Hiro Peralta dreams of being paired with Carla Abellana; renews contract with GMA Network

Hiro Peralta on wanting to work with Carla Abellana: “Lastly, dream ko na makatrabaho si Carla Abellana. Ang ganda-ganda kasi siya, bukod sa magaling umarte. Everytime na nakikita ko siya para siyang anghel na hulog ng langit. Pag ngumiti siya nakaka-starstruck kasi ang ganda ng mukha niya.”


Pumirma ng panibagong three-year contract sa GMA Network ang tween star na si Hiro Peralta, ang pamangkin ng yumaong rapper na si Francis Magalona.

Ayon kay Hiro nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing na naganap sa 16th floor boardroom ng GMA Network noong January 22, “Pinag-isipan muna namin ng manager ko bago ako mag-sign ng another three years sa GMA-7, kung anong susunod na move after mag-expire yung kontrata ko sa GMA.

“Ilang meeting din yung nangyari, kung anong magiging plano sa akin ng GMA. ’Tapos nung okey na ang lahat at diniscuss sa akin ng manager ko yung mga plans, right away sinabi ko sa kanya na mas gusto ko pa ring maging Kapuso.

“Naisip ko kasi na nung nagsisimula ako, ang GMA ang nagtiwala sa akin, sila yung kumuha sa akin at pinapirma kaagad nila ako ng three-year network contract.

“Dito kasi ako nagsimula, kaya dito na rin ako nag-grow bilang artista.

“Alam ko namang aalagaan ako ng GMA at hindi nila ako papabayaan, alam kong bibigyan nila ako ng show na nababagay sa akin."



PLANS. Tinanong ng PEP si Hiro kung may nakalatag na bang mga plano para sa kanya ang Kapuso network.

“Before ako nag-sign, napag-usapan na may mga shows akong gagawin. Then ita-try daw nila akong mag-host sa mga regional shows, kasi nakikita naman nila akong naghu-host sa Walang Tulugan with the Master Showman.

“Hopefully, sana makapasok din ako sa SAS [Sunday All Stars], kasi dream ko rin na mapasama sa isang Sunday variety show para ma-cater ko yung talent ko sa singing at hosting.

“May soap din akong gagawin within the year, kaya ngayon pa lang excited na ako."



CRUSHES AND POTENTIAL LOVETEAM PARTNERS. Kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataong pumili ng makaka-partner na babae sa soap, sino ang pipiliin ni Hiro at bakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Kahit sino sigurong ibigay nila, okey lang sa akin. Hindi naman ako choosy. Para sa akin kasi gusto ko lang na may trabaho.

“’Tsaka hindi kasi maganda yung namimili ka ng makakatrabaho, mas magandang open ka kahit kanino, kahit sinong ibigay sa ’yo para makasama mo sa trabaho.

“Pero ilan sa mga Kapuso Stars na babae na gusto kong makatrabaho talaga, siyempre unang-una sa list si Kim Rodriguez.

“Si Kim kasi ang original na ka-loveteam ko noong magsimula ako sa showbiz.

“Siya kasi yung ka-loveteam ko sa Tweenhearts, kaya gusto ko makatrabaho ko siya ulit.

“Yun nga lang naunahan na ako ni Kristoffer [Martin]. Ha-ha-ha! Pero okey lang, kapatid ko naman si Kristoffer kasi pareho kami ng manager.

“Hopefully sa next project ni Kim, ako naman ang leading man niya.

“Gusto ko rin si Barbie Forteza, kasi isa si Barbie sa naging close ko among the girls ng Tweenhearts, magaling din siyang umarte.

“Lastly, dream ko na makatrabaho si Carla Abellana, ang ganda-ganda kasi niya, bukod sa magaling umarte.

“Everytime na nakikita ko siya para siyang anghel na hulog ng langit. Pag ngumiti siya nakaka-starstruck kasi ang ganda ng mukha niya.

“Si Carla din ang isa sa crush ko sa showbiz, kaya sana makatrabaho ko rin siya.”



OTHER ACTIVITIES. Mayroon pa bang pinagkakaabalahan si Hiro bukod sa kanyang showbiz career?

“Bukod sa regular pa rin akong napapanood bilang teen co-host ng Walang Tulugan, continue pa rin yung acting workshops ko. Everyday gym para gumanda ang katawan, ’tapos nagbu-voice at dance lessons din ako.

“May mga shows din ako sa labas [out-of-town at mall shows] at guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7 hangga’t wala pa akong regular show.”

Nakakatuwa na sa tinagal niya sa showbiz, hindi nakakalimot tumanaw ng utang na loob at magpaabot ng pasasalamat si Hiro sa kanyang mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you sa suporta niyo sa akin, Kapuso pa rin tayo, sana maging tuluy-tuloy pa rin ang suporta niyo sa akin,” mapagkumbaba niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN