Heart Evangelista admits her love for Jericho Rosales "lingered for a while" after their breakup

Heart Evangelista on hosting a showbiz talk show: “Open naman din ako, so wala akong isyu sa ganoon. And then, maganda rin siya, kasi nababalanse yung tsismis at yung point of view namin [mga artista]."


Sa mismong kaarawan ni Heart Evangelista sa February 14 magtatapos ang kanyang pinagbibidahang afternoon soap sa GMA, ang Magkano Ba Ang Pag-Ibig?

Hindi pa raw alam ni Heart kung ano ang magiging kasunod niyang teleserye pagkatapos nito.

Pero kung sakali, gusto raw ng aktres na makabalik sa primetime television.

“Sana primetime ulit, kasi patapos na rin ang isang year ko na hindi pa ako nagso-soap.

"Hindi naman puwedeng hindi nila ako bigyan ng soap kasi ang laki ng year-ender.

"Kaya kailangang bigyan nang bigyan [nila ako] ng trabaho," pahayag ni Heart nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magkano Ba Ang Pag-Ibig?, noong January 22, sa Antipolo.



JUST ANOTHER JOB. Aminado man si Heart na medyo napagod siya sa kanyang afternoon show, isa rin daw ito na maituturing niyang espesyal na teleserye.

Paliwanag niya, “Siguro kasi nagamit ko ang pinagdadaanan ko.

"Dati, hindi ko masyadong tina-tap ang part na yun kasi nandiyan na siya.

“Kaya siguro napagod ako.

"Although sa Forever, napagod din ako.

"Kasi yun ang nag-overlap sa tungkol sa mommy ko."

Ang tinutukoy ni Heart ay ang matagal na nilang alitan ng kanyang ina na si Cecile Ongpauco.

Ano ang natutunan niya sa Magkano Ba Ang Pag-Ibig?

“Siguro, you really have to make use kung ano ang meron ka sa acting.

“Special siya, pero you also get to a point na trabaho [lang ito].

"Kasi kapag tumatanda ka, you get to a point na… hindi na yung, ’Ay, love na love ko ‘to.’

“You think of it as parang trabaho, pirma ka ng pay slip.

"Hindi na siya yung parang noong Luna Mystica na, ’Wow!’

“Now, it’s just another job, ganyan...”

HOSTING JOBS. Magtatapos man ang Magkano Ba Ang Pag-Ibig? ay meron pa ring hosting jobs si Heart—ang Sunday All Stars at Startalk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, may bago rin siyang show sa GMA News TV—ang Wedding TV.

Sa February 1, Sabado, na ang pilot episode ng Wedding TV.

Sabi ni Heart, “Masaya siya, like ko yung Wedding TV.

"Parang more on preparation for a wedding, ganun.”

Nangiti lang siya nang ipinaalala namin na parang preparasyon na rin ito sa kanya.

Nag-e-enjoy rin daw si Heart sa paghu-host ng Startalk.

Pabor din daw sa kanya na naging Linggo na ang schedule nito

Aniya, “Okay lang kasi after SAS, diretso na ako ng Startalk. Tipid sa hair, make-up.”

Alam naman daw ni Heart na kapag artista ang host ng isang showbiz talk show, ito mismo ay dapat open din sa lahat ng isyu sa kanya.

Wala naman daw siyang problema sa bagay na ito dahil open naman daw siya kahit noon pa.

"In fact, sometimes, I have to hold back because I become too open.

“And then, maganda rin siya kasi nababalanse yung tsismis at yung point of view namin [mga artista].”

DREAM INTERVIEWS. Tinanong ng PEP si Heart kung sino ang mga pangarap niyang ma-interview sa Startalk.

“Yung mga ex ko!” natatawang sabi niya.

Kung mga ex-boyfriends niya, sinu-sino ang mga ito?

Si John Prats ba ang una?

“Actually, hindi ko siya ex, parang ligaw-ligaw lang.

"Pero gusto kong ma-interview silang dalawa ni Isabel Oli."

Sino pa?

“Lahat... si Daniel [Matsunaga]!” tawa niya.

Si Jericho Rosales?

“Siguro si Jericho, pero parang ayaw ko munang pakialaman.

"Kasi, parang hindi pa siya ready.

"Ako, okay lang ako.”

LINGERING LOVE. Katulad din ba siya ni Angel Locsin na masasabi niyang mahal pa rin niya ang mga dating nakarelasyon?

"Oo naman," sagot ni Heart.

"At meron akong ex na hindi tumigil ang pagmamahal ko sa kanya for a while.”

Sino yun?

“Alam niyo na yun!” natatawang sabi niya.

Si Jericho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya naman kasi ang una ko talaga.”

Hanggang ngayon, hindi pa rin namamatay ang pagmamahal niya rito?

“Namatay na yun,” mabilis niyang sagot.

“Pero there was a time that it lingered for a while.

"Siguro kasi, first time kong maka-experience ng ganun.

“Ano kaming dalawa, intense kaming dalawa, para kaming The Notebook, e.

"First time kong maka-experience ng ganoon and siguro, lahat naman ng ex is memorable.”

Ang The Notebook ay isa sa mga bestselling romantic novels ni Nicholas Sparks na isinapelikula noong 2004.

Si Heart na rin ang nagsabi kung bakit huminto ang pagmamahal niya kay Jericho.

Aniya, “Siguro, what I was before is not who I am anymore, and who he is now is not what he was before.

“Super happy rin ako na ikakasal na siya.

"Kasi, hindi palaging nakakahanap ka ng isa pang chance sa love."

Ngayong taon nakatakdang ikasal si Jericho kay Kim Jones.

Bakit kaya sa parte ni Jericho, parang hindi pa ito handa na makasama siya sa isang proyekto?

Sagot ni Heart, “Hindi ko alam. Siguro, meron lang siyang mga concerns.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN