Senator Tito Sotto wants to revive death penalty for heinous crimes

“I am pro-life for the unborn and the Filipino family. I am pro-death to heinous criminals," says Senator Tito Sotto in a text message to GMA News to differentiate his pro-life position against the Reproductive Health Law from the Senate Bill 2080 he filed to revive the Death Penalty Law.


Muling binuhay ni Senator Tito Sotto ang usapin tungkol sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Sa pamamagitan ng paghain ng Senate Bill 2080 noong Martes, January 28, hiniling ng actor-politician ang pagbabalik ng Republic Act 7659 o Death Penalty Law.

Sa explanatory note ng panukalang batas, nakasaad dito na hindi sapat ang kasalukuyang ipinapatupad na life imprisonment para mapigilan ang paglaganap ng krimen sa bansa.

Sinusulong ng Section 3 ng SB 2080 na muling ipataw ang death penalty sa heinous crimes.

Nakasaad ang mungkahing ito sa dating R.A. 7959.

Nakasaad naman Sa Section 4 na lethal injection ang paraan na gagamitin sa pagpapataw ng death penalty.

Ito ay ayon rin sa Republic Act 8177 o Act Designating Death by Lethal Injection.



MORE EFFECTIVE. Sa eksklusibong panayam ng News To Go kaninang umaga, January 29, sinabi ni Senator Sotto na may mga datos siyang makapagsasabi na mas epektibo ang death penalty sa pagpuksa ng krimen sa bansa.

Aniya, “Mas mayroong mga ehemplong maibibigay at mas mayroong data na maibibigay tungkol diyan kaysa sa kabila.

“Mula noong nagkaroon ng life imprisonment, nabawasan ba ang krimen?

“Hindi, dumami e. Mas dumami pati statistics.

“Last year lang, kung hindi ako nagkakamali, based doon sa report na nakita ko, isang milyon ang krimen na nangyari.

"Siguro 20 percent nito, heinous crimes.”

Ibinigay ring halimbawa ni Senator Sotto ang pagpataw ng death penalty sa pamamagitan ng firing squad sa Chinese drug dealer na si Lim Seng noong panahon ng Martial Law.

Sabi ni Sotto, “Noong araw na finiring squad si Lim Seng, mga sampung taon, walang drug trafficking sa Pilipinas.”

Isa pang naging halimbawa ni Senator Sotto ang pagdami ng drug traffickers dito sa bansa.

Ito ay dahil umano sa hindi natatakot ang mga ito sa ipinatutupad na penalty ngayon sa bansa.

COMFORT TO CRIMINALS. Saad ni Senator Sotto, “Sabi ng mga kaibigan ko sa International Narcotics Officers Group, playground daw itong Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, sa Singapore, hindi nila puwedeng gawin dahil papatayin sila.

“Sa Malaysia, papatayin din sila.

“Sa China, papatayin din sila.

“Pero market natin yung mga ‘yon, market nila ‘yon.

“Dito sa atin, puwede, kasi hindi sila papatayin.

"Kapag nakulong sila, masarap ang buhay nila sa bilibid.

"May air-conditioner, may refrigerator, may cottages, may mga bisita pa sila sa gabi.

"May mga golf carts pa silang nagagamit.

"At nakakapag-operate pa sila ng drug trafficking nila.”

AS BAD AS MEXICO. Kung hindi raw masusugpo ang paglaganap ng krimeng ito, maaaring maihalintulad ang Pilipinas sa Mexico.

Sabi ni Senator Sotto, “Ang pangamba ng mga narcotics officers natin, in the next five years, kapag hindi natin hinigpitan ito o hindi natin sineryoso ang laban na ito, para tayong Mexico.

“Pati mga Supreme Court justices natin, e, kikidnapin.

“At kapag hindi nila gusto ang desisyon para sa kanila, matindi ang magiging posisyon ng mga drug cartel dito sa Pilipinas.

“Dito sa atin, kapag pinabayaan natin ‘to, walang mangyayari sa atin.

“That’s why I filed a bill to re-impose the death penalty.”

Dagdag pa niya, “Sa akin, on a personal note, I’m particularly concerned about high-scale drug trafficking, rape with murder or rape with aggravating circumstances.”

PRO-LIFE, PRO-DEATH DISCONNECT. Sa paghain ni Senator Sotto ng Senate Bill 2080, hindi naiwasan na kuwestiyunin ng ilan ang pagiging pro-life advocate niya.

Matatandaan na noong kasagsagan ng isyu tungkol sa Reproductive Health Bill, o mas kilala bilang RH Bill, isa si Senator Sotto sa mga matinding tumutol sa pagpasa nito.

Ipinatupad ang RH Law noong December 2012.

Iba naman ang pagiging pro-death penalty, para kay Senator Sotto.

Sa kanyang text message sa GMA News, na lumabas sa kanilang website kahapon, January 28, ipinaliwanag ni Senator Sotto:

“That’s different. I am pro-life for the unborn and the Filipino family.

"I am pro-death to heinous criminals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang layo, di ba?

"I’m not pro-life for heinous criminals.”

Huling naipatupad ang death penalty noong termino ni dating Presidente at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

Isa sa mga na-convict noong Estrada administration ay ang child rapist na si Leo Echagaray.

Si Echagaray ang unang pinatawan ng death penalty sa pamamagitan ng lethal injection noong 1999.

Taong 2006 nang ipag-utos ni dating President Gloria Macapagal-Arroyo na ibaba sa life imprisonment, mula sa death penalty, ang sentensiya sa mga nasa death row.

Kasunod nito ay pinirmahan din ni Arroyo ang pag-abolish sa Death Penalty Law.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN