Joey Marquez keeps distance from Senator Bong Revilla’s privilege speech

Kung sakali mang tumakbo muli si Joey Marquez sa 2016 elections ay hindi raw siya maglalabas ng pera. Rason niya, "Basta yung idea ko, ipe-present ko sa kanila. Kung ayaw nila, okay din. Kung gusto nila, okay din. Pero yung I will invest in my candidacy, hindi ako mag-i-invest."


Bilang dating politician, hindi maiwasan na hingan ng opinyon si Joey Marquez sa mga kinasasangkutan isyu ng ilang actor-politicians, gaya nina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada.

Dawit sina Bong at Jinggoy sa kontrobersiyal na Pork Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam.

Ayon kay Joey, na dating mayor ng Parañaque, “Alam mo kasi, the people need to know the truth.

"And every [accused] individual is given the right to tell what is the story.

"Nasa tao na lang kung sino ang paniniwalaan nila.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joey sa presscon ng Paraiso Ko’y Ikaw, noong January 21, sa 17th floor ng GMA Network Center.

BONG’S PRIVILEGE SPEECH. Ano ang masasabi niya sa ginawang privilege speech ni Bong sa Senado, noong January 20, kaugnay ng pagkakasangkot niya sa PDAF scam?

Read: Senator Bong Revilla strongly denies PDAF allegations; calls Benhur Luy “Boy Pirma” and “political wrecking crew”

Ayon kay Joey, “Wala naman, kasi ako naman, gusto kong marinig ang lahat, e.

"I will reserve my opinion after I’ve heard everything.

"Besides, the case is already with the Ombudsman.

"Let the proper authorities and the supposedly masters of laws take over kung anuman yun."

Pero dagdag niya, “Palagay ko, marami pang dapat magsalita.

"Hindi lang yung mga kung sinuman na akusado, kailangan ding magsalita yung mga nag-aakusa.”

Pero ayon kay Joey, maraming nakaligtaan si Bong sa kanyang privilege speech.

“Napanood ko, very emotional siya, sana nabuo niya lahat yung sasabihin niya.

"Kasi maraming nakaligtaan, although marami ding nabigyang-liwanag dun sa sinabi niya."


Nasagot ba ni Bong ang mga dapat sagutin?

"Hindi naman siya tinanong!" bulalas ni Joey.

"Sinabi lang niya yung gusto niyang sabihin sa taumbayan.

"Kung tanong kasi, maraming tanong, e.

"I think there should be a venue for the ordinary people who would like to question the politicians and get direct answers from them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga sa kanila, there should be a law na dapat may open forum sila sa taumbayan.”

WALIS-TINGTING CONTROVERSY. Nagkaroon din ng isyu noon si Joey bilang isang pulitiko.

Ito ay may kinalaman sa kuwestiyonableng pagbili ng lungsod ng Parañaque ng mga walis noong 1996 hanggang 1998, nang ang aktor pa ang nakaupo sa puwesto bilang mayor.

Umabot diumano sa mahigit P2.9 milyon ang halaga ng mga nasabing walis—overpriced ng P462,708 ayon sa Commision on Audit (COA).

Noong 2007 ay hinatulan ng "guilty" ng Sandiganbayan si Joey para sa kasong graft na isinampa sa kanya.

Read: Joey Marquez guilty of "walis tingting" graft case —Sandiganbayan

Ngunit noong 2009 ay binaligtad ng Supreme Court ang hatol na "guilty" sa aktor at naabsuwelto siya.

Read: Joey Marquez absolved from "walis-tingting" graft case

Sabi ni Joey tungkol sa dating isyu sa kanya, “Kasama iyan sa hazard ng politics.

"Nademanda nga ako dahil sa dalawang piso, na yumaman daw ako dahil may dalawang piso ako.

"Kasama ’yan sa pulitika, pero hinarap ko.

“Very fortunate ako because nasagot naman, at hindi ako ang sumagot.

"Korte ang sumagot na wala akong kasalanan.

"At hindi ako puwedeng yumaman sa dalawang piso."

WILL HE RUN AGAIN? Sa 2016 ba ay may balak siyang tumakbo muli?

Sagot ni Joey, “Ang pagtakbo kasi pinakamadali sa lahat, yung pagkapanalo ang mahirap.

"So, sabi ko nga, kung ano ang gusto ng tao.

"Kasi kaya ako tumatakbo, hindi para mag-hanapbuhay.

“Tumatakbo ka dahil gusto kong ibigay yung idea ko sa kanila.

“Kung ayaw nila, okay lang din sa akin. Kaya wala akong sama ng loob.”

Kahit hindi raw siya nanalo sa pagtakbo niya sa Kongreso noong nakaraang eleksyon ay wala siyang sama ng loob.

“Wala, hindi naman ako gumagastos.”

Hindi rin daw siya na-trauma sa pagkatalo niya.

“Hindi! Ang natu-trauma lang, yung gumagastos ng malaki dahil gusto nilang mabalik yung ginastos nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatakbo siya ulit?

Tugon niya, “Siguro, oo. Puwedeng hindi.

“Kasi sabi ko nga, basta yung idea ko, ipe-present ko sa kanila.

"Kung ayaw nila, okay din. Kung gusto nila, okay din.

"Pero yung I will invest in my candidacy, hindi ako mag-i-invest.

"Kasi usually, kapag nag-i-invest ka, binabawi mo, e.”

Paano kapag may magtulak sa kanya na tumakbo for a higher position?

“Hindi puwede kasing magtulak, maraming nadadapa pag tinutulak!” sabay tawa ni Joey.

Kahit may financier siya na itulak siyang tumakbo bilang senador?

“Hindi rin. Pag may financier ka, may interes pa rin yun.

"Isa kasi sa mga idea ko nung tumatakbo ako, yung mga congressman at yung mga senador, walang pera, dapat.

"Walang hinahawakan."

Ano ang gagamitin niya sa pangangampanya? Hindi ba’t walang nananalong walang perang ginamit?

Saad ni Joey, “Ang ibig sabihin ng walang pera, wala silang dapat kinalaman kung saan ibinigay yung proyekto.

"According to the Constitution, ang trabaho nila ay gumawa lang ng batas.

"At ang gagawa ng mga proyekto, yung mga executive.

"Sana bumalik yun para hindi makokontrol ng executive ang legislative.

"Kasi sa mga sinasabi ngayon, kontrolado ng executive ang legislative, kasi binibigyan ng PDAF.

“Sana mawala na lahat ng mga haka-hakang yun.”

May pag-asa bang maibalik ang ganoong sistema?

“Merong chance siguro ’yan pagka nagising na ang tao.

"At dapat, yung mga nasa posisyon na hinahalal, alam nila kung ano yun."

Magigising pa kaya ang mga tao?

“Siguro, I hope...

"Merong nagsasabing... mahirap kasing maging pessimistic, kailangan parati kang optimistic."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN