Jodi Sta. Maria pursues pre-med studies despite hectic showbiz schedule

Jodi Sta. Maria on her lifelong dream to be a doctor: “Bata pa lang ako, yun na ang dream ko. Marami akong gustong matulungan. Gusto kong magtayo ng sarili kong clinic. Nasabi ko nga noon pa na kung hindi tayo naging artista, siguro sa edad ko ngayon ay doktor na ako.”


Kahit sobrang successful na ng showbiz career ng Kapamilya leading lady na si Jodi Sta. Maria, hindi pa rin niya binabalewala ang kanyang pangarap na maging isang doktor.

Sa gitna ng hectic schedule niya sa taping ng top-rating morning teleserye na Be Careful With My Heart, pag-aasikaso sa kanyang dalawang negosyo (Rue Bourbon Bar & Restaurant at Happy Barn Milkshake Factory) at pagiging full-time mom sa kanyang anak na si Thirdy, nagagawa pa rin ni Jodi na maglaan ng oras para pagbutihin ang kanyang pag-aaral bilang isang pre-med student.

Kaya naman marami ang bilib sa aktres dahil napagsasabay-sabay niya ang lahat na wala siyang isinasakripisyong anuman sa mga ito.

“Time management lang naman ang kailangan. If you know how to fix your schedules na walang masasagasaan, mas maganda iyon, kasi lahat magagawa mo.

“In my case, nagugulat nga sila na kung hindi ako nagti-taping, nandun ako sa mga negosyo namin.

“’Tapos may time pa ako to attend my classes and may quality time pa ako with Thirdy.

“Minsan sabay pa kami ng anak ko kapag ginagawa niya ang homework niya at meron din akong mga niri-research for my subjects.

“Tinanong nga ako kung hindi ba ako napapagod. Siyempre napapagod din ako. Tao lang naman tayo na nakakaramdam ng stress.

“Hindi naman tayo si Supergirl para hindi mapagod.

“Pero kung mahal mo naman at gustung-gusto mo ang mga ginagawa mo, nawawala agad yung pagod.

“Napapalitan ng saya kasi alam mong naging productive ka sa mga araw na napagod ka,” pahayag pa ni Jodi nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch niya bilang celebrity endorser ng Alagang Flawless sa Cities Events Place sa Quezon City nung January 28, Martes.



PURSUING HER LIFELONG DREAM. May goal si Jodi na tapusin ang kanyang pag-aaral dahil bata pa lang siya ay pangarap na raw niyang maging isang doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit nga alam niyang matagal pa bago siya matapos, ipagpapatuloy pa rin niya ang kursong ito hanggang sa maka-graduate siya at maging isang lisensyadong doktor.

“Bata pa lang ako, yun na ang dream ko. Marami akong gustong matulungan. Gusto kong magtayo ng sarili kong clinic.

“Nasabi ko nga noon pa na kung hindi tayo naging artista, siguro sa edad ko ngayon ay doktor na ako.

“Nagkataon lang na nabigyan tayo ng pagkakataon ni Lord na maging isang artista para maghatid tayo ng saya sa mga manonood natin. Pero alam din ni Lord ang pangarap ko noon pa at iyon ay ang maging isang doktor,” kuwento niya.



SETTING A GOOD EXAMPLE. Gusto ngang mag-set ni Jodi ng magandang halimbawa para sa kanyang anak tungkol sa pagpapahalaga sa pag-aaral, na kahit kanino ay hindi hadlang ang edad para tuparin ang pangarap na makatapos ng pag-aaral.

“I always remind Thirdy yung value ng education, na kahit anong age ka pa, may pagkakataon ka pang makatapos ng pag-aaral basta nasa puso mo ito.

“It’s never too late for anyone to get the proper education. Kailangan pinagdarasal din natin ito para kahit paunti-unti ay natutupad natin,” ngiti pa niya.



IN-DEMAND ENDORSER. Dahil sa ipinapakitang positibo at magandang disposisyon na ito buhay ni Jodi, hindi kataka-takang kunin siya bilang endorser ng iba’t ibang produkto ngayon.

Sunud-sunod nga ang mga ini-endorse ni Jodi ngayon kaya naman nagpapasalamat ito sa blessings na dumating sa buhay at career niya sa taong ito.

“Nakakatuwa nga dahil dumarating na lang bigla ang blessings. Kaya panay ang pasasalamat natin kay Lord.

“Kaya naman sa bawat blessing na ipagkaloob sa atin, I make sure na may kasamang alaga ang lahat, para mapagkatiwalaan ulit tayo,” diin pa niya.



SKIN AND BEAUTY REGIMEN. Ang pinaka-latest na endorsement ni Jodi ay ang bagong campaign na Alagang Flawless ng face and body center na Flawless.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First time daw na mag-endorse si Jodi ng ganitong klaseng campaign at malaking tulong din ito sa kanya dahil mas maaalagaan pa ang kanyang katawan na pagod sa sunud-sunod na trabaho.

“Maalaga naman tayo sa katawan natin kahit na puyat tayo sa magkakasunod na tapings. Pero mas maaalagaan pa, dahil nandiyan na ang Alagang Flawless.

“Importante din ang maintenance dahil minsan sa sobrang pagod natin ay meron tayong hindi na nagagawang pag-alaga sa katawan natin.

“Nandiyan ang Alagang Flawless para makita nila kung ano ang dapat mabigyan ng pansin at mas papagandahin pa nila ito,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN