(UPDATED) Regine Velasquez’s father, Mang Gerry, dies at 76

Nagpaalam na ang ama ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, si Gerardo "Mang Gerry" Velasquez, ngayong hapon, February 3. Pumanaw si Mang Gerry sa edad na 76.

Ang larawang ito ay kuha mula sa Silver concert ni Regine sa MOA Arena noong November 16, 2012.


Pumanaw na ang ama ni Regine Velasquez na si Gerardo "Mang Gerry" Velasquez kaninang 1:39 ng hapon, February 3, dahil sa heart failure.

Si Mang Gerry ay 76 years old.

Kinumpirma ang malungkot na balitang ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang malalapit sa Asia’s Songbird.

UPDATE: Ngayong hapon lang ay kinumpirma na rin mismo ni Regine ang balita sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Instagram account na @reginevalcasid.

Kalakip ang isang larawan na kuha noong araw ng kasal nila ni Ogie Alcasid noong 2010, kunsaan makikitang inaawitan ni Regine ang ama habang nagsasayaw sila, sinabi ng Songbird na:

"The leader of the band, Mang Gerry, joined his creator 1:39pm today. Thank you for praying for him during all these time that he has been fighting for his life. God bless you all."

Kuha ang naturang larawan sa kasal ni Regine at ng mister niyang si Ogie Alcasid noong December 22, 2010.

Screengrab from Instagram @reginevalcasid

Kaninang tanghali ay humarap pa sa media si Regine para sa presscon ng Valentine concert nila ni Martin Nievera, ang Voices of Love.

Nahuli ng dating si Regine dahil nagkaroon daw sila ng "emergency."

Nang tanungin kung ano ang "emergency" na ito, inamin ng singer na dinala sa ospital si Mang Gerry.

Ngunit sinabi rin ni Regine na naka-schedule naman talaga ngayong araw na magpa-check-up si Mang Gerry.

Diin pa niya, "He’s okay."’

Nang tanungin kung umaasa siyang makakapunta sa kanyang concert ang ama, sagot ni Regine, "We’re hoping for the best."

Nang matapos ang presscon ay namataan ng PEP si Regine na may kausap sa telepono, at agad na umalis ng Sir Boy’s Food Republique, sa may Panay Avenue, Quezon City.

Samantala, nalaman naman ng PEP mula sa malapit na kaibigan ni Ogie na si Rey Lañada, na kinansela ng singer-songwriter ang rehearsal niya ngayong araw para sa kanyang Valentine concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May scheduled taping din dapat si Ogie para sa show niya sa TV5 ngunit baka hindi na rin niya ito siputin.

Napag-alaman din namin mula kay Rey na sa Bulacan ibuburol ang mga labi ni Mang Gerry.

Nitong mga nakalipas na taon ay nagpabalik-balik na sa ospital si Mang Gerry dahil sa kanyang kalusugan.

May pagkakataon pa ngang humiling si Regine at ang asawa niyang si Ogie Alcasid ng dasal mula sa mga kaibigan at tagasuporta nila para sa paggaling ni Mang Gerry.

Read: Celebrities post get-well fan signs for Regine Velasquez’s dad on Instagram; Mang Gerry survives major operation

May panahong bumuti ang kalagayan ni Mang Gerry ngunit nanghina rin ito ulit.

Si Mang Gerry ang itinuturing na humubog kay Regine upang maging isa sa pinakamahusay na singer, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Naging permanenteng pigura rin si Mang Gerry sa halos lahat ng concerts at shows ni Regine.

Ngunit sa darating na Valentine concert ni Regine, kasama si Martin Nievera, ay wala na si Mang Gerry.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN