Kim Rodriguez on allegedly being wooed by Kiko Estrada: “Nag-usap naman po kami at sinabi ko na wala na munang ligawan.”

Kim Rodriguez insists on prioritizing her career and maintaining her friendship with Kiko Estrada for the meantime: “Friends muna kami kasi yung career namin ang importante. Mas maganda kung ang mga trabaho muna namin ang maging concentration namin.”


Noong nakaraang taon ay na-link ang Kapuso young actress na si Kim Rodriguez sa anak ni Gary Estrada na si Kiko Estrada.

Nabalita pa ngang nanligaw si Kiko at madalas nitong bisitahin si Kim sa set ng teleseryeng pinagbidahan nito na Kakambal Ni Eliana.

Nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim ang panliligaw ni Kiko, sinabi nito na napagkasunduan nila na maging magkaibigan na lang muna.

Gusto raw ni Kim na mag-focus muna silang dalawa ni Kiko sa kanilang mga careers at huwag munang isipin ang pagkakaroon ng relasyon.

“Noong panahon pa naman ng Tween Hearts pa kami naging magkaibigan po ni Kiko. Naging barkada po kami talaga.

“Nag-usap naman po kami at sinabi ko na wala na munang ligawan. Friends muna kami kasi yung career namin ang importante.

“Bini-build up po kasi siya sa kabilang network, ako naman ay pinagkakatiwalaan ng GMA-7 sa bagong teleserye.

"Mas maganda kung ang mga trabaho muna namin ang maging concentration namin,” kuwento ni Kim nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Paraiso Ko’y Ikaw sa GMA Network Center nung January 21.

Simula nga raw nang nagsimulang mag-taping si Kim para sa Paraiso Ko’y Ikaw, nabawasan na ang pagkikita nila ni Kiko.

“Matagal na rin po kaming hindi nagkikita. Ang alam ko ay busy rin si Kiko sa kabila.

“Pero madalas kaming mag-text sa isa’t isa, Kumusta lang po. Kulitan,” ngiti pa ni Kim.



BACK TO SCHOOL. Nangako si Kim na hindi muna siya magbu-boyfriend dahil gusto niyang gumanda pa ang takbo ng kanyang career.

Gusto niyang makaipon para sa kanyang pag-aaral at makabili siya ng sariling bahay.

“Dapat po after ng Kakambal Ni Eliana, mag-e-enrol muna ako sa school. Na-miss ko po ang mag-aral kasi.

“Pero sinabihan na ako tungkol dito sa Paraiso Ko’y Ikaw. Kaya hindi ko muna po tinuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero gusto ko pong ituloy ang pag-aaral ko. Kahit na mga short courses lang basta makabalik lang ako sa school.

“Promise ko kasi sa mommy ko na kahit na artista na ako ay itutuloy ko po ang pag-aaral ko,” diin niya.



INVESTMENTS. Sa ngayon ay puro pag-iipon muna ang ginagawa ni Kim. Kumuha siya ng isang rent-to-own condo unit sa Quezon City, na malapit sa GMA Network Center.

Mas pinili ni Kim ang condo kesa sa isang brand new car.

“Hindi ko po muna tinuloy ang pagbili sa bagong sasakyan dahil mas importante yung may matirhan ako na malapit sa trabaho ko.

“Okey po ang rent-to-own na condo unit para after ilang years, sa akin na yung unit.

“Okey na po ako sa second hand na sasakyan. Ayoko pong masyadong mag-invest sa mamahaling sasakyan kasi may nagsabi po sa akin na hindi raw siya magandang investment.

“Okey ang condo unit or kukuha ako ng bahay at lupa dahil tumataas ang value ng mga iyon. Ang sasakyan daw kasi hindi siya tulad ng lupa na tumataas ang value.

“Ngayon po ay okey naman ang nakuha kong second hand na sasakyan. Alaga lang po ang kailangan,” kuwento ng dalaga.



BONDING WITH ESTRANGED DAD. Tungkol naman sa estranged father niya, madalas na raw silang magkita at binibisita rin niya ito dahil sa may San Mateo, Rizal, din daw ito nakatira.

Kung matatandaan ay hindi nakilala ni Kim ang kanyang tunay na ama at nagpakilala lang ito sa kanya noong maging bida na siya sa teleserye ng GMA-7.

“Nakapag-bonding na kami nang ilang beses at mas nakilala ko na siya at ang mga kapatid ko.

“Nagpapasalamat ako sa GMA-7, dahil kung hindi nila ako binigyan ng big break via Kakambal Ni Eliana, hindi ko makikilala ang tunay kong ama.

"Isang malaking blessing iyon sa akin noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey na kami at pati sila ng mommy ko ay maayos na rin. Ilang beses na rin sila nagkausap.

“Kahit na may kanya-kanya na silang mga buhay, parang nabuo na rin ang pamilya ko dahil okey na silang dalawa at magkaibigan na ulit sila,” pasasalamat ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN