Piolo Pascual explains why he didn’t court Toni Gonzaga when they first worked together 13 years ago

Piolo Pascual explains why he decided not to pursue Toni Gonzaga when they first worked together seven years ago: “No, I guess, it’s a simple as giving her the chance to shine on her own. Mahirap kasi kung may boyfriend/girlfriend ka, mahirap to do a lot of things, to juggle things all at the same time. So, kailangan mong bigyan ng chance ang isang tao especially, she was starting out then, na bigyan mo siya—to prioritize, manage her time.”


Labintatlong taon na ang nakalilipas mula noong una’t huling pagsasama nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga sa isang proyekto.

Ito ay sa pamamagitan ng isang softdrink commercial na hanggang ngayon, siguradong natatandaan pa ng TV viewers dahil nagmarka na ang linya ni Toni kay Piolo na, “I love you, Piolo!”

Pero simula noon, kahit ilang taon na si Toni bilang Kapamilya at naipareha na sa iba’t ibang Kapamilya actors, umabot pa ng labintatlong taon bago niya muling makasama sa isang proyekto si Piolo.

At ito ay sa pamamagitan ng Starting Over Again na idinirehe ni Olivia Lamasan para sa Star Cinema at mapapanood na sa February 12.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Piolo kagabi, February 1, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN, ang unang itinanong sa aktor ay kung bakit inabot pa ng labintatlong taon bago sila muling magkasama ni Toni.

Sagot ni Piolo, “Material, schedule…

“She’s doing something, I was doing something. So, we’re always in the middle of something kaya hindi sumakto.

"Kaya yung sabi ko kanina, sabi ko, blessing. Sobrang blessing yung nangyari.

“Yung maturity niya at pagkatapos, yung pinagdaanan ko, sobra-sobrang swak na swak.”

SURPRISED BY TONI’S MATURITY. Ano ang nakikita niyang pagbabago kay Toni ngayong magkasama na uli sila matapos ang labintatlong taon?

“I was actually impressed and feeling a little confused,” saad ni Piolo.

“Ang tingin ko pa rin sa kanya, bata. Hindi ko alam na actress na pala siya. Hindi ko alam na ang laki na ng maturity niya pala.

"Ang laki ng growth niya not just as a person, but as an actress. Kaya na-shock ako.”



ADMIRATION FOR TONI. Sa press conference, noong may nagtanong kung dati raw ba, wala talagang na-develop sa kanilang dalawa, nagulat ang marami at tila maging si Toni nang sabihin ni Piolo na “nagparaya” siya noong panahon na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nang makausap ng PEP si Piolo, pinapaliwanag namin sa kanya kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang "nagparaya" siya.

“No, I guess, it’s as simple as giving her the chance to shine on her own.

"Mahirap kasi kung may boyfriend/girlfriend ka, mahirap to do a lot of things, to juggle things all at the same time.

“So, kailangan mong bigyan ng chance ang isang tao, especially, she was starting out then, na bigyan mo siya—to prioritize, manage her time.”

Sinasabi niya bang noong panahon na nagkasama sila sa TV commercial, nagkaroon siya ng attraction kay Toni?

Nangiti si Piolo sabay sabing, “I guess, yun ang danger ng pagiging artista.

"When you take on a character and, especially when you do heavy scenes, when you do dramatic scene, you have to be in love, you have to do something.

“It’s not something you can cheat.

“It’s not something na puwede mong dayain or brush off.”

Kailan siya nagkaroon ng ganoong pakiramdam kay Toni, noong ginawa nila ang commercial o noong nakikita na niya ito sa bakuran ng ABS-CBN?

Sagot ni Piolo, “I’ve always been an admirer of Tin [palayaw talaga ni Toni, hango sa tunay niyang pangalan na Celestine].

“That’s why I tried to pursue because I saw yung drive niya. Nakita ko yung heart niya and again, na-revalidate yun noong nakita ko ulit siya rito sa film.

“Sumobrang mas naging mataas pa ang respeto ko sa kanya when I got the chance to work with her again in this film.”



NO REGRETS. Sa isang banda, wala bang pagsisisi si Piolo sa sinasabi niyang nagparaya nga siya?

“Well, ito yung mga sinasabi natin na hindi pinagdu-dwell-an. Just because you have a film, you’re gonna talk about it.

"But I believe that everything happens for a reason and you don’t waste the years. Seven years for a boyfriend na alam ko namang seryoso sila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I guess, you just brush it off, and you know, he’s a brother."

Ang boyfriend ni Toni na si Direk Paul Soriano ang tinutukoy ni Piolo na isa ring Born Again Christian, katulad niya.

Puwede sigurong sabihin na kakaiba si Toni sa ibang mga nagiging leading ladies niya. Hindi sanay o hindi kumportable si Toni sa mga kissing scenes.

Aminado nga itong napapaiyak kapag alam na ganoong eksena na ang kukuhanan.

Paano naman niya sinuportahan o inalalayan si Toni sa mga kissing scene nila sa pelikula?

“I had to lead her, I had to be more active. Kasi nga, wala naman siyang alam sa mga ganoong eksena.

"You know, with the guidance of our director, Inang [Olivia Lamasan], we were able to at least make her sensual.”

Alam naman daw ni Piolo na unang beses ginawa ni Toni ang mga ginawa nito sa pelikula nila.

“Yes, that’s why I was really careful,” saad niya.



INSPIRED TO DO ROM-COM AGAIN. Ang huling pelikula niya ay OTJ na ibang-iba ang tema.

Hindi ba siya nanibago sa Starting Over Again?

“That’s why I said, I had to thank Inang for this because I never thought I’ll be able to do a rom-com again.

“You know, parang ako, sobrang jaded na ako sa rom-com.

"Pero noong binasa ko ang script na ito, I fell in love instantly.

“Hindi siya superficial. Very real. I guess, that’s what attracted me to it. Yung puwede palang gawin ito sa pelikula.

"You think it’s just a typical love story, but it’s not.

“So, nabuhay muli ang pag-asa ko na puwede pala tayong mag-tackle ng love story na meron tayong matututunan.

“Not just because it’s a Star Cinema film, but sobrang laki ng respeto ko sa script na ginawa nila at kay Inang din, sobra ’kong thankful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Anuman ang maging outcome ng pelikula, it was an experience I will never, ever forget in a fun way.”

Sinasabi ni Toni na sa mga naging leading men niya, si Piolo yung inilagay ni Toni sa “pedestal.”

Ano ang reaksiyon ni Piolo ro’n?

Natawa si Piolo at sinabing, “Salamat naman pero hindi naman kailangan.

"I guess, one reason din yun that’s why hindi nag-materialize yung sa amin, because we were, you know, we have different perceptions of each other. So yun.”

Bago raw sila nagsimulang mag-shooting, may pinagawang exercise sa kanila ni Toni si Direk Olive, kunsaan sumulat sila ng kanya-kanyang liham base sa kung ano ang mga karakter nila.

“Sinulat namin yung mga character namin at yun ang naging guideline for each character, for the journey, back story.

"And when she was doing the sequence for the confrontation, the break-up letter and the confrontation, she made me write it.

“So, I made three pages, yung letter ko sa kanya and it was a very thrilling exercise kasi, ang ganda ng lesson, ang ganda ng exercise na pinagawa sa amin. Parang hindi ka lang pupunta ro’n bilang artista, may collaboration.”

ON SHAINA MAGDAYAO. Kung ang leading lady niya na si Toni ay masaya sa lovelife nito, kumusta naman ang lovelife ni Piolo?

Matagal na rin silang nali-link ni Shaina Magdayao.

“Hindi ko rin alam kung paano sagutin ‘yan, e,” natawa niyang sagot.

“I guess, bottomline, priorities. And I’ve always been vocal din naman that I wanna be able to spend time with her and I wanna be able to do other things.

“You know, whatever you see, these are things that are borne out of...

"I guess I wanted to have a companion, I wanted to be with someone na yun, you go from there.

“You just don’t know where it’s gonna lead, where it will eventually go.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman siya naiinip?

“Inip na inip na ’ko, sobrang inip na inip na ’ko,” nakangiting pag-amin ni Piolo.

“Yun nga sinasabi ko, I have to thank Star Cinema for making me relive the passion to act again, to be more, you know, I guess thankful, and have the patience to do this. Because, parang okey na ’ko, quota na ko, ‘di ba?

“I wanna be able to do other things. Pero, nandito pa rin tayo, so I want to take things one day at a time. But I’m thankful.”

STATUS OF RELATIONSHIP WITH SHAINA. Pero ano na nga ba ang totoong estado sa pagitan nila ni Shaina?

“Yun nga, e I was pertaining to that. Pareho rin naman kaming hindi nagsasalita.

“I think at this point in our life, we wanna be able to have that respect. Pareho naman kaming yung former namin, parehong exposed. Parehong alam ng lahat.

“So, parang this time, kung saan man magli-lead yun, we don’t wanna pre-empt or ayaw namin na...

“Pareho naman kaming artista, pareho kaming walang choice.

"But there are things na mas minamabuti namin na hindi na lang pag-usapan, hindi na lang pagkuwentuhan, hindi na lang ilabas.

“We all deserve that, you know.”

Masasabing wala pang “label” kung anuman ang meron sila?

“That’s one thing I wanna say. Sa amin na muna siguro yun.”

WORKING ON VALENTINE’S DAY. Malabo naman daw na sila ni Shaina ang maging magkasama ngayong Valentine’s Day dahil nasa ibang bansa raw siya.

Aniya, “I’m leaving for the States this Valentine’s. Sadly, may premiere kami.”

Ngayong Valentine’s Day, si Toni pala ang kasama niya?

“Si Tin ang kasama ko, because of work,” pahabol pa ni Piolo.

Pero, iimbitahan ba niya si Shaina sa premiere night?

“Why not, why not?” sabi naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman si Piolo na si Shaina ang pinakamalapit na babae sa buhay niya ngayon.

Ano ang espesyal kay Shaina?

“Her heart,” mabilis na sagot niya.

“We clicked, e. Sobra kaming okey, e. Sobra kaming parang ang saya lang. Masaya lang. I guess, that’s what we have right now.

“Sobra kaming nag-e-enjoy sa isa’t isa and we’ve been friends for so many years now.

“At yun nga, if there’s girl na pinaka-close ako, wala namang iba kung hindi siya.”

Pagkatapos daw nilang gawin ang pelikulang OTJ ni Shaina, masasabi ni Piolo na mas gumaganda nga ang relasyon nila.

“Mas nagkakaroon kami ng chance to go out.

"Lately, you know, we were in Dubai for ASAP. I know her friends, she knows my friends.”

Gusto ba niyang makasama si Shaina muli sa isang proyekto?

“Baka, baka may gawin kami ulit together. Baka soap, but it’s not sure yet. At saka si Shai naman is very professional. Bata pa siya, ‘di ba?

“So, marami pang puwedeng mangyari sa buhay niya as an actress but we’re open for anything, I guess,” paliwanag pa ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN