Neil Ryan Sese wishes for less nudity and gay roles in next indie film offers

Matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng indie film si Neil Ryan Sese. At isa sa mga dahilan bukod sa busy siya sa sunud-sunod na teleserye projects: gusto niya sanang ang tema ay "pang-general patronage."


Dahil sa madalas na paglabas ng aktor na si Neil Ryan Sese sa mga teleserye ng Kapuso network, marami na raw siyang indie films na tinatanggihang gawin.

Ayon pa kay Neil, karamihan daw ng mga roles na inaalok sa kanya ay bilang isang bading at kung hindi man, pinaghuhubad siya at frontal nudity pa.

Pagkatapos ng huling indie film niyang ginawa, ang Di Natatapos Ang Gabi, kung saan ay naghubo siya, may ipinangako ito sa sarili.

"Nasabi ko naman na minsan ko lang gagawin iyon.

"Tama na yung minsan lang kasi ganun pa rin naman ang magiging hitsura no’n!” malakas na tawa pa ni Neil.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Neil Ryan Sese sa press launch ng afternoon drama series ng GMA-7 na Paraiso Ko’y Ikaw sa GMA Network Center noong January 21.

Pahayag niya, “Matagal na akong hindi nakagawa ng mga indie film.

"At kung may magandang role, gagawin ko naman.

"Kasi sa mundo ako ng indie films nanggaling.

“Ang problema lang kasi, yung mga roles na binibigay nila sa akin ay nagawa ko na before.

"’Tapos may isa pa ngang gustong mag-frontal nudity ako."

Kung gagawa nga raw ng indie film ulit si Neil, gusto niya, hangga’t maaari, ay pang-general patronage.

Bukod kasi sa may anak siyang babae na nang-uusisa na tungkol sa trabaho niya, may exclusive contract din siya sa GMA.

Pahiwatig niya, “Gusto kong gawin ay indie drama. Yung kuwento ng mga pamilya, magkakaibigan.

"As much as possible, iwas muna tayo sa mga gay-themed na indie.

“Yung anak ko kasi, nagtatanong-tanong na tungkol sa trabaho ko. Plus, yung mga teleserye ko sa GMA-7 ay mostly family dramas.

"Gusto ko lang yung appropriate sa trabaho ko ngayon at sa pamilya ko,” saad niya.

Iniisip ni Neil na mag-produce at magdirek na rin ng indie film. Pero pag-aaralan daw muna niya ang lahat bago siya sumabak sa panibagong career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga nag-aalok na rin sa akin na magdirek at mag-produce ng indie film.

"Parang gusto ko na rin, pero siyempre hindi ka basta papasok sa ganyan kung wala ka pang masyadong alam.

“Sa pagdidirek, I still need the guidance of the experts tulad nila Direk Maryo J. Delos Reyes, Direk Joel Lamangan, at iba pang mga magagaling.

“Sa pagiging producer naman, hindi ka rin basta maglalabas ng pera.

"Kahit na sabihin mong indie film ‘yan, umaabot pa rin ng milyon [pesos] ang isang maliit na project.

“Sa takbo pa naman ng film industry natin ngayon, nagkakaroon lang ng venue ang mga indie films kapag may mga local festivals.

"Hindi ka makakakuha ng regular theatre booking.

"Mas pinapaboran nila ang mga big studios tulad ng Star Cinema, Regal Entertainment, at Viva Films.

“Kaya bago ko pasukin ‘yan, kailangan handa ako.

"Hindi lang physically kundi financially din.”

Ito ang dahilan kaya maingat si Neil sa kanyang mga kinikita mula sa nilalabasan niyang teleserye.

Aniya, “I am thankful sa sunud-sunod na trabaho ko sa GMA-7.

"Malaking tulong ang mga projects na ginagawa ko para sa pamilya at negosyo ko."

Bukod sa pangangailangan ng kanyang pamilya, meron ding T-shirt business na pinapatakbo si Neil.

Kasama siya sa Paraiso Ko’y Ikaw at maganda raw ang role na binigay sa kanya.

“Sa bawat teleserye naman na gawin ko, I try my best to enhance the character na binibigay nila sa akin.

"Yun naman ang trabaho ng isang aktor.”

Pang-sampung teleserye na nga ni Neil ang Paraiso Ko’y Ikaw since nagsimula siya via Munting Heredera nuong 2010.

Nasundan ito ng Biritera; My Daddy Dearest; Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa; Pahiram Ng Sandali; Indio; Love & Lies; AnnaKarenina, at Adarna.

Paminsan-minsan naman ay nagge-guest siya sa comedy series na Pepito Manaloto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN