Jake Vargas beefs up body to break teeny-bopper image

Jake Vargas on girlfriend Bea Binene: "Nung nagkabalikan kami, wala pang insidenteng nagkatampuhan kami, mas naging maganda ang samahan namin ngayon. Hindi katulad last year, yung puro negative yung nangyayari, kaya hindi naging maganda yung relasyon namin."


Aminado si Jake Vargas na napag-iiwanan na siya ng kanyang mga kapanabayang Kapuso tween stars na tumatanggap na ngayon ng mature roles, gaya ni Kristoffer Martin.

Sabi ni Jake, "Pero ako, gusto ko ring kumawala dun sa mga pagpapa-cute sa TV at katulad nila, makakatanggap din ako ng medyo mature na role.

“Napaghahandaan naman yun, e.

"Kung sila nga nagawa nila, alam kong kaya ko din.

"Siguro kung dumating sa akin yung project na medyo pang-mature, yun na siguro yung time na dapat ko na ring gawin, dahil nagtitiwala na sa akin yung GMA na kaya ko nang gampanan yun.

“Hindi naman kasi nila ibibigay sa akin yun kung alam nilang hindi ko kaya."

Twenty-one years old na si Jake, ngunit marami ang nag-aakalang teenager pa siya dahil sa kanyang baby face.

Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi siya mabigyan ng mature roles?

Pagsang-ayon ni Jake, “Kaya nga, dahil din siguro dun.

"Kaya nga babaguhin ko na yung look ko para medyo mag-mature ng konti yung hitsura ko at hindi yung mukhang totoy na totoy."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa taping ng Walang Tulugan With The Mastershowman noong Biyernes, January 24, sa GMA Annex Studio 6.



NEXT SOAP. Ang huling teleserye ni Jake ay ang Home Sweet Home, na noon pang July 2013 nagtapos.

Hindi ba siya naiinip na magkaroon muli ng teleserye?

Sagot niya, “Actually, hindi naman sa naiinip, kasi may mga iba naman akong shows, like Pepito Manaloto, SAS [Sunday All Stars], at Walang Tulugan With The Mastershowman.

“Meron din akong Maynila ngayon na one month mapapanood. Bale ako yung featured artist for the month of January.

“Siyempre ako, gusto ko ding magkaroon ng teleserye at may soap akong sarili.

"Siguro darating din yung araw na magkakaroon din ako.

“Pero sa ngayon, wala pa talaga, at naghihintay lang ako kung kailan nila ako bibigyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOING TO THE GYM. Bukod sa kanyang shows, abala rin daw si Jake sa pagpapaganda ng katawan.

Aniya, "Almost every time na wala akong gingawa, nagdyi-gym ako.

“At least, pag may bagong soap ako, maganda na yung katawan ko."

Handa ba ba siyang tumanggap ng sexy role kaya nagpapaganda siya ng katawan?

“Hindi naman. Mas gusto ko lang talaga magkalaman, para maiba naman yung look ko.

“Para mabago naman ang image ko.

"Kasi 2014, kailangan mo na yung Jake Vargas na nakilala nung mga tao nung nagsisimula ako, para maiba naman ngayong taon.

“Maganda kasi yung marinig mo yung sinasabi ng tao na, ’Wow, ang ganda naman ng katawan ni Jake Vargas!’

“O kaya, ’Wow, ang laki ng improvement ng looks ni Jake Vargas!’

“Kaya nga balak ko ding magpagupit ng buhok para maiba-iba rin.

"And para na rin sa health, para laging healthy."

Totoo bang sabay silang nagdyi-gym ng girlfriend niyang si Bea Binene?

Pag-amin ni Jake, "Oo, siya yung malimit kong kasama, kasi pareho kaming nagdyi-gym.

"Tsaka mas nai-inspire ako na mag-gym kasi siya kasama ko."

Kung maganda na ba ang katawan niya ay willing na siyang mag-topless kung kinakailangan?

“Depende, e. Siguro pag ready na ako, ready na yung katawan ko

"Pero feeling ko, matatagalan pa, kasi marami pang fats na susunugin!" tawa niya.

Dagdag ni Jake, "Tingnan na lang natin.

"Pag maganda na talaga yung katawan ko, baka pag nakita kong puwede na, bakit naman hindi.

"Mahirap naman kasi na parang half-baked yung ipapakita ko, yung hindi pa ganun kaganda yung katawan ko."

May peg ba siya sa pagpapalaki ng katawan?

“Wala naman, gusto ko lang talaga na gumanda yung katawan ko

“Okey na sa akin yung magkaroon ako ng konting laman, abs, masaya na ako nun.

"Hindi naman yung parang lalaban ka na sa body contest!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEA BINENE. Si Bea ba ang dahilan kung maganda ang aura niya ngayon?

Sabi ni Jake, “Oo naman, siyempre iba pa rin kasi yung may inspirasyon ka sa buhay.

“Kasi nandiyan yung support, yung love, yung kung papa’no ka gaganahan sa taping, na aalagaan ka lagi... yung mga ganun."

Nagkakatampuhan pa rin ba sila?

"Wala na kaming tampuhan ni Bea ngayon, mas naging okey nga kami, e.

“Nung nagkabalikan kami, wala pang insidenteng nagkatampuhan kami, mas naging maganda ang samahan namin ngayon.

“Hindi katulad last year, yung puro negative yung nangyayari, kaya hindi naging maganda yung relasyon namin."

Totoo bang si Jake ang dahilan kung bakit hindi tinanggap ni Bea ang Paraiso Ko’y Ikaw? Dahil hindi ang young actor ang makakapareha nito?

Ayon kay Jake, “Hindi naman siguro ako yung dahilan.

"Kasi ang alam ko, hindi lang handa si Bea na medyo magpa-sexy na sa teleserye.

“Lalo na si Tita, yung mommy niya, istrikto din. Hindi papayag yun na magpa-sexy na si Bea.

“Tsaka masyado pang bata si Bea para siguro dun sa role.

“May kissing scene pa yata dun, kaya alam ko yun yung reason kaya tinanggihan niya yung soap."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN