Phil Younghusband denies breakup with Angel Locsin caused by getting Melissa Mendez’s daughter pregnant

Itinanggi ni Denisse Oca, anak ng character actress na si Melissa Mendez, na si Phil Younghusband ang ama ng kanyang dinadala. Marami raw kasing fans ni Angel Locsin ang namba-bash kay Denisse matapos lumabas ang ulat kamakailan na ang kanyang ipinagbubuntis ay kay Phil, ex-boyfriend ni Angel.


Itinanggi ni Phil Younghusband na kaya sila naghiwalay nila ni Angel Locsin ay dahil sa anak ng character actress na si Melissa Mendez, na nangngangalang Denisse Oca.

Ito ay kasunod ng paglabas ng balitang nabuntis umano ng Azkals football player si Denisse.

Matatandaang kinumpirma ni Angel ang paghihiwalay nila ni Phil noong October 2013, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na @143redangel.

Ani Angel, "mutual decision" ang paghihiwalay nila ni Phil, ngunit tumanggi siyang sabihin ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Read: Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito."

DENISSE DENIES. Sa ulat na lumabas sa remate.ph noong January 25, Sabado, sinabi ng entertainment columnist na si Pete Ampoloquio Jr. na may malapit na tao raw kay Angel ang nagsabi sa kanya ng tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Angel at Phil.

Ito nga raw ay dahil nabuntis ni Phil si Denisse.

Ayon pa sa report, dati raw girlfriend ni Phil si Denisse.

Noong 2011 unang pumutok ang balitang naging kasintahan ni Phil si Denisse dahil sa lumabas ang isang larawang magkayakap ang dalawa.

Dahil sa lumabas na ulat sa remate.ph, marami ngayon ang nagba-bash kay Denisse na fans umano ni Angel sa social media.

Itinanggi naman ni Denisse ang balitang ito sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Dahil sa dami ng nangba-bash sa kanya, nag-post si Denisse sa Instagram (@d_oca) ng mensaheng ito:

“There are some people who always seem angry and continuously look for conflict. Walk away; the battle they are fighting isn’t with you, it is with themselves.”

Isa sa mga nagkomento, na fan diumano ni Angel, ang nagsabi kay Denisse na mas makabubuting linawin niya ang isyu para sa kanyang sarili at sa dindala niya.

Sumagot si Denisse upang itanggi ang paratang at nakiusap na huwag siyang idamay sa hiwalayan nina Phil at Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“it’s not true at all but no matter how many times I say that people will just think I’m denying it and will keep saying hurtful things. Damned if I do, damned if I don’t.

"I shouldn’t have even been dragged into this "issue" and I’d like to stay out of it. This is all I’m going to say about this.

"Pls just let me live my life and enjoy this blessing :)”

Umapela rin si Denisse kina Angel at Phil na sana ay linawin ng mga ito ang kanyang pangalan.

“I don’t know angel personally but I know she is a good person and I hope she will appeal to this rumor and deny it ever being the cause of their break up because I really have nothing to do with this.

"I didn’t even know they were broken up until today when people started accusing me of being involved.

"Whatever is going on with my personal life has nothing to do with them, I’m struggling with my own battles.

"It’s not easy to raise a child on my own but it was my decision to do so and I just want to embrace this blessing without being accused of fake rumors.”

Sa pareho ring thread ay ipinaliwanag ni Denisse na hindi pa ngayon ang tamang panahon para pangalanan ang ama ng kanyang dinadala, subalit tiniyak niyang hindi ito si Phil.

“Thank you @indaigia truly appreciate and respect your attitude regarding this issue. Wish more people were like you.

"To everyone else, like I’ve already said, I’d like to keep the identity of the father private FOR NOW... People will know who the real father is when I’m ready.

"One thing I can say for sure is that it is definitely NOT Phil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I just pray for my baby’s sake that people will leave me out of this Phil-Angel issue because I am not involved in this. I wish nothing but the best for them both in their respective careers and lives.

"Again, thanks to those who actually listen. Peace."

PHIL CLARIFIES. Sinagot din ni Phil ang isyung ito, sa pamamagitan ng kanyang Twitter accout (@PhilYHusband), kahapon, January 28, Martes.

Dito ay nilinaw ni Phil na hindi siya ang ama ng dinadala ni Denisse, at hindi rin daw ito ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Angel.

Aniya, “Lets respect all parties and let everyone be happy & concentrate on their lives with their families & careers.”

Nakiusap din siyang sana ay tigilan na ang pang-iintriga sa kanilang tatlo.

Narito ang kabuuang mensahe ni Phil.

“Dear everyone, to put an end to the doubts & rumors, I’m not the father of the baby of Denisse nor was it the reason Angel & I broke up.

"Angel & I ended on good terms.

"Can I ask we stop bothering Denisse, Angel & myself about this issue.

"Lets respect all parties and let everyone be happy & concentrate on their lives with their families & careers.

"At the end of the day, we all have to ask ourselves the question, are we making peoples lives worse? Or are we making peoples lives better?

"And If we are not making peoples lives better, we are wasting our time.

"I hope you can all understand. Thanks!"

Samantala, pinasalamatan naman ng ina ni Denisse na si Melissa Mendez si Phil, via Twitter, dahil sa ginawa nitong paglilinaw.

Sa mga naunang messages ni Melissa, sinabi niyang nag-aalala siya sa anak na nagdadalantao dahil sa pamba-bash ng fans umano ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN