog sa kanya ni "Cedric Lee" at iba pang mga kalalakihan.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Ilang oras matapos banggitin ni Vhong ang pangalan ni Deniece, isang 22-year-old model, lumabas ang ilang larawan niya sa iba’t ibang networking sites.

Kabilang dito ang larawan kung saan kasama ni Deniece si Atty. Gozon.

Sa caption ay nakalagay ito: “With lolo felipe gozon ceo of GMA 7 it was so nice to hear that they want me to be one of their princess #letmethinkitover #23rdtourismawardsnight”

Dahil dito, may ilang nag-akala na ang tinutukoy ni Deniece na "lolo" ay si Atty. Gozon.

Kaagad namang naglabas ng statement ang GMA Network ngayong gabi, January 26, upang linawin ang haka-hakang ito:

“This is to clarify that the complainant involved in the Vhong Navarro incident is not related to GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon.”

Nilinaw rin sa statement ang pagbabalitang ginawa ng GMA News tungkol sa blotter report laban kay Vhong.

Dahil si Vhong ay bahagi ng ABS-CBN, ang karibal na network ng GMA, may mga nagsasabing naging biased diumano ang GMA News sa pagbabalita tungkol insidente.

Mas nabigyan pa ito ng kulay nang iulat ng GMA News ang nakuhang police blotter ng Souther Police District, kung saan unang lumabas ang tungkol sa akusasyon ng complainant—na di pinangalanan sa mga naunang report—ng attempted rape laban kay Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vhong Navarro now being accused of attempted rape by 22-year-old student, says blotter report

Ayon sa statement ng GMA, patas ang naging pag-uulat ng GMA News sa pamamagitan ng paglalabas ng lahat ng panig na kanilang nakuha tungkol sa insidente.

Bukod sa GMA News, may ilan pa raw media organizations ang nag-ulat tungkol sa naturang police blotter.

Narito ang kabuuang statement mula sa GMA Network:

“This is to clarify that the complainant involved in the Vhong Navarro incident is not related to GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon.

“From the moment GMA News learned of the story, it sought the side of Vhong Navarro. Chito Roño, his manager, gave GMA News a written statement, which was aired yesterday [January 25]. Today [January 26], GMA News aired an interview with Navarro’s lawyer, Aty. Alma Mallonga.

“The report about the alleged attempted rape was based on the blotter filed at the Investigative Section of the Southern Police District where Vhong Navarro was taken after the incident. Other news organizations also reported it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN