Robi Domingo reveals what he knows about brewing Matteo Guidicelli-Sarah Geronimo romance

Robi Domingo on brewing Matteo Guidicelli-Sarah Geronimo romance: “Well, nasa kanilang dalawa yun, I think I’m not in the position to confirm that one, but all I can say is that they’re really happy and they respect each other so much."


Nakaramdam daw ng pressure at kumpetisyon si Robi Domingo nang malaman niyang si Matteo Guidicelli ang magiging isa sa co-hosts at madalas na makakasama niya bilang kapwa Challenge Master sa Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.

Inamin niya ito sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 28, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, kung saan nag-presscon ang upcoming show ng ABS-CBN.

“Walang competition within the show but prior to the show, mayroon.

“Nung sinabi sa akin na, ’O, Robi ang makakasama mo diyan si Matteo,’ siyempre na-intimidate ako.

“’Di ko na kayo bobolahin, ’di ko kayo lolokohin, Matteo Guidicelli ‘yan, with the cuts, with the abs. Na-pressure ako...talagang double effort.

“Like with all my partnerships with yung lahat ng pinagdaanan ko, like with Alex Gonzaga, John Prats, with Bianca [Gonzalez], ’di ko akalain na magki-click kami ni Matteo when it comes to hosting.

“Kasi akala ko dati, seryoso yung taong ‘yan. Alam mo naman, nag-race siya, nagku-compete ng mga triathlon, very focused lang pero off-cam, kuwela ang batang ‘yan,” pagpuri ni Robi sa kanyang co-host.

PRIVY TO MATTEO-SARAH ROMANCE? Dahil naging malapit na magkaibigan ang dalawa nang magkasama sa Biggest Loser, agad naming tinanong kung nag-open up ba si Matteo sa kanya tungkol sa nababalitang girlfriend niya ngayon na si Sarah Geronimo.

“’Di naman everything, he gives me advice. Siya yung maraming experience e, tips lang sa panligaw. I am not sure with that.

“Masaya siya pero ’di niya kinu-confirm kung kanino pero alam ko naman na si Coach [Sarah].

“Nag-host ako ng The Voice of the Philippines. Si Coach Sarah, nakikita ko, masaya when we’re doing the episode of this show. Sabay ng The Voice ito, nakikita ko kung gaano sila kasaya.

“Si Coach Sarah ganun, ’di ba? Drained na drained with the blind audition pero habang tumatagal, nakikita ko yung glow sa kanya hanggang sa live show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos nalaman ko na lang na may balita na sila, ‘Oy Matty, parang iba ang liksi mo ah.’ I can say na iba talaga si Matteo ngayon,” masaya niyang kuwento.

Sa kabila ng mga consistent na balita na mag-boyfriend na ngayon sina Matteo at Sarah ay hindi pa rin sila umaamin.

Ayaw namang kumpirmahin ni Robi ang totoong estado, pero nakikita naman daw niya kung gaano kasaya ang dalawa.

“Well, nasa kanilang dalawa yun, I think I’m not in the position to confirm that one, but all I can say is that they’re really happy, and they respect each other so much.

“Si Matteo kasi, sobra niyang nirerespeto yung family ni Sarah, and si Sarah naman, nirerespeto yung family ni Matteo.

“Although one time lang naman ito, I was out of ABS-CBN ’tapos nagtanong lang si Matteo, ’Bro, saan ba puwedeng bumili ng malaking rose?’

“’Di ko na inalam kung sino pero siyempre ’di ko na alam kung para kanino. Matagal na yun.”

OVERWEIGHT HANG-UPS. Bilang isa Challenge Master sa Biggest Loser Pinoy Edition Doubles na mapapanood na sa February 3, malapit sa puso ni Robi ang nasabing show dahil dinaanan rin pala niya ang pagiging overweight.

“Tulad ng sinabi ni Ate Iza [Calzado], it’s not that we have a show, it’s my story as well and I want to be part of the show kung saan ishu-show ang story ko.

“Oo, no doubt about it, mataba talaga ako dati. Siguro I’m standing 5’3", 5’4", 180 lbs.

“Pumayat ako dahil sa soiree, galing kami sa all boys’ school ’tapos gusto mo naman na makilala ka ng ibang gender ’tapos siyempre, “Uy, si girlalu gusto kong makilala, gusto kong makuha number niya.

“Kunwari gusto kong i-YM [Yahoo Messenger], walang kumukuha ng YM ko, ng number ko kasi ang taba ko nun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkuwento ito tungkol sa mga disadvantages na naranasan niya.

“...inaasar pa ako ng mga kaklase ko nun na lumilindol na pag naglalakad ako, walking sinigang daw ako.

“Hindi ako nakakapasok ng simbahan, hindi dahil ayokong magsimba pero dahil ayokong lumuhod, masakit sa tuhod.

“Dahil lang talaga sa mga soiree, gusto kong makakilala ng mga babae, gusto kong makuha ang number ko.

“Yun siyempre ang una, bata pa ako nun, until na lang nalaman ko na ang puso ko, iba ang pagtibok niya."

Sa kanyang pagpapatuloy, tungkol naman sa advantages ng pagiging healthy ang binanggit niya.

“Nung nagpapayat na ako, more than the physical body, masarap palang magpapayat kasi yung well-being mo, yung emotional baggage mo nawawala

“Yung confidence mo nandun na and you feel you’re on top of the world. Ngayong moment na ito, ang mundo hawak-hawak ko na ngayon."

RELATIONSHIP WITH GRETCHEN HO. Bukas na aklat na masaya si Robi sa relasyon nila ni Gretchen Ho, isang volleyball varsity player ng Ateneo de Manila.

Kahit pa nalilinya sila pareho sa hosting, kung saan isang sports analyst ang girlfriend, hangga’t maaari, ayaw niya pala nilang magkasama sila sa isang trabaho.

Aniya, “We’re really happy together. Siguro ngayon, mas natutuwa siya sa akin, mas natutuwa ako kasi she’s part of ABS Sports production.

“Marami na siyang gigs, yung credibility niya as sportscaster, as sports analyst sa volleyball. Natutuwa kami for each other, I think 2014 will be a good year for me.

“It depends on the management pero kasi ako, kaming dalawa nag-decide kami na when it come to shows, especially in ABS, as much as possible, ayaw naming magkatrabaho.

“We want to separate our personal life from our work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN