Beauty Gonzalez bounces back from "obstruction of justice" issue last year

Nalagpasan na raw ni Beauty Gonzalez ang kasong kinasangkutan nila ng kapatid niyang si Michael Ryan noong November 2013. At kung may isang bagay man na ipinagpapasalama niya dahil sa nangyari, ayon kay Beauty, “Dun ko na-test kung gaano ko kamahal ang pamilya ko, kung ano ang kaya kong gawin para sa kanila. Dun ko talaga na-realize na, ‘Hay, mahal ko talaga itong kapatid ko. Kaya ko siyang ipagtanggol.’ Kasi lahat naman ng nangyari nun, misunderstanding la


Ayon sa dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate na si Beauty Gonzalez, naayos na ang kinasangkutan nilang kaso ng kanyang kapatid na si Michael Ryan Gonzalez.

Matatandaang inaresto si Beauty dahil sa kasong obstruction of justice noong November 2013, pagkatapos niya diumanong tangkaing itakas si Michael Ryan mula sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP).

Inaresto si Michael Ryan sa Calapan City Port, sa Mindoro, dahil sa kasong human trafficking.

Read: Ex-PBB Teen housemate Beauty Gonzalez arrested for allegedly helping brother escape from CIDG detention

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Beauty sa presscon ng pelikulang Starting Over Again noong Sabado, February 1.

Pahayag niya tungkol sa kinasangkutang kaso, “It is merely misunderstanding lang.

“And siyempre, pamilya ko yun, hindi ko kayang iwanan ang kapatid ko kahit ano ang mangyari.

“We’re free, we’re okay, so he’s now back in his business—yung farm namin sa Tuguegarao.

“Back to normal, it was just purely pagsubok lang sa buhay.

“And just like the Frozen movie—kakapanood ko lang kasi kahapon—that true love is really within the family.”

Dagdag pa ni Beauty, “He’s really okay, we’re okay now.

“Hindi lang talaga nagkaintindihan with the government.

“Naayos naman din, napag-usapan naman, and natapos din nang maayos.”



FAMILY FIRST. Ayon kay Beauty, dahil sa nangyari ay napatunayan kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya at kapatid.

“Yeah, bagyo yun sa amin.

“Dun ko na-test kung gaano ko kamahal ang pamilya ko, kung ano ang kaya kong gawin para sa kanila.

“Dun ko talaga na-realize na, ‘Hay, mahal ko talaga itong kapatid ko. Kaya ko siyang ipagtanggol.’

“Kasi lahat naman ng nangyari nun, misunderstanding lang.”

Aminado ang dating PBB housemate na talagang naapektuhan ang kanyang pamilya dahil sa nangyari.

“Of course, we were really affected, kasi we were just purely farmers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gumagawa lang ng negosyo nang maayos, ‘tapos ayun, may mga misunderstanding lang talaga.

“Before pa ako pumasok ng showbiz, yun na ang negosyo namin.

“Simpleng magsasaka lang kami… simple lang.”



NOT HIDING. Nilinaw rin ni Beauty na hindi siya nagtago sa media o kahit na kanino nung kasagsagan ng kaso.

Pahayag niya, “I was busy working with this film [Starting Over Again].

“I’m just a very private person, I want to keep something to myself.

“Gusto ko itong trabaho na ito… it’s not my bread and butter na I want everybody to see who I am.

“You just see me on TV and judge me, that’s all.”

Sa presscon noong Sabado, marami ang nakapansin na bukod sa pagiging emosyunal ay hirap sumagot si Beauty sa mga tanong.

Paliwanag naman niya, “Emotional lang po ako, kasi it’s my first time to join a presscon.

“Nung ginagawa ko itong movie na ito, sobrang may pinagdadaanan ako sa pamilya ko.

“Nung pinapaiyak ako ni Inang [Olivia Lamasan, director of the film], sabi ko, ‘Teka, Inang. I need to be strong now.’

“Ang hirap kasing umiyak kasi kailangang matatag ka sa pamilya mo.

“There is something in her na nagawa niya, napaiyak ako, nagawa ko.

"And I’m so happy that she’s happy with what I did."

Masaya rin si Beauty na naging parte siya ng Starting Over Again, na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Saad niya, “At first, I was excited to be working again with Toni, kasi this is my second film with her.

“My first film was My Only U [2008] with Vhong Navarro.

“Na-excite ako, especially with Papa Piolo, siyempre crush ng bayan yun.”

Sabi naman niya tungkol sa kanilang direktor na si Olivia Lamasan, “Nung una, I didn’t know who is Inang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung na-meet ko na siya, sabi niya, ‘Olivia Lamasan.’

“Then, I realized, ‘Oh, my God, this is really a big movie! I really need to do it well.’

“Ayun, it was really fun.

“My expectation ay hindi pala ganun, iba pala ang nangyari.”



VHONG NAVARRO. Bilang nagkatrabaho rin sila ni Vhong Navarro noon, nalungkot daw si Beauty nang mabalitaan ang tungkol sa pagkakabugbog sa aktor.

Saad niya, “Siyempre nasaktan ako.

“Maayos tayong tao, ang hirap paglaruan ka nang ganun.

“I don’t wanna make more comment about it, kasi it’s a very sensitive issue, we don’t know what’s the real thing.

“I know Vhong’s gonna recover from it, hopefully.

“We’ll pray for him, kasi pag ganun, it takes years.”

Naihalintulad pa nga ni Beauty ang nangyari sa kanya noon sa pinagdadaanan ngayon ni Vhong.

“Ako nga, parang nag-post trauma ako for one week after what happened with my brother.

“It’s not that easy. Like, when you’re talking to me, I understand you, pero hirap akong i-absorb.

“Pero, I‘m okay now.

“I talked to my closest family friends, I talked to them.

“I just needed someone to talk kasi I’m living alone here in Manila.

“I can’t talk to my yaya naman.”



PLANS. Ano na ang mga plano niya ngayon?

Sagot ni Beauty, “I’m planning to have a business.

"And maybe politics, in Negros, kung ano ang puwede nilang ialok sa akin.

“Gusto ko munang magsimula sa ibaba, para matutunan ko rin.

“At the same time, mag-aaral din ako. Pangit naman na maging pulitiko ka at wala kang alam.

“It’s been my passion. Every time I go home, I talk to people.

“Actually someone invited me last election, hindi ko lang tinaggap.

“I was 21 years old, parang, ‘Ano ba ang alam nito?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag muna, baka maging tanga ako.”

Kapansin-pansin din ang laki ng ipinayat ni Beuaty.

Paghahanda raw ito para sa teleseryeng Moon Desire ng Kapamilya network.

Kasama raw niya rito sina JC de Vera, Meg Imperial, Ellen Adarna, at Dominic Roque.

“I’m not sure kung kailan ipapalabas, but I heard sa March, hopefully.

“Medyo sexy kaya nagpapayat na ako,” sabi ni Beauty.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN