PEP EXCLUSIVE. Carla Abellana reveals "no house, no wedding" agreement with Geoff Eigenmann

Carla Abellana on Geoff Eigenmann’s family: "Siyempre, nakakatuwa, kasi love ko sila, e. Ever since, ipinaramdam nila sa akin na mahal na mahal nila ako to the point na… Like, for example, pag may tampuhan kami ni Geoff, siya pa ang pinagagalitan, ako yung kinakampihan lagi."


Kung marami na ang naghihintay na mag-propose si Geoff Eigenmann, kabilang na ang kanyang sariling pamilya, sa girlfriend niyang si Carla Abellana.

Pero iba raw ang hinihintay ni Carla.

Sabi ng Kapuso actress, “Ako, ang hinihintay ko, yung bahay.

"Bigyan muna niya ako ng matitirhan bago kami magpakasal.

“Alam naman ni Geoff yun, ipon muna talaga. Yun ang deal.

“Importanteng mag-ipon, importanteng may matitirhan.

“Alam ni Geoff yun, kaya matagal-tagal pa.”

Nabanggit ni Geoff sa isang interview na plano niyang magkaroon ng sarili niyang bahay ngayong taong ito.

Sabi ni Carla tungkol dito, “Ay, matagal na niyang plano yun. Pero wala pa rin, di ba?

“Siyempre, hindi naman agad-agad makukuha yun, di ba?

“So, no house, no wedding, no marriage.

“Ako, kaya kong maghintay.

“Siya, kayang-kaya naman niyang maghintay. Willing naman siyang maghintay.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla noong nakaraang linggo.



GEOFF’S FAMILY. Ano ang pakiramdam ni Carla na pabor sa kanya ang pamilya ni Geoff?

Aniya, “Siyempre, nakakatuwa, kasi love ko sila, e.

“Ever since, ipinaramdam nila sa akin na mahal na mahal nila ako to the point na…

“Like, for example, pag may tampuhan kami ni Geoff, siya pa ang pinagagalitan, ako yung kinakampihan lagi.

“So, nakakatuwa, kasi family ko na rin sila talaga. Super love ko sila.

"So, happy ako, siyempre."

Pati ba ang ina ni Geoff na si Gina Alajar ay close sa kanya?

Sagot ni Carla, “Si Tita Gina, laging busy.

“Yung minsang panahon na nagkikita, para talaga siyang mommy, e, and at the same time, kaibigan.

“Hindi siya yung mommy na mahihiya na ganyan at matatakot ka.

“Para siyang friend na puwede mo siyang sabihan ng anything.”

Nagkaroon na ba sila ng heart-to-heart talk ni Gina? O parang inihabilin nito si Geoff sa kanya?

“Wala naman… yung heart-to-heart talk na about Geoff, marami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na nung nagsisimula pa kami, madami, para mas lalo kong maintindihan si Geoff.”

“Siniraan” na ba ni Gina ang sarili nitong anak sa kanya?

Ani Carla, “Hindi naman kailangang siraan si Geoff, kilalang-kilala ko rin naman si Geoff.

“Before, oo. Pero ngayon, hindi na masyado, kasi marami na rin akong alam about Geoff.”

Kumusta naman ang pakikitungo sa kanya ng ama ni Geoff na si Michael de Mesa?

“E, very quiet lang siya.

“And he’s also very busy, so minsan din lang kami magkita.

“Napakabait, napakalambing na tao.”



THE ONLY ONE. Ikinatuwa ni Carla ang naging pahayag ng ama ni Geoff na siya lang daw ang tamang babae para sa kanyang anak.

Reaksiyon niya dito, “E, di good.

“Nakikinig naman sa akin si Geoff, e. Hindi naman siya pasaway na tao.

“Saka hindi lang naman siya sa akin nakikinig.

“Malaki na siya, enough na… malaki na siya para alamin ang tama at hindi.

“Si Geoff, family is the most important thing.

“Hindi lang naman ako, pati yung daddy niya, yung mga kapatid niya.

“Saka makikinig siya sa kanila.”

Sumasagi ba sa isip niya na baka sa huli ay hindi rin pala sila ni Geoff ang magkatuluyan? At magiging masakit ito sa pamilya ng kasintahan niya?

Ayon kay Carla, “Parang lahat naman ng breakup, masakit for the whole family.

“Actually, isa yun sa pinakamahirap, actually.

“In any relationship naman, ang pinakamasakit talaga pag nag-break ay yung bond na na-form mo with the family.

“Kasi, parang naging family mo na, e.

“So, kahit sino naman na couple, any breakup is painful, dahil hindi ka lang nakikipag-break sa partner mo.

“Pati doon sa family niya, in a way, nakikipag-break ka rin sa kanila.

“Hindi lang naman yung isang tao ang minahal mo, pati yung pamilya niya, lahat na.

“So, lahat ng breakup, masakit. Kasi yung family niya, iiwanan mo rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano na ba sila ni Geoff sa Valentine’s?

“Ang aga naman?” tawa ni Carla.

“Wala pa naman. We’ll see.

“Super busy ako with work.

"Alam ko, in February, punung-puno ang schedule ko.

“We’ll see, baka puwede namang magawan ng paraan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN