Gwen Zamora hints at settling down with boyfriend Raymund Romualdez "when Tacloban’s okay na."

Gwen Zamora recounts spending Christmas in Tacloban with her boyfriend and their respective families: “My parents and I, nag-Christmas kami ro’n. To be honest, we didn’t feel Christmas. It was so hard to celebrate. But we had dinner the night before Christmas, a lot of NGO’s were there, so, it was heartwarming.”


Isa nang lola si Gwen Zamora!

Lola ni Max Collins ang karakter na gagampanan ni Gwen sa bagong panghapong serye ng GMA, ang Innamorata.

“Ano lang ako rito, nakikigulo,” nakangiting paglalarawan ni Gwen sa karakter niya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong January 29, sa Mesa restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

“Nakikigulo kasi, bale patay na ’ko rito, pero na-trap ako sa frame.”

Fantaserye ba ang bago nilang serye?

“Hindi fantasy, more on mystery. Kasi, drama-mystery siya. Hindi siya drama-fantasy.

“The only fantasy here is the necklace, doon siya gumanda. Si Max Collins. Parang may magic do’n sa necklace,” dagdag niya.

Napapayag daw siyang gumanap na lola ni Max dahil na-trap lang naman siya sa frame nang mahabang panahon.

Ilang taon na rin sa showbiz si Gwen at iniintriga nga ito kung bakit daw pumayag na mag-support kay Max gayong mas bago ito sa kanya?

“When have I ever said no?

“The more I care, lalo akong mai-stress, ayoko. Maybe, the world’s not yet ready for me,” natatawang paliwanag niya.

PLANNING AHEAD. Dugtong pa niya, “This year is my year. You know what, I made a vision board. Every morning, gising ako, do my stretches, then I look at my vision board for about five minutes.

“I have goals of what I want.

“Either financially, business-wise or weight-wise. Lahat ng mga travels ko. I’m going to Europe for my birthday.

“I’m going to Boracay next month. My whole year is planned until two years from now.

“This year, nag-start lang and then, may boom for about three years.”

Parang ang tagal pa ng pag-boom na gusto niya?

“I wanted slowly but surely. Huwag namang bigla, ’tapos, yun na.”

CHRISTMAS IN TACLOBAN. Dalawang taon nang magkarelasyon si Gwen at ang boyfriend niyang si Raymund Romualdez, anak ng mayor ng Tacloban ngayon na si Mayor Alfred Romualdez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Tacloban din daw siya nag-Pasko kasama ang pamilya Romualdez.

Kumusta naman?

“My parents and I, nag-Christmas kami ro’n. To be honest, we didn’t feel Christmas. It was so hard to celebrate.

“Sina Tita Cristina at si Tito Alfred, you didn’t feel it’s Christmas. No one partied or anything, Noche Buena.

“Ni hindi nga umabot ng Noche Buena si Tito Alfred. He’s so tired. Since it happened [typhoon Yolanda], hindi siya nakakatulog.”

Dugtong ni Gwen, “But we had dinner the night before Christmas, a lot of NGOs [non-government organizations] were there, so, it was heartwarming.

“We had a huge dinner at City Hall. It was fun, ang daming foreigners. I sat at the table na puro Portuguese, Americans, French, may Egyptian, ang dami, e.

“They are just really willing to help lang talaga.”

SETTLING DOWN SOON? Ang mabilis na tugon ng aktres, “Of course, we do. We’re getting older naman. Kung walang plano, what’s the point?”

Nag-propose na ba?

“No, wala pa,” sabi niya.

Kailan niya nakikitang mangyayari yun?

“When Tacloban’s okay na,” natawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN