Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention raps

Ipinaliwanag ng legal counsel ni Vhong Navarro (main photo), na si Atty. Alma Mallonga, na ang pinakaimportanteng kaso na isinampa nila laban sa grupo nina Cedric Lee (inset, top) at Deniece Cornejo (inset, bottom) ay ang serious illegal detention case.

"Pero of course, it will depend on the appreciation of the applicable laws. Ang importante lang titignan mo yung facts o ano nga ba ang na-violate. That determination will be made by, I bel


Naihain na ng kampo ni Vhong Navarro ang mga kasong "serious illegal detention, grave threats, grave coercion, blackmail, at serious physical injuries" laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa Department of Justice (DOJ), ngayong araw, January 28.

Ito ay kaugnay ng pambubugbog, pananakot, at panganguwarta diumano sa actor-TV host sa Forbeswood, Bonifacio Global City, noong January 22.

GRAVE CHARGES. Nakausap ng PEP ang legal counsel ni Vhong na si Atty. Mallonga sa pamamagitan ng telepono ngayong gabi, January 28.

Ayon kay Atty. Mallonga, ito ang hudyat upang masimulan ng DOJ ang preliminary investigation kaugnay ng sinapit ni Vhong.

“Yeah, na-file na namin this afternoon, mga just before 5 o’clock.

“Isang filing ito where everybody’s involved.

“Basically, ang mangyayari dito, nag-file kami ng sworn affidavit ng witnesses and may mga charges.

“But you know, eventually, ang magde-decide kung ano ba talaga yung charge na appropriate is, of course, yung prosecuting panel.

"I suppose, yung sa Department of Justice,” pahayag ng abugado ni Vhong.

Ang isinampa nilang kasong serious illegal detention ay alinsunod umano sa probisyon ng Article 267 ng Revised Penal Code of The Philippines.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Cedric, sa panayam ng PEP kahapon, na sa kanyang opinyon ay hindi siya maaaring kasuhan ni Vhong ng kidnapping dahil kusa umanong nagpunta ang actor-host sa condo unit ni Deniece

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee claims it was Vhong Navarro who begged Deniece Cornejo not to file attempted rape complaint: "Ayaw niya masira yung career niya."

Paliwanag ni Atty. Mallonga, “Ang pinakaimportante kasi sa amin doon ay yung serious illegal detention.

“Serious illegal detention, kasi this is a crime under Article 267 of the Revised Penal Code of The Philippines [RPC], where if a person is detained or is otherwise deprived of liberty; where such deprivation of liberty is attended with serious physical injuries and threats to life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dun sa aking opinyon... pero, of course, it will depend on the appreciation of the applicable laws.

“Ang importante lang, titingnan mo yung facts o ano nga ba ang na-violate.

"That determination will be made by, I believe, the prosecution panel of the DOJ.

"Hindi pa natin alam ang composition [ng prosecution sa ngayon]."

Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP mula sa chanrobles.com, ang akusadong napatunayang lumabag sa Article 267 ng RPC ay maaaring maparusahan ng "reclusion temporal in its maximum period to death."

Sabi pa sa naturang probisyon: "Any private individual who shall kidnap or detain another, or in any other manner deprive him of his liberty, shall suffer the penalty of reclusion temporal in its maximum period to death...

"If any serious physical injuries shall have been inflicted upon the person kidnapped or detained, or if threats to kill him shall have been made."

VHONG STILL RECOVERING FROM SUSTAINED INJURIES. Ibinahagi rin ni Atty. Mallonga na natagalan ang pormal na paghain nila ng kaso laban sa grupo nina Cedric at Deniece, dahil na rin sa kasalukuyang kalagayan ni Vhong.

“Even the execution of his sworn affidavit na-delay dahil, of course, he [Vhong] had to go through surgery last night [January 27].

"It took five hours.

“After that, he had to recover. Inabot na ng mga 11:30 a.m. or 12 noon, medyo groggy pa siya.

“So, when the affidavit was presented to him, hindi niya masyado mabasa. It was read to him.”

Inoperahan ang aktor dahil sa mga bali sa buto sa kanyang mukha at ilong.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa rin ang It’s Showtime host sa isang undisclosed hospital.

Kailan kaya makakalabas ng ospital si Vhong?

Sagot ni Atty. Mallonga, “I asked the doctor. He wouldn’t give me a definite [date]. Wala silang ibinibigay na period.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mukhang hindi pa puwede. He really needs rest.”

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ang plano ni Vhong kung sakaling magaling na siya at maaari nang payagang makauwi ng bahay, lalo na’t tila may banta pa rin sa kanyang buhay.

Nabanggit kasi ng isa pang abugado ni Vhong na si Atty. Dennis Manalo ang tungkol sa insidente kung saan isang di pa nakikilalang lalaki ang nagtangkang pumasok sa bahay ng aktor noong Linggo ng hapon, January 26.

Read: Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects

Pahayag ni Atty. Mallonga ukol dito, “Well, merong dumating na tao. We had it blottered.

"Wala namang masamang nangyari.

“Pero yung plans ni Vhong, whatever it is, maybe these are things we shouldn’t divulge for security reasons.

“We just hope and pray that he is safe and his family is safe.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN