Bela Padilla: No grudge against Marian Rivera

Sa kasikatan tinatamasa ng pinsan niyang si Daniel Padilla, masaya at proud daw si Bela Padilla. “Kahit sino naman sa amin ang sumikat, feeling ko masaya kami para sa isa’t isa. I’m very happy for him and nakikita ko kung gaano niya rin kasi inaalagaan ang career niya. I’m very proud of him and sana magtuluy-tuloy [ang success niya].”





Hindi na raw iniisip ni Bela Padilla ang alitan nila noon ng kapwa niya Kapuso artist na si Marian Rivera.

Ayon kay Bela, para sa kanya ay matagal nang tapos kung anuman ang nangyari at wala siyang dinalang kahit na anong sama ng loob kay Marian.

Matatandaang nagkaroon ng gusot sa pagitan ng dalawa dahil sa balitang pinagselosan diumano ni Marian si Bela, na gumanap bilang girlfriend ng real-life boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes sa dati nilang teleserye na Endless Love.

Diumano, ikinulong pa raw ni Marian si Bela sa comfort room at pinagsalitaan ng hindi maganda.

Read: Claire dela Fuente asks GMA-7 to "protect" Bela Padilla from "harassment" by Marian Rivera

Natapos ang isyu sa pagitan nila nang pinagharap sila ng dating GMA executive na si Wilma Galvante.

Read: Marian Rivera and Bela Padilla officially end their rift

Sabi ni Bela, “Sa akin kasi, ayos na, e.

"People fixed it for us.

"I fixed it na rin sa utak ko, sa puso ko. Isinara ko na.

"So, even shortly after it happened, di ko na siya masyadong inisip.

"Hindi siya problema sa akin."

Sa presscon ng Sa Ngalan ng Ama, Ina, at ng Mga Anak noong January 23, sinabi ni Bela sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi pa sila nagkikita ni Marian mula nang pag-ayusin sila pagkatapos ng kanilang gusot.

“Actually, hindi pa kami nagkakaroon ng chance na magkita, kasi hindi naman kami sa GMA nagte-taping.

"Hindi pa kami nagkakasalubong since then."

Pero bukas naman daw siyang makipagliwanagan kay Marian sakaling magkita sila.

“Oo naman, hindi naman ako yung type ng person na nagho-hold ng grudge.

"Wala naman akong ginawa, so wala akong dapat na ikatakot.

"Yes, I’m totally open to that.

“Wala akong sama ng loob sa kahit na sinong tao.

"I’m okay, I’m very happy,” saad ni Bela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SINGAPORE PROJECT. Wala raw television project ngayon si Bela dahil tapos na ang kontrata niya sa GMA.

Pero may show raw siyang ipinapalabas ngayon sa Singapore, ang Point of Entry.

"Kinuha nila ako para gumanap na lead actress sa isang show dun for one season.

"So, medyo pabalik-balik ako ngayon.

“I’m keeping my options open right now, I don’t want to close it.

"But I’m very happy with how my year went in 2013.

"I’m very happy with the status of my career right now.

"So, di ko kailangan ng change, but I’m very open and welcome to it."



LOVELIFE. Ang boyfriend ngayon ni Bela ay ang isa sa producer ng pelikulang 10000 Hours na si Neil Arce.

Masayang si Bela sa tagumpay ng first film venture ng kasintahan kunsaan kasama rin siya sa cast.

Aniya, “Siyempre, sobrang saya kasi nag-share kami ng success sa 10000 Hours.

"I know he’s very happy for the success of 10000 Hours.

"Ako din, very proud of him kasi siya yung EP [executive producer] namin.

"Nakakatuwa na first big venture niya, naging ganun yung response."

Hindi pa naman daw masyadong iniisip ni Bela kung si Neil na nga ba ang lalaking pakakasalan niya pagdating ng araw.

Pero paliwanag niya, hindi siya ang tipo na mabilis magpalit ng kasintahan.

Sabi niya, "Ayokong-ayokong papalit-palit ng boyfriend.

"He’s only my second boyfriend.

"Ayoko kasi na ang dami mong naging karelasyon, nase-share mo yung personality mo, yung time mo.

"Emotionally and time-wise, I’m very much invested, so dapat di papalit-palit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN