Gretchen Barretto on testifying against sister Claudine: "I did not betray her."

Muli na namang naglabas ng kanyang saloobin si Gretchen Barretto kaugnay ng pagtestigo niya laban sa bunsong kapatid na si Claudine, at ang alitan nila ng kanyang mga magulang na sina Mike at Inday Barretto.


Muling ipinaliwanag ni Gretchen Barretto ang ginawa niyang pagtestigo laban sa bunso niyang kapatid na si Claudine Barretto.

Ito ay kaugnay ng Permanent Protection Order (PPO) na isinampa ni Claudine laban sa asawa nitong si Raymart Santiago.

Sa madaling-salita, pumanig si Gretchen kay Raymart.

Read: Gretchen Barretto testifies against sister Claudine in court; claims dad Mike Barretto threatened to "kill" her

Nagpaunlak ng exclusive interview si Gretchen kay Boy Abunda para sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, January 26.

Pahayag niya tungkol sa pagtestigo sa korte, “Okay, kailangan klaro ito.

“Isinali ni Claudine ako, si J.J., at si Marjorie sa kanyang affidavit against Raymart.

“So, we were forced to come out and do the affidavit against Claudine to defend ourselves.

“I was summoned by the court.”

Sina J.J. at Marjorie ay kapatid din nina Gretchen at Claudine.

Diin pa ni Gretchen, hindi siya tumestigo kay Raymart dahil lang sa kagustuhan nila.

Nangyari raw ang lahat dahil sa pagdawit ni Claudine sa pangalan nilang magkakapatid.

“My lawyer told me, ‘You’re summoned by the court to come.’

“Hindi ko desisyon mag-isa yun.

“Nag-usap-usap kaming magkakapatid, the older nephews, and me.

"Nag-usap kami, ‘Ano ang gagawin natin dito? What’s the right thing to do?’"

Dagdag pa ni Gretchen, “Right now, we all know that Claudine is not well.

“We cannot save her and she refuses for us to to help her.

“Claudine filed a criminal case against Raymart.

“Which means, if Claudine’s case prospers, Raymart will be put into jail for a crime he did not commit.

“We know that as a family.

“Kung may mangyari kay Claudine, because she is not well, and Raymart is put into jail, anong mangyayari kay Sabina at Santino?”

Sina Sabina at Santino ang mga anak nina Claudine at Raymart.



SAVING CLAUDINE. Pagkatapos ng court appearance niya noong December 19, 2013, sinabi ni Gretchen sa isang interview, "Gusto ko lang maibalik ang buhay ng kapatid ko sa tama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ibig niyang sabihin dito?

Paliwanag ni Gretchen, “Yes, I said that… you know, in a perfect world, I wish Claudine wakes up.

“Wala na ‘tong mga problema niya, wala na yung kaso niya, okay siya, okay ang mga bata. She’s with Raymart.

“But it is the reality. Wala na lahat yun.

“But we need to save the children. Yun na lang.

“Kung mali sa tingin ng tao ang ginawa ko, I’m sorry, but yun talaga ang desperate move namin na magkakapatid.”

Hindi siya nag-betray kay Claudine?

Sagot ni Gretchen, “I did not betray her.

“I only spoke the truth and I know it.

"And it is the right thing to do.”

Hindi siya galit sa kanyang bunsong kapatid?

“I don’t hate my sister.

“You know, I hate what she’s doing. I hate the cases that she filed.

“But I want the Claudine back… the old Claudine back.

“Claudine, bunso namin ‘yan. She was a doll.

“Patayuin mo ‘yan… Claudine, put her on top of the table or the chair, and she will sing the whole song at the age two.

“She was the most generous and loving and kind person.

“Along somewhere, I don’t know what happened. She just lost it.”



DYSFUNCTIONAL FAMILY. Kapag sinasabi ng mga tao na ang Barretto family ay “conflicted, dysfunctional” na pamilya, ano ang nararamdaman ni Gretchen?

Sagot ng aktres, “The overwhelming feeling is deep pain and shame, because it’s true.

“Kapag totoo, masakit.

“It’s very difficult to acknowledge the truth, but it’s all out.

“I have no choice but to embrace it.”

Naging bukas na rin sa publiko ang masalimuot na relasyon ni Gretchen sa kanyang mga magulang na sina Mike at Inday Barretto.

Bakit sila magkakagalit? Bakit galit ang mga magulang niya sa kanya? Galit din ba siya sa mga magulang niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Gretchen, “You know what I feel right now?

“The overwhelming feeling right now is exactly the same feeling I felt as I was growing up—pain and shame and great fear... great, great fear of my parents.

“Kung ano ang nawi-witness niyo ngayon, the words that come out of their mouth, the stories, pinagdaanan ko yun as a child.

“The things that everyone’s witnessing is nothing compared to the harm, the actual harm that they’ve done to me and to my siblings.

“Sometimes, tinatanong ko sarili ko, ‘Ano ba ako, bato?’

“Parang wala na akong nararamdaman kung hindi takot, galit.”

Takot at galit saan?

“Lumaki ako sa takot kasi, e.

“Palaging may sumisigaw. Puro sigaw sa bahay.

“And I wanted to work at an early age because my ultimate dream is to get out of the house.

“Akala ko, I was able to escape. Escape that life, the turmoil, the shouting, the cursing…

“I don’t know the feeling of really safe.

“Nanay, Tatay, hindi ko alam yun. Hindi ko alam,” umiiyak na pahayag ni Gretchen.

Patuloy niya, “Hindi ko alam yung pakiramdam na kung masakit yung tiyan mo, ulo mo, or kung may problema ka, meron kang matatakbuhan.

“Na, meron kang matatakbuhang nanay na yayakap sa ‘yo and say, ‘It’s okay, I’m here for you.’

“Hindi ko alam yun.”



COMMON LANGUAGE. Sa panayam ni Gretchen nang tumestigo siya sa korte ay isiniwalat niya sa media na pinagbantaan siya, si J.J., at si Marjorie na kung tetestigo sila laban kay Claudine ay papatayan sila ng kanilang sariling ama: “I will kill them.”

Nagulat siya sa pagbabantang ito ng kanyang sariling ama?

Sagot ni Gretchen, “No, that’s a common language in our home.

“’I’ll box you, I’ll beat you up,’ that’s the common language in our home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I grew up hearing those words, and that’s why I wanted to go out and never go back.”

May usap-usapan noon na baka sampahan siya ng kaso ni Claudine at ng kanyang mga magulang. Ano ang reaksiyon dito ni Gretchen?

“You know, right away, my lawyer called me, I was in London, about that thing.

“And, you know what they told me? ‘Gretchen, that is the best thing your parents can do for you because with that, if they will sue you for libel, with that, you’re free.

“’You can really tell your stories and you can fight it out and we’ll be with you all the way.’

“So, I don’t know when will this end.

“If it does not, I’ll welcome it, I’ll embrace it.

“I will go through it even if I doubt if I have the strength to go through it again.

“To live the abuse, masakit… masakit ang mga… yung tawagin kang liar.

“That’s all I have, my credibility.”

May usap-usapan ding baka magkaayos daw sina Claudine at Raymart. May balita ring nagkabati na raw si Raymart at si Mommy Inday.

Sabi ni Gretchen tungkol dito, “Gawa-gawa lang nila yun. Wala namang ganoong nangyari.

“Kasi, kung talagang there was anything like that, sana may nilapitan sila and they know how.

“Pero, wala, wala yun.”

Sinasabi niya palagi na hindi niya alam kung kailan ito magtatapos. May katapusan nga ba?

“I can only hope. I’m praying…” asam ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN