PEP EXCLUSIVE. Deniece Cornejo on Vhong Navarro: "Pinakitaan ko siya ng kabutihan, sinuklian niya ako ng kasamaan."

"Hindi totoo lahat yun," ang sagot ni Deniece Cornejo (kaliwa) sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, January 27. Ito ay kaugnay ng pahayag ni Vhong Navarro (kanan) na binugbog siya, tinakot na papatayin, at binalak na pagkakuwartahan ng mga kasamahan ng dalaga, noong gabi ng ika-22 ng Enero.


“Pinakitaan ko siya ng kabutihan, sinuklian niya ako ng kasamaan.”

Ito ang pahayag ni Deniece Cornejo, 22, tungkol sa insidenteng kinasangkutan niya at ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro, 37.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sandaling makausap si Deniece, sa pamamagitan ng telopono, ngayong araw, January 27.

NO TRUTH TO VHONG’S STORY. Mariing pinabulaanan ng modelo ang “lahat” ng pahayag ni Vhong tungkol sa nangyaring pambubugbog sa actor-host sa loob ng isang condominium unit sa Bonifacio Global City, noong gabi ng ika-22 ng Enero.

Ayon sa salaysay ni Vhong sa Buzz Ng Bayan kahapon, January 26, bandang 10:45 ng gabi nang dumating siya sa condominium building na tinitirhan ni Deniece.

Bagamat may usapan na silang sa ground floor elevator sila magkikita, nainip si Vhong kaya’t nagpasya ang actor-host na sumakay na lang ng elevator paakyat ng condo unit ng dalaga.

Nagtaka umano si Vhong na umastang nagulat si Deniece nang makita siya, gayong alam naman ng dalaga na darating siya.

Nang makapasok na ang actor-host sa loob ng condo unit, bigla umanong sumulpot si Cedric Lee, tinutukan siya ng baril, ginapos, at saka siya sinimulang bugbugin.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Diin ni Deniece patungkol sa kuwento ni Vhong: “Hindi totoo lahat yun.

“And people know me naman kung anong klase akong tao.

“I’m a print ad model. I’m a stylist.

"I’m a motivational speaker and I studied in an exclusive school.”



“I’LL GIVE HIM REAL JUSTICE.” Inulit din ni Deniece ang nauna niyang pahayag sa GMA News, na kaya niyang patunayan na siya ang inosente at biktima sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Vhong ngayon.

“I already gave a statement na.

"Ang sasabihin ko lang, if he wants justice, I’ll give him the real justice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And in the field of women’s rights, the right is always right.

“So, yun lang.

"For now, yun lang ang statement na maibibigay ko."

Read: Deniece Cornejo on Vhong Navarro’s mauling incident: "Kung may biktima at inosente dito wala nang iba kung di ako."

Nang tanungin ng PEP si Deniece tungkol sa isyu kaugnay ng pagpapa-blotter niya kay Vhong sa Southern Police District ay tumangging magbigay ng karagdagang impormasyon ang dalaga.

Agad din siyang nagpaalam dahil kailangan pa niya umanong kumonsulta sa kanyang abugado.

Hindi rin sinagot ni Deniece ang tanong ng PEP kung ano ang relasyon niya kay Cedric Lee, na isa sa mga pinangalanan ni Vhong na bumugbog umano sa kanya.

Matatandaang una nang naiulat sa GMA News ang tungkol sa police blotter, kung saan nakasaad ang alegasyong attempted rape ng isang 22-taong-gulang na babaeng estudyante laban kay Ferdinand Navarro, na siyang tunay na pangalan ni Vhong.

Read: Vhong Navarro now being accused of attempted rape by 22-year-old student, says blotter report

Ngunit mariing pinabulaanan ng kampo ni Vhong ang paratang ng naturang complainant at sinabing ang actor-host ang tunay na biktima sa nangyaring insidente.

Read: PEP Exclusive. Vhong Navarro’s camp denies attempted rape allegation


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN