Aljur Abrenica cooks birthday surprise for girlfriend Kylie Padilla; noncommittal about changing his religion for love

Aljur Abrenica on changing his religion in the name of love: "Mahirap kasing pag-usapan ‘yan. May kanya-kanya tayong pamilya na may kanya-kanyang relihiyon at paniniwala. Kumbaga, kung saan ka mas mapapabuti, doon ka."


Ipinagluto ni Aljur Abrenica ang girlfriend niyang si Kylie Padilla para sa ika-21 kaarawan ng young actress noong Sabado, January 25.

Kaya hindi man nagkaroon ng birthday party si Kylie, magkasama naman sila ni Aljur sa isang simpleng selebrasyon nito.

Kuwento ni Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagluto ako ng pasta sa bahay. Nagkaroon kami ng konting salu-salo.

"Alam naman niya kasi na sobrang busy yung araw na iyon. May kanya-kanya kaming schedule.

"So, ayun, nagluto ako.”

Ito raw ang naging parang surprise niya para sa birthday ni Kylie, at na-appreciate naman daw ito ng kasintahan.

Nakausap ng PEP si Aljur sa Sunday All Stars noong Linggo, January 26.



MOTOR DRIVING SKILLS. Isa sa schedule ni Aljur nang araw na iyon ay ang pagiging bahagi niya ng Vios Cup.

At balitang marami ang nagulat sa ipinamalas na galing niya sa car drifting.

Ang "drifting" ay isang technique o motorsport discipline kung saan ang mga gulong ay nakaturong pakaliwa, halimbawa, habang pakanan namang minamaneho ang kotse.

Sabi ng Kapuso hunk, “Magagaling ang mga teachers ng Toyota. Sobrang professional sila.

“More kasi on track, more on techniques. Tapos discipline at saka timing.

“Talagang pinag-igihan ko.

"At saka yung mga information na gusto kong makuha and yung mga pagkakamali ko, tsini-check ko sa bawat teachers.

“Sobrang saya! Thankful ako sa Vios kasi ang ganda nung experience."

ROBIN IRKED, APPEASED. Kasama si Aljur sa pelikulang Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak, ang pelikulang tinatampukan ng Padilla family, kabilang na si Kylie at ang ama nitong si Robin Padilla.

Pero hindi siya nakarating sa presscon nito na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong nakaraang linggo.

“Hindi ako na-invite,” matipid na paliwanag ni Aljur nang tanungin tungkol dito.

May pabirong naging pahayag si Robin na isa raw si Aljur sa dahilan kung bakit dumating sa point na parang ayaw na nitong ituloy ang shooting ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga aberyang nangyari ba na siya ang naging dahilan?

Sagot ni Aljur, “Kasi nagkasalu-salubong ang mga schedules namin.

"Dumating sa punto na ilang araw kaming… basta!

“Three shooting days lang ako, pero natapos ko naman lahat ng mga eksena ko.”

Sa ngayon, mukhang may basbas na ni Robin ang relasyon nina Robin at Kylie.

Wala nang anupamang nasasabi ang action star na may senyales ng pagkontra.

“That’s good!” sabay ngiting reaksiyon ni Aljur.



CHANGING RELIGION. Pero may napabalita ring tila gusto ni Robin na hikayatin si Aljur na magpa-convert bilang Muslim kung talagang gusto nito si Kylie.

Ano ang reaksiyon dito ni Aljur? Papayag ba siya kung sakali?

“Kasi, a… religion ‘yan, e. Mahirap kasing pag-usapan ‘yan.

“May kanya-kanya tayong pamilya na may kanya-kanyang relihiyon at paniniwala.

“Kumbaga, kung saan ka mas mapapabuti, doon ka.”

Smooth ang takbo ng relationship nila ni Kylie ngayon. Paano ba nila nagagawa ito sa kabila na pareho silang busy sa kani-kanilang career?

“Basta we’re happy,” sagot ng young actor.

KAMBAL SIRENA. Si Aljur ang leading man ni Louise delos Reyes sa bagong fantasy series ng GMA na Kambal Sirena.

Nagsimula na ang taping nito, pero wala pa raw nakukunang eksena na magkasama sila.

Ayon kay Aljur, “Pero nakailang sessions na kami ng workshops.

“Magaling! Sobrang excited ako na makasama si Louise.

"Ito ang first time na makakatrabaho ko siya sa isang teleserye.”

Excited din daw siya sa kanyang character na gagampanan dahil malayo ito sa role na ginampanan niya sa kanyang huling teleserye, ang Prinsesa Ng Buhay Ko.

"Kasi itong character ko dito sa Kambal Sirena, binubuo pa lang siya.

"Pero tinitiyak ko na isa itong kakaibang role para sa akin na malayung-malayo sa mga dati ko nang nai-portray.”

Medyo daring o sexy bang masasabi ang bagong role niyang ito?

“Yes!” sabay ngiti ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na kailangang makita yung parang… beach body.

“Talagang pinaghandaan ko kasi yung character mismo, may pagkamisteryoso, yung hindi niyo pa nakikita.”

May mga eksena rin ba siyang lalangoy sa dagat?

“Ang sabi po sa akin, definitely magkakaroon ako ng mga underwater scenes na nakahubad ako.

“Basta exciting yung role, kakaiba talaga,” sabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN