Gabby Eigenmann admits "it’s not a dream" to co-star with his parents

Sa puntong ito raw ng career ni Gabby Eigenmann ay hindi na siya namimili ng role na gagampanan niya. Paliwanag niya, "Sabi ko nga, whatever given naman, e. It’s a job. Ang dami-daming bagong artista, ang daming mas bata sa ‘yo. Ang daming mas magandang katawan sa ‘yo, e, ano ba ang puhunan ko? Versatility? E, hanggang kailan lang yun, di ba?"


Sa unang pagkakataon ay gaganap bilang mag-ina si Gabby Eigenmann at ang kanyang tunay na ina na si Irene Celebre.

Ito ay sa pamamagitan ng bagong early primetime series ng GMA na Paraiso Ko’y Ikaw.

Sabi ni Gabby tungkol dito, “Natutuwa ako, excited naman ako.

"Sabi nga niya kanina, ipinagdarasal daw niya na makatrabaho raw ako—answered prayer.

“Sabi ko nga, God moves in mysterious ways... after all these years.

"My mom kasi started in showbiz when she was really young, sa Wow Girls pa siya, e.

“Then, she met my dad, and the rest was history.

"Ngayon, nasa showbiz ako, at siya naman, commercial model talaga siya.

"Pero nakakatuwa naman na after all these years, nabigyan ng opportunity na magkasama kami.”

Ang ama ni Gabby ay ang mahusay na aktor na si Mark Gil.

Hindi raw matandaan ni Gabby kung may proyekto na sila ng ama kung saan gumanap sila bilang mag-ama.

Pangarap din ba niyang makasama ang kanyang mga magulang sa isang proyekto?

“Well, okay naman sila, they are friends.

"It’s possible and impossible!

“It’s possible if mabibigyan ng oportunidad.

"Kung nandidiyan lang, it’s impossible.

“Siyempre, paano ba ie-explain... it’s not a dream na makasama sila.

"Pero kung mabibigyan ng opportunity, lalo na at nandito na sa GMA ang mommy ko, why not?

"But it could be weird!" natawa niyang sabi.

Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni Gabby.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa press conference ng Paraiso Ko’y Ikaw noong January 21.

FROM BARONG TO UNDERWEAR. Kung sa huling primetime series ni Gabby na Mundo Mo’y Akin ay gumanap siya bilang nagmamay-ari ng barong business, dito naman sa Paraiso Ko’y Ikaw ay may-ari naman daw siya ng underwear business.

Hindi ba siya nag-aalala na may pagkakahalintulad ang dalawang karakter niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gabby, “So far, naililihis naman.

"Yun naman ang una kong naging concern, kasi gusto kong malayo ang character ni Edward kay Ziggy noon."

Edward ang pangalan ng karakter ni Gabby sa Paraiso Ako’y Ikaw, at Ziggy naman ang pangalan niya sa Mundo Mo’y Ikaw.

“Ginagawan naman ng creative team na huwag matulad ng character ni Edward.

"Actually, second day ko pa lang bukas kaya unti-unti ko pang gina-grasp ang character ni Edward."

Bagamat nasanay na ang Kapuso viewers na mapanood siya bilang kontrabida, dito sa Paraiso Ko’y Ikaw ay muli na naman siyang gaganap ng mabait na karakter.

Sabi niya, “Nagkataon na nabigyan ng role na daddy role, tapos mabait.

"Kasi, sa Mundo Mo’y Akin, medyo gray.

“Sabi ko nga, whatever given naman, e. It’s a job.

“Ang dami-daming bagong artista, ang daming mas bata sa ‘yo.

"Ang daming mas magandang katawan sa ‘yo, e, ano ba ang puhunan ko? Versatility?

“E, hanggang kailan lang yun, di ba?

"So, sabi ko nga, kung anuman ang ibigay, I try to make it a point to leave a mark.

"Leave a mark kasi, sabi nga nila, you’re as good as your last soap.

“Baka kaya ako nabigyan ng isa pang soap, baka may naiwan ako sa Mundo Mo’y Akin.”

Mas gusto niya na mabait na karakter kaysa sa kontrabida?

Tugon niya, “Hindi mas gusto, pero nakaka-miss din yung kontrabida talaga.

"Actually, nagpapasalamat ako sa GMA at mamimili pa ba ako?

“And yun nga, the opportunity that given to me, I just have to make the most of it.

"Sabi ko nga, kailangan kong bigyan ng marka ‘to, para kung may ibibigay sila ulit, it’s something different naman.”

Dagdag niya, “And like I said, hindi sa mas gusto kundi nakaka-miss yung pumatay, manunog...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero so far, natutuwa ako because I can put myself into challenging roles."

KIM AND KRISTOFFER. Kumusta naman ang mga bida ng Paraiso Ko’y Ikaw na sina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin?

Ayon kay Gabby, “Okay naman, sa Kambal Ni Eliana, magkasama sila, di ba?

“I guess they’ve proven something na sila yung bagong pine-pair.

"Mukha namang nagkaroon sila ng opportunity to do it again, dito sa Paraiso Ko’y Ikaw."

Medyo nawi-weirduhan nga lang daw si Gabby dahil kasama rin sa cast ng kanilang soap si Joyce Ching, na ex-girlfriend ni Kristoffer.

Paliwanag niya, “Kasi, yung mga batang ‘yan, nakasama ko sa Munting Heredera.

"So, yung bunga ng pag-iibigan nila, na-witness ko ‘yan.

“Nakaka-text ko sila once in a while, so it’s just a surprise because they are a very good couple.

"Sabagay, bata pa. Marami pa silang madidiskubre sa isa’t isa.

“I guess, now, showbiz thing, sasabihin focus muna sa trabaho.

"Sabi ko nga, ’At least, nagawan niyo ng paraan na may work kayo, nagkaroon kayo ng relasyon.’

“It didn’t flourish, maybe in the future, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN