Glaiza de Castro reveals some ABS-CBN stars ask for her help to move to GMA

Glaiza de Castro on doing a sitcom: "Okey sa akin yung napasama ako sa sitcom, dahil ibang field din talaga ang mag-comedy ka. Hanga rin kasi ako sa mga nagpapatawa, tulad nina Tito Vic, dahil hindi naman din ganun kadali ang magpatawa kung hindi ka rin matalino. Nakakaimpluwensiya ang mga kasamahan namin sa sitcom, na bukod sa pagpapatawa ay makukulit, kaya talagang mahahawa ka din nila, e."


Mas kilala si Glaiza de Castro bilang seryosong aktres dahil sa mga teleseryeng nilalabasan niya sa GMA.

Pero inamin ng aktres na ang una niyang gustong subukan sa showbiz ay ang pagpapatawa, kaya naman natutuwa siyang mapabilang sa cast ng sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kung mag-aartista ka kasi, kapag baguhan ka, umookey ka na lang din muna kung ano yung dumarating na project para ka nila masubukan.

“Sa paghahanap ng masusubukan, medyo kakanta at sasayaw ka din.

“Hanggang sa kahit naman noong nasa ABS-CBN pa ako, nabibigyan ako ng pagkakataon para magdrama-drama ng konti.

“Hanggang sa nung nasa GMA na ako ay sa drama nga muna ako unang sinubukan.

"Hanggang ngayon, ginagawa ko pa rin.

"Pero aliw ako sa comedy talaga.”

Ibang karanasan daw na makasama sa sitcom ang isang Vic Sotto.

“Bossing kasi si Tito Vic, kaya talagang kung mag-alaga siya sa mga katrabaho ay okey talaga.

“Kumportable kami lahat sa taping ng Vampire… dahil masaya kami dun."

Dagdag niya, “Okey sa akin yung napasama ako sa sitcom, dahil ibang field din talaga ang mag-comedy ka.

"Hanga rin kasi ako sa mga nagpapatawa, tulad nina Tito Vic, dahil hindi naman din ganun kadali ang magpatawa kung hindi ka rin matalino.

"Nakakaimpluwensiya ang mga kasamahan namin sa sitcom, na bukod sa pagpapatawa ay makukulit, kaya talagang mahahawa ka din nila, e."

Nakausap ng PEP si Glaiza sa GMA Network Center noong isang linggo.

STILL IN CONTACT. Mula sa ABS-CBN, hindi pala madali para kay Glaiza na makalimutan ang mga dati niyang nakasamahan doon, ngayong sinuwerte siya sa kanyang paglipat sa GMA.

Lumipat si Glaiza mula ABS-CBN papuntang GMA noong 2006.

Saad ng 26-year-old actress, “Hanggang ngayon naman, may mga kaibigan pa rin ako doon.

“May communication pa rin ako sa kanila. Okey na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, sa ngayon naman, uso pa rin ang lipatan.

"Kaya kapag mayroong mga artistang galing sa ABS na lumilipat ng GMA ay nagkakatawanan na lang kami at tumu-throwback kaming lahat!

“Mayroon ding ibang kakilala mula sa kabila na nagpapatulong kung paano daw lumipat.

“Kaya lang, hindi rin naman ganun kadali iyon, lalo na kung baka iniisip nila na kapag lumipat sila ay nandoon na kaagad at maibibigay ang suwerte na gusto o hinahanap nila.

“Ako, ang ipinagpapasalamat ko na lang ay yung nung mapunta ako sa GMA ay marami namang magagandang nangyari.

"Dahil nabigyan naman ako ng pagkakataon na mapatunayan ko rin ang sarili ko, dahil sunud-sunod nga dati yung nilabasan kong teleserye."

PROVING HERSELF. Mahirap daw kasi sa isang artista kung hindi mapatunayan ang kanyang sarili.

“Ang hirap naman kasi talaga ng dinaanan ko noon,” banggit pa ni Glaiza.

“I mean, mahirap yung ang bata-bata ko pa noon, na gusto ko nang patunayan na puwede naman talaga akong mag-artista, e.

"Na kaya ko naman umarte, pero hindi mabigyan ng pagkakataon, dahil wala pa talagang masyadong dumarating na gagawin.

“Alam mo ‘yon? Nahirapan ako noon na mapansin, dahil ang hirap gawin na mapansin kung hindi pa talaga panahon.

"Nasa tamang panahon lang talaga ‘yon.

"At sa ngayon naman, masaya ako na kahit paano, narito na ako na napapatunayan ko pa ang sarili dahil sa mga ginagawa ko.”

Ano sa pandinig niya ang mga salitang papuri na magaling na siyang aktres?

“Nakakataba iyon ng puso kapag sinasabi nila,” nakangiting sabi ni Glaiza.

“Pero yung ganyang mga sinasabi nila kapag natutuwa sila sa ginagawa mo bilang artista ay hindi mo dapat na ikayabang.

"Huwag mong ilagay sa utak ‘yan para magtaas-noo ka at yumabang.

“Pero ang iniisip ko ay narito pa lang din ako sa aking nasimulan, na patutunayan ko pa rin ang aking sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, bata pa naman ako. Marami pa akong puwedeng gawin.

"Basta, ipagpapasalamat ko na lang ngayon na may trabaho ako bilang artista."

HANDLING LOVELIFE. Mahirap bang isingit ang lovelife sa pag-aartista niya?

Tugon niya, “Siguro depende na lang ‘yan sa pagha-handle ng isang artista.

“Siguro din, kung mahal mo naman ang trabaho mo, huwag mong pababayaan dahil diyan.

“Kasi, mayroon namang mga artista na nakakaya nila, e.

"Depende talaga ‘yan sa tao kung papaano nila gagawin. Choice nila ‘yon.

"Basta, umayos ka lang siguro.

"Kung artista ka, alam mo naman yung kailangan sa trabaho.

"Na kung may taping o shooting ka, yun ang unahin mo, dahil ang lovelife naman, nariyan lang ‘yan.

"Importante kasi ang pagmamahal sa trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN