Dominic Roco ends rift with dad Bembol Roco: "There’s no point in staying mad at him forever."

Ipinaliwanag ni Dominic Roco kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang bagong girlfriend. Saad niya, "Hindi talaga ako naghahanap. Kung maghahanap man ako, maybe I’m lonely or nagsasawa na ako na ganito. Pero walang pumapasok na perfect, ideal girl right now for me, wala talaga."


Ibinalita ng Kapuso actor na si Dominic Roco na maayos na ngayon ang relasyon nila ng kanyang amang si Bembol Roco.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Since 2013, nag-uusap naman kami. Pero yun nga, it’s still the same.”

Magkasama pa nga raw sila noong Pako, pero noong Bagong Taon ay hindi na.

Banggit ni Dominic, “He visited us. Yung sister namin just recently gave birth, so he visited recently.”

Napag-usapan na ba nilang mag-ama ang mga nangyari, kasama na ang naging sama ng loob nila ng kakambal niyang si Felix Roco?

“No,” matipid na sagot ni Dominic.

Wala na ang sama ng loob niya, na nag-ugat sa pang-iiwan sa kanila ng ama dahil sa ibang babae?

Sagot ni Dominic, “Yeah, there’s no point in staying mad at him forever.

"Buhay niya yun, e. He deserves to be happy.

"We all deserve to be happy, so hayaan na lang natin."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa taping ng GMA afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig? sa Antipolo last week.

LOVELIFE. Inunahan naman kami ni Dominic bago pa namin matapos ang aming tanong kung may lovelife na ba siya.

Natatawang sabi niya, “Wala pa rin girlfriend!”

Bagong taon na, pero tila wala pa rin siyang planong magkaroon ng bagong girlfriend?

Aniya, “Wala pa rin... hindi ko naman masasabing I’m concentrating on my career, kasi wala talaga, e.”

Hindi kaya kinukontra niya lang talaga na magkaroon ng girlfriend?

Sagot ni Dominic, “Hindi, hindi ko bina-block. I just don’t have.

"Wala akong nakikita kasi hindi rin naman ako naghahanap.

“So, I don’t expand my circle of friends. Kung sino ang kilala ko, yun lang.”

Hanggang kailan niya planong maging "single"?

“Siguro kapag nalungkot na talaga ako. Kapag lahat ng kaibigan ko, may mga girlfriend na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang taon na raw siyang walang karelasyon.

Paano sa Valentine’s Day?

“Okay lang, sanay naman ako!” tawa niya ulit.

Dagdag ni Dominic, “Mom ko na lang ang ka-date ko.”

Hindi naman daw perfectionist ang aktor sa pagpili ng liligawan o magiging karelasyon, pero ayaw lang daw talaga niyang magkamali.

“Ayokong manakit ng babae emotionally. I don’t want anyone to go through that,” sabi niya.

Pero bakit naman niya sasaktan ang damdamin ng isang babae?

Paglilinaw niya, “Hindi... I didn’t say that I’ll do it.

"But, there’s a possibility, pero I’m not saying I’ll do it.

“Hindi natin masasabi, e.”

Dugtong pa niya, “I’m happy for now.”

Kaya niya bang maging single habambuhay?

“Sana hindi naman, but so far, I’m happy naman.

"Hindi talaga ako naghahanap.

"Kung maghahanap man ako, maybe I’m lonely or nagsasawa na ako na ganito.

“Pero walang pumapasok na perfect, ideal girl right now for me, wala talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN