Jake Cuenca denies having past encounter with Cedric Lee: “Hindi ko siya kilala.”

Jake Cuenca on Cedric Lee: “Hindi ko siya kilala. As in, I’ve never even heard his name until lumabas nga yung isyu sa kanila ni Vhong.”


Halos buong linggong naging laman ng balita at mainit na usap-usapan ang pambubugbog sa dancer/comedian at It’s Showtime host na si Vhong Navarro.

Kasabay nito ang paglantad ng dalawa pang personalidad na sangkot sa isyu—sina Deniece Millinette Cornejo at Cedric Lee.

Si Deniece ay nagsabing pinagtangkaan daw siyang pagsamantalahan ni Vhong sa kanyang condo sa Forbeswood Heights sa Taguig, samantalang ang negosyanteng si Cedric naman ang itinuturong namuno sa pambubugbog kay Vhong, kasama ng kanyang grupo ng mga lalaki.



SHOWBIZ DENIZENS WHO HAVE ENCOUNTERED CEDRIC LEE. Dahil dito, iba’t ibang personalidad na rin sa showbiz ang nagsulputan na diumano’y may kaugnayan o nagkaroon ng kaugnayan kina Deniece at Cedric.

Bukod kina Vina Morales, Patricia Javier, at David Bunevacz, maging ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca ay lumabas din ang pangalan at inuugnay kay Cedric.

Diumano, tulad ni Vhong at ni David, minsan na rin daw nakaengkuwentro ni Jake ang Filipino-Chinese businessman na si Cedric.



JAKE HASN’T HEARD OF CEDRIC. Pero mabilis naman itong pinabulaanan ni Jake sa Buzz Ng Bayan kanina, Ferbruary 2, sa pamamagitan ng isang taped interview.

Ayon kay Jake, “Hindi ko siya kilala.

“As in, I’ve never even heard his name until lumabas nga yung isyu sa kanila ni Vhong.

“But they are [probably] mistaken over this issue na nabaril ang kotse ko a long time ago, which until this day, hindi ko alam kung sino rin ang gumawa niyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN