Dr. Manny Calayan denies he has a love child; may run for local government position in 2016

This early, Dr. Manny Calayan is being distracted by thoughts of 2016. He informs PEP that he is being urged by the people of Quezon either to run for mayor in his hometown or for governor of the province. He says he wants to serve the people, and he’s thinking about it. So far, it’s 30 percent yes and 70 percent no. His wife Dra. Pie Calayan is against it. "Siya yung 70 percent,” he says.


Sa interview ni Dr. Manny Calayan sa "Ikaw Na" segment ni Boy Abunda sa Bandila, nagulat ang celebrity cosmetic surgeon nang tanungin tungkol sa intrigang may anak siya sa labas.

Hindi raw alam ni Dr. Calayan na itatanong iyon sa kanya ni Boy.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagulat talaga ako, actually napalunok ako.

“As in, wala akong idea.

"Parang, ‘Ano ba ito?’

“Sabi ko, ’Wala, Boy.’

“Alam mo naman, basta maintriga, iintrigahin ka, di ba?

“Ang sabi nga raw, naghiwalay kami ni Dra. Pie [Calayan, his wife] gawa ng nalaman niya na may anak ako sa labas.

"Hindi totoo yun!”

Nakausap ng PEP si Dr. Calayan sa klinika niya sa Makati City noong Biyernes, January 24.

MILES AWAY, HEARTS TOGETHER. Sa abroad kasi naka-base si Dra. Rosario “Pie” Cabrera-Calayan dahil sa mga clinic branches nila sa ibang bansa.

Una ay sa Beverly Hills sa Amerika at recently ay sa Sydney, Australia.

Ani Dr. Calayan, hiwalay lamang sila physically, pero nananatiling buo ang kanilang relasyon bilang mag-asawa at mga magulang sa kanilang tatlong anak.

“Miles away pero hearts together!” ang tumatawang sabi pa niya.

Pero may kasabihang kapag may sunog ay may apoy, kaya maaaring may katotohanan ang intrigang may anak nga si Dr. Calayan sa labas?

Diin niya, "Oo, naniniwala ako diyan, pero wala talaga akong anak sa labas."

Faithful ba siya kay Dra. Pie kahit magkalayo sila?

“Sobra!” sagot ng cosmetic surgeon.

SOURCE OF RUMOR. Saan kaya sa palagay niya nanggaling ang balitang iyon?


Saad ni Dr. Calayan, “Hindi ko nga alam.

"Tapos si Boy, parang manager ko na tagapayo ko pa rin.

“Sabi niya, ‘Doc, ganito ang gawin mo,’ ganyan-ganyan.

"All of a sudden... nagulat talaga ako nung tinanong ako ni Boy.”

Kuwento pa ni Dr. Manny, nag-Sinulog siya kamakailan at nagkataong nakita niya doon sa Cebu ang mga kaibigan ng anak niyang si Hannah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito nga raw may nagbalita na isa sa mga kabataang kasama niya ang itinuturong anak niya sa labas.

“Nakakatawa naman na kaibigan ng anak ko, iintrigahin na anak ko."

Paliwanag pa ng doktor, “Naging close na kasi kami ng mga barkada ni Hannah.

"So, pag andito si Hannah, nagha-hang out din kami kasama ang mga kaibigan niya.”

Kaya nga raw nang nakita niya ang mga ito sa Cebu ay nagsama-sama silang lumabas.

“Nakakatawa talaga ’yang intriga na ’yan.

“Well, parang mga anak ko na nga kasi ang mga kaibigan ng anak ko.

“Pero wala akong anak sa labas.”

AUSTRALIA-BASED. Every other month daw ang bisita ni Dr. Manny sa kanyang asawa sa Sydney, Australia.

May tagapamahala naman daw sila sa branch nila sa Amerika, kaya ang bagong bukas nilang Calayan Surgicentre sa Australia ang tinututukan ngayon ni Dra. Pie.

Pati ang tatlong anak nilang mga babae ay sa Australia rin ngayon nag-aaral.

“Kasi yung mga kids, gusto naman daw nilang ma-feel ang Australian environment.”

Ang panganay nilang anak na si Hannah ay third year college na, at ang pangalawa na si Berniece ay second year college naman.

Parehong pre-med ang kurso ng dalawa.

Graduating naman sa high school ang bunso nilang anak na si Andrea.



CELEBRITY ENDORSERS. Dalawa sa endorsers ng Calayan Surgicentre ay sina Billy Crawford at Nikki Gil.

Naapektuhan daw si Dr. Manny sa hiwalayan nina Billy at Nikki.

“Siyempre! Nanood pa nga ako nung umiiyak si Billy sa TV.

“Na-shock din ako.

“Naintindihan ko naman yung tungkol sa sinasabing confusion niya.

"Nag-usap naman kami the day after, tinawagan ko siya, sabi ko, ‘Kumusta ka?’

“Tapos sabi naman niya, ‘I’m going to L.A. [Los Angeles], Doc.’

"Sabi ko, ‘Sige, mag-rest ka muna.’"

Sa pagkakakilala niya kay Billy, wala raw katotohanan ang inisip ng iba na may kinalaman sa gender ni Billy ang “confusion” nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sigurado raw si Dr. Manny na lalaking-lalaki si Billy.

Na ang naging confusion lang nito ay ang tungkol sa hindi naging successful ang relasyon nila ni Nikki.

Hindi naman daw nakausap ng doktor si Nikki.

Naging close na rin daw si Dr. Manny kay Luis Manzano mula nang maging endorser ito ng kanyang klinika.

Pero hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataon ngTV host/actor na magkaroon ng "man-to-man talk" nang nag-break ito at si Jennylyn Mercado.

Kuwento ni Dr. Manny, “Text-text lang.

"Sabi ko, ‘O, totoo ba yung sa inyo ni Jennylyn?’

“Walang sinagot, iniba niya yung topic, so hindi na ako nakialam!” at natawa si Dr. Manny.

Ang isa pang celebrity endorser ni Dr. Calayan ay ang aktor na si Gabby Concepcion.

Ikinakasaya raw ni Dr. Calayan ang makarinig ng papuri sa kaguwapuhan at youthful looks ni Gabby ngayon.

“Siyempre naman!

"Si Gabby, health buff iyan, grabe!

"Lagi siyang on-the-go sa sports.

"Parang triathlon yata ang ginagawa niya.

"Tapos iyon, magpupunta dito sa clinic.

"Siyempre kailangan naman nila yun, e.”

Ang pinakabagong endorser naman nila ay si Solenn Heussaff.

“More on sa skin siya, general siya.

“Mabait, mabait naman siya,” sabi ni Dr. Calayan tungkol kay Solenn.



MYSTERY ENDORSER. Samantala, may kinukuha raw na isa pang endosrser ang Calayan Surgicentre. Pero ayaw pang i-reveal ni Dr. Manny kung sino ito.

Babae raw ito at sikat na Kapamilya star.

Under negotiations pa raw ang kanilang usapan.

"Kaya hindi niya muna ini-reveal kung sino ito."

Pero si Boy Abunda raw ang paboritong endorser ni Dr. Calayan.

“Pure-hearted si Boy! Hindi siya plastik, hindi siya showbiz.

“Matalino, credible, and hindi siya pera-pera.

"Kung kaibigan ka niya, kaibigan ka niya, forever.

“Ang tingin ko kay Boy, talagang very loyal, faithful na kaibigan,” sabi ni Dr. Calayan.



CIVIL WITH VICKI BELO. Ang mag-asawang Calayan at si Dra. Vicki Belo ang maituturing na magkaribal sa larangan ng pagpapaganda dito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Dr. Manny kung magkaibigan ba sila o kahit sa personal ay may rivalry sila.

Sagot niya, “I can say we’re civil friends. We’re not enemies.”

Kapag nagkikita raw sila sa isang lugar ay nagbabatian, nagbebesohan, at nagkukumustahan naman daw sila.

Hindi pa raw nangyari na hindi sila nagpansinan kapag nagkikita. Pareho raw silang professional at wala silang personalan.

Sabi ni Dr. Calayan, “Kailangan mo talaga iyon [competition].

"Parang you take it as a challenge to do better.

"Kasi kung ano yung meron siya, meron ako.

"At kung ano ang meron ako, meron din siya.

“Ganun naman yun, e.”

May pagkakataon pa raw dati na sabay silang naging hurado sa It’s Showtime.



ENTERING POLITICS. Tinanong namin si Dr. Manny kung may balak ba siyang pumasok sa pulitika.

“Ang dami ngang nagtutulak sa 2016,” pag-amin niya.

Pero dugtong niya, “Hindi ko pa alam talaga. Hindi ko pa alam.

"Pero sabihin nating 70-30.

"Seventy ang no, thirty ang yes.

“Ayaw ni Dra. Pie kasi magulo raw.

"Siya yung 70 percent!” at natawa si Dr. Manny.

Ano ang nakakapigil sa kanya bukod sa ayaw ng misis niya?

“Tahimik ang buhay ko, e.

“Maganda naman ang trabaho ko, maganda ang propesyon ko.

"Okay ang pamilya ko.”

Gusto rin daw naman niyang tumakbo para makapaglingkod sa mga tao.

“At saka parang sinasabi kasi ng mga tao na long overdue daw.

"Bakit daw ako nasa Manila, bakit hindi daw ako maglingkod doon sa Quezon?

“Kaya ang isinasagot ko, bahala na.

"Hindi ko naman hawak ang oras.

"Kasi pagdating diyan, andiyan na ’yan, lunukin mo na lang.

"Kung saka-sakali, it’s either for my hometown as mayor.

"O probinsiya as governor.”

Sa Quezon ang probinsiya ni Dr. Calayan.


Bukal sa naturang lugar ang aktor na si Gary Estrada, na isa rin sa mga kliyente ni Dr. Calayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN