Yeng Constantino strictly implements "no-sex policy" with boyfriend Victor Asuncion

Kahit pitong buwan pa lang ang relasyon ni Yeng Constantino sa boyfriend niyang si Victor Asuncion, inamin ng singer na napag-uusapan na nila ang tungkol sa pag-aasawa. Pero habang wala pang bendisyon ng simbahan ang kanilang pagsasama, wala raw munang mangyayari sa kanilang dalawa.


Wala raw pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ngayon ni Yeng Constantino sa piling ng kanyang boyfriend na si Victor Asuncion.

Saad ni Yeng tungkol sa relasyon nila, “Happy. Seven months…

"Five months na lang, one year na kami.

“Last month, nag-celebrate kami ng aming kalahating taon, kasi nagka-countdown talaga kami, ‘Kalahating taon na tayo, wow!’

"Sobrang amazing nun.

“Ayun, I’m a blessed woman.”

Dahil matagal-tagal na rin ang relasyon nila ng nobyong si Victor, malawak na rin daw ang inabot ng kanilang usapan tungkol sa pag-ibig.

Sabi ng 24-year-old singer, “Naku, ang dami nang napag-usapan.

"Mas lalong naggo-grow ang love namin for each other.

"Kasi, di ba, sa unang… nakikita mong nagpo-progress yung relationship.

“Kasi kami ni Yan [palayaw ni Victor], hindi talaga kami naging friends muna, e. Hindi kami friends.

"From church, nagkikita lang kami… crush niya lang ako.

“I must say na naging super friends na lang kami nung nandun na kami sa likod nung relationship.

"Yun, ang dami lang sa aking itinuturo yung Panginoon about love, through our relationship.

“Ayun, talagang si Yan ay namu-model niya yung kind of love na kailangan namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Yeng sa rehearsal ng Bamboo & Yeng, The Concert, sa bahay ng manager ni Bamboo sa San Juan City, noong January 28.

Gaganapin ang concert tour nina Yeng at Bamboo sa Cebu, Davao, at Baguio simula February 7.



FOREVER? Sa ngayon daw, naniniwala si Yeng na si Victor na ang kanyang “forever.”

Pahayag niya, “Oo siyempre.

"Ako, as a person, ganun yung panata ko sa buhay na pagka may relationship ka, may purpose dapat yung relationship. Ganun kami.

“Parehong conservative yung relationship namin… yung pagpapalaki ng magulang namin.

"So, ayun, ganun talaga yung mindset ko na pag ako sumagot na sa lalaki, iba na yung meaning nun.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron na akong nakikita na ano... parang ano, malayo na sa infatuation at crush-crush, at kilig-kilig.

"And something na napag-uusapan na namin kasi yun... hindi biro na sumagot ang isang babae…

"Pag ibinigay na ng babae yung oo niya, malamang na mabigat ang ibig sabihin nun."

Masaya raw si Yeng na ganun din ang mindset ng kanyang 28-year-old boyfriend.

“And happy din ako sa side ni Yan, na ganun din yung side ni Yan na siya, as a person, hindi lang siya magsi-settle for anything less na, ’Ay, testing the waters muna tayo.’

"Ang sarap lang din sa feelings nun, nakaka-secure bilang babae na, ‘Ayyy!’"

Kinikilig pang dagdag ng Kapamilya singer, “Hindi siya yung parang type na guy na, ‘Ay, hindi tayo compatible...’

"Siya ay sobrang namu-model talaga niya yung kind of love na kailangan ng woman.

"‘Yan ang sinasabi ko kasi pag sinabi niyang love, parang love is acceptance, it’s a decision.”

“WALA KANG NAKIKITANG MALI…” Aminado si Yeng na sa paglipas ng panahon, may mga nakikita na rin silang pagkakaiba ni Victor.

Inihalintulad pa nga niya ang sitwasyon nila sa Hollywood movie na Enough Said.


Ang Enough Said ay isang romantic-comedy film na ipinalabas snoong 2013, at pinagbidahan nina Julia Louis-Dreyfus at James Gandolfini.

Aniya, “Parang throughout sa relationship, habang tumatagal, una, sobrang ano, e, high na high ka sa love... parang wala kang nakikitang mali.

"Pero eventually, at one point talaga ng buhay ninyo bilang mag-partner, may makikita ka talagang something na hindi mo gusto.

“The questions is, ‘Will you still stay and love the person despite the differences?’

"Or, ’Ayoko kasi hindi kita katulad, e.’

"In the first place, kaya mo nga siya nagustuhan, you’re attracted to someone na hindi mo katulad.

"Kaya nga, e, iba ka, iba ka… iba ka sa akin.

"So, yun yung mga realities na dapat i-accept."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Yung sa amin, seven months pa lang naman, may mga nakikita na rin kaming differences, though na-deal namin yun na very mature na.

"Siguro okay din na ngayong age na ito ako nagka-boyfriend."

Napag-usapan na ba nila ang pag-aasawa?

Pag-amin ni Yeng, “Oo, ganun kami, e, ahead mag-isip.”

NO TO PRE-MARITAL SEX. Gaano kakonserbatibo ang relasyon nila ni Victor?

Sabi ni Yeng, “There’s no pre-marital sex. Ganun talaga.

"No pre-marital sex, ’yan yung clear na… no to it.

"Kasi we want to honor marriage.

"Kasi, di ba, ang tagal-tagal kang prineserve ng mga magulang mo, nanay mo, papa mo.

"Lahat ng paggalit, pananakot para hindi ka lumabas ng bahay, pumarty, pero sa isang iglap, ‘Its all gone, ‘Ma.’

“So, yun yung sa amin, yun yung boundary namin.

"Kasi once na nag-move ka na into physical intimacy, sobrang magbabago na yun.

"It’s another level na you have to save… for me. That’s for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN