Jodi Sta. Maria misses doing indie films

Jodi Sta. Maria admits missing indie film work: “Nami-miss ko rin po talagang gumawa ng pelikula lalo na po yung mga independent films. Kaso po sa panahon ngayon, medyo sobrang tight po ng schedule namin sa Be Careful With My Heart, medyo hindi pa po talaga kami makaka-accommodate ng ibang proyekto po.”


Maganda at masaya ang naging takbo ng career ni Jodi Sta. Maria noong 2013 dahil sa natamo niyang panibagong kasikatan hatid ng well-loved character niyang si Maya sa toprating daytime teleserye ng ABS-CBN, ang Be Careful With My Heart.

Ilang beses nang na-extend ang Be Careful With My Heart. Kaya natanong ang Kapamilya actress kung hanggang kailan ba ito tatagal sa ere.

Nakausap ng entertainment press si Jodi sa launching niya bilang Flawless endorser noong Enero 28 sa Cities Events Place, sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

Ayon kay Jodi, “As of now, hindi ko rin talaga po alam kung hanggang kailan po ang itatagal pa ng Be Careful With My Heart.

"Siguro po ang management [ng ABS-CBN] talaga ang makakapagsabi nun.”

Pero sa tinatamasa niyang kasikatan ngayon, naisip niya ba noon na darating pa ito?

Sagot niya, “Actually, hindi ko na talaga siya naisip kasi parang okay na ako doing character roles.

"Just as long as I get to do what I want to do and what I love to do, I’m okay with that, e.

“So, everything that’s been happening to me now… blessing talaga ito from the Lord.

"Siguro yung pagiging patient ko lang din, nag-pay off.”

MISSES DOING MOVIES. Dahil na rin sa hectic schedule ng taping niya para sa Be Careful With My Heart ay hindi rin makagawa ngayon ng pelikula si Jodi.

Isa nga raw ito sa mga nami-miss niyang gawin, lalo na ang mga indie movies.

Sa indie na Sisa, nanalo si Jodi ng una niyang acting award, at pinagbidahan niya ang critically-acclaimed na Aparisyon.

Sabi niya, “Kaso po sa panahon ngayon, medyo sobrang tight po ng schedule namin sa Be Careful With My Heart.

"Medyo hindi pa po talaga kami makaka-accommodate ng ibang proyekto.

“Pero once na lumuwag-luwag po yung schedule ko, yun po talaga yung isa ko pong balak talaga na balikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung gumawa ng independent films,” pag-amin ni Jodi.

STILL AIMING TO BE A DOCTOR. Isa rin sa naantala dahil sa kanyang busy schedule ay ang pagbabalik niya sa pag-aaral ng kolehiyo.

Pero pipilitin pa rin daw ni Jodi na makatapos at hindi raw niya igini-give up ang plano niyang maging doktor.

Patuloy pa niya, “Oo, ever since, sabi ko nga, kung hindi ako artista malamang nasa medicine ako ngayon.”

Dahil nasa first year pa lang siya sa kolehiyo nang tumigil siya pansamantala, matagal-tagal pa pala ang bubunuin niya bago makatapos si Jodi ng medicine.

“Oo, kasi grumaduate ako ng high school 28 years old na ako.

"Talagang pinilit ko na tapusin for me to be able to go to college.

"Kasi importante pa rin talaga sa akin ang education,” saad niya.

Nakikita niya ba yung possibility na igi-give up niya pansamantala yung career over her studies?

“To tell you honestly, pag dumating yung panahon na kahit hindi na ako magtrabaho, puwede nating gawin yun, e.

“But right now, showbiz ang aking bread and butter.

"And siyempre may anak din ako, ’di ba?”

WANTS TO SPECIALIZE IN ONCOLOGY. Anong kurso ba ang kinukuha niya ngayon bilang pre-med?

“Ngayon, I’m taking up Medical Biology, ang pangalan ng course na inu-offer ng La Salle.

But if ever na grumaduate ako at makatapos ako, gusto kong specialization na kunin is Oncology.”

Ang oncology ay ang field ng medicine na tumututok sa cancer.

Bakit naman oncology ang napusuan niya?

“It’s because my mom is a cancer patient.

"I would want to help yung ibang mga tao in my own little way,” paliwanag ni Jodi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN