David Bunevacz issues official statement regarding past mauling incident with Cedric Lee

In his official statement, David Bunevacz recounts the mauling incident involving Cedric Lee and his companions in 2007: “Like Vhong, I was wrongfully accused, held against my will, physically violated, terrorized and death-threatened. It was in 2007 when we decided to leave the country for fear of our lives and the lives of our children. It was as if the rug was pulled from under our feet in an instant.”


Hindi muna nagpa-interview si David Bunevacz sa mga TV reporter na humihiling na makuha ang kanyang panig tungkol sa pambubugbog ng grupo ni Cedric Lee kay Vhong Navarro, pero nagpadala siya ng statement bilang sagot.

Nabugbog din si David noong December 2007, at ang mga inakusahang nambugbog ay ang mga dating business partners nito sa Beverly Hills 6750 Cosmetic Surgery and Skin Institute.

Dalawa sa mga na-identify ay si Cedric at si Tyrone Ong.

Nakakulong ngayon si Tyrone dahil sa kinasasangkutang graft case.

Sa report ng Philippine Daily Inquirer noong September 4, 2013, six counts ng graft at two counts ng malversation ang mga kaso ni Tyrone dahil umano sa fictitious repair at maintenance ng 28 units ng Light Armored Vehicles na nagkakahalaga raw ng P358.48 million.

Kusang-loob na sumuko sa Sandiganbayan noong September 3, 2013, si Tyrone at ang mga kapwa niya akusado, na kinabibilangan ni former PNP Chief Avelino Razon Jr. at ng mga dating PNP officials.

Hanggang ngayon, nakakulong si Tyrone at ang mga nasasakdal dahil non-bailable ang malversation charge.


CHARGES AGAINST CEDRIC ET AL. Kidnapping at physical injuries ang mga kaso na isinampa ni David noong December 2007 laban kina Cedric, Tyrone, at sa ibang business partners nila na nanakit sa kanya.

Sinampahan naman si David ng estafa case ng kanyang mga business partner dahil sa bintang na ginamit niya sa pagbili ng BMW X5 ang P850,000 mula sa pondo ng Beverly Hills 6750.

Naglabas ng warrant of arrest na may P120,000 bail para kay David ang korte ng Quezon City noong August 2008, dahil sa alleged misallocation of funds at estafa.

Sa kanyang counter-affidavit, pinabulaanan ni David ang akusasyon ng mga business partner niya.

Ipinaliwanag ni David na nagdemanda ng estafa ang kanyang mga business partner bilang ganti sa kidnapping at physical injury case na isinampa niya sa NBI noong December 2007.

Isa pang naging isyu noon ay ang pagsasabi ni David na may U.S. affiliate ang Beverly Hills 6750, pero nang imbestigahan ito ng PEP noong 2008 ay "no longer in operation" na ang clinic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


OFFICIAL STATEMENT. Muling naungkat ang seven-year-old dispute ni David at ng kanyang former business partners dahil sa pambubugbog kay Vhong sa Forbeswood Heights Condominium noong January 22, 2014.

Simula noong lumitaw ang pangalan ni Cedric, agad nakunekta ng publiko na siya rin yung nasangkot sa pambubugbog kay David.

Ito ang official statement ni David:

“I have heard of what happened to Vhong and Cedric and it greatly saddens me. It painfully brought back memories of our own tragic experience almost seven years ago.

“Like Vhong, I was wrongfully accused, held against my will, physically violated, terrorized and death-threatened.

“It was in 2007 when we decided to leave the country for fear of our lives and the lives of our children. It was as if the rug was pulled from under our feet in an instant.

“Today, the physical pain and emotional burden have since then healed, and by the grace of God, we have found peace away from them all.

“The one good thing that came out of that terrible chapter is us discovering the Lord and His awesome grace. We know now that God is the only power that can heal the deepest wounds.

“Happiness has found us again because we chose to forgive the way the Lord has also forgiven us. We have lifted everything up to the Lord for He is sovereign.

“What happened to Vhong is not the first time such a crime had been committed. It is clear that evil deeds are being exposed. I pray that this will be the last time that it will happen.

“We continue to pray that one day, the truth about the accusations publicly hurled against us will be known and we will finally get our justice.”

Kinontak na ng PEP ang kampo ni Cedric tungkol dito ngunit wala pa kaming nakukuhang kasagutan. Bukas ang website na ito sa magiging pahayag niya at ng mga taong sangkot sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN