Feng shui expert predicts stars’ future this Year of the Horse; Angel Locsin-Luis Manzano reconciliation very likely

Alamin kung ano ang kapalarang naghihintay sa ilan sa mga sikat na artista—kabilang na sina Angel Locsin, Marian Rivera, at Angelica Panganiban—ngayong Year of the Horse, ayon sa isang feng shui expert.


Ngayong araw, January 31 ang simula ng pagpasok ng Year of the Wooden Horse sa Chinese calendar.

Kaugnay nito, isang feng shui expert, si Master Hanz Chua, ang nagbigay ng kanyang predictions sa ilang mga sikat na artista, showbiz couples, at pati na kay Pangulong Noynoy Aquino ngayong 2014:

JOHN LLOYD CRUZ & ANGELICA PANGANIBAN

"May mga love luck sila this year, maganda ang pagsasama nila this year. Dapat silang magpakasal, kasi pag di nila binind yung kanilang marriage or kanilang pag-aasawa, possible na magkaroon ng third party or hiwalayan. Third party sa part nung lalaki."


DINGDONG DANTES & MARIAN RIVERA

"Their relationship nilang dalawa is very strong kumpara last year. Mas magiging better pa o mas magiging binded ang kanilang pagsasama this year."


ANGEL LOCSIN & LUIS MANZANO

“May pagbabalikan, especially sa month ng March and June, magkakabalikan sila. Kasal? Wala pa. Puwede na balikan, pero kasalan, no.”

VIC SOTTO & PAULEEN LUNA

“Their love luck is very strong. Marriage, wala pang kasalang mangyayari, pero relationship is very strong."

HEART EVANGELISTA & SENATOR CHIZ ESCUDERO

“May possible silang binding or merge sa isa’t isa. Kasalan, di ko pa nakikita, pero strong binding sa pagitan nilang dalawa.”

TONI GONZAGA & PAUL SORIANO

“May nakikita akong pagpapakasal sa kanila this year, especially on the latter part of the year, November or December.”


CLAUDINE BARRETTO & RAYMART SANTIAGO

“Alitan pa rin ang nakikita ko, medyo magulo ang kanilang kaso."


ANNE CURTIS

“Puwede nang ikasal si Anne Curtis this year. Year of the Rat [1985] yata si Anne, medyo di maganda. Pero sa ating mga previous interview, maganda, pero mayroon siyang mga romance luck this year.

“Year of the Rat siya, yun ang medyo di maganda, kasi marami siyang away. Maraming nanggugulo, maraming init ng ulo, marami ang su-showbiz sa kanya, kaya medyo di maganda.

"Ang payo ko sa kanya, huwag niyang patulan ang mga issues sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa career niya, mas magbu-boom pa, mas aakyat pa, mas marami pa siyang movies, mga palabas na darating.”

PIOLO PASCUAL

“Maraming projects for Piolo Pascual this 2014. Okay ang career niya.”

VICE GANDA

“Maganda ang 2014 sa kanya, hataw ang kanyang career. Marami siyang lovelife, pero di stable.”

KRIS AQUINO

“Maganda ang career ni Kris Aquino this year, yun nga lang, marami ding issues.

"Mas maganda ang year niya ngayon kaysa last year, kasi Year of The Boar [1971].

"Last year kasi, direct conflict siya sa Year of the Snake. This year, magiging mas maganda.

“Magkaka-lovelife siya ngayon, pero di magkakaroon ng pagsasamahan o binding this year.”

AI-AI DELAS ALAS

“Mayroon siyang career na paakyat ngayon. Ang medyo mangyayari nga lang, medyo sickly siya ngayon, lagi siyang medyo mahina ang katawan. Bantayan niya ang health niya this 2014.

“Sa lovelife, marami, pero wala pa ring possible na magiging kanya o makakasama niya talaga. Huwag muna yung lovelife niya.”

SENATOR BONG REVILLA

“Medyo di maganda ang kanyang year this year. Medyo ingat siya sa mga ginagawa niya, sa mga pinaplano niya. Dapat make sure siya sa mga plano niya, kasi medyo di maganda ang star niya for 2014.”

JERICHO ROSALES

“Pakakasal siya this May... medyo magla-lie ang kanyang career pag ikinasal siya. Medyo mababawasan ang kasikatan at trabaho niya.”

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

“Kay PNoy, this year, maraming mga romance stars na papasok sa kanya. Year of the Rat [1960] siya kaya medyo di maganda, mainitin ang ulo, so kailangan niya ngayon, romance luck.

"Marami siyang romance luck this year, itong mga romance luck na ito magdadala sa country natin ng mga wealth.

“Sa chart ni PNoy, wala akong nakikitang pag-aasawa, pero marami kaliwa’t kanan ang romance luck niya.”

Maging sa mga kasalukuyang isyu ay nagbigay rin ng kanyang prediksiyon si Master Hanz:


BARRETTO FAMILY

"Medyo this year, walang batian na mangyayari... possible next year na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GMA-TV5 MERGE

“May nakikitang may magko-close ng deal or mag-uusap na ganun, pero hindi sila magme-merge. May bilihang mangyayari, pero kanya-kanyang independent pa rin na stations pa rin sila. Ang nakikita ko dito is mag-uusap sila, lalo na sa month of March, July, and August.”

TRAGEDIES

“Mayroon, mag-ingat this year na posibleng mawala.

"Ang masisira sa industriya natin ay mga lalaki. Mas delikado ang mga lalaki ngayon, sa health nila, biglang may mawawalang bigla sikat na lalaki.

"Sa babae naman this year ay mas magiging maganda ang career nila. May mga sisikat na batang babae at magiging internationally sikat o internationally recognized."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN