Regine Velasquez hoped for Mang Gerry’s recovery: "Talagang mahirap sa loob. Kaya kakapit ka na lang talaga sa Diyos."

In a presscon for her upcoming concert, Voices of Love, earlier today, February 3, Regine Velasquez (main photo) kept mum about the critical condition of her father, Gerardo Velasquez or simply Mang Gerry. Up to his remaining hours, the Asia’s Songbird remained optimistic that her dad will soon recover from his illness.

"Oo, we’re still praying. Kasi kahit nung mga nakaraang ilang araw, talagang medyo weak siya, e. Kasi


Kaninang umaga, February 3, pa lang ay kritikal na ang kundisyon ng ama ni Regine Velasquez na si Gerardo Velasquez—o mas kilala bilang “Mang Gerry” sa showbiz circles.

Sa kabila nito ay pinilit ni Regine na itago kung anuman ang saloobin niya nang humarap siya sa press conference para sa upcoming Valentine concert nila ni Martin Nievera, ang Voices of Love.

FAMILY EMERGENCY. Bagamat inamin ng singer-actress na may "emergency" siyang inasikaso kaya siya na-late sa presscon, hindi niya nabanggit na delikado ang kalagayan ng ama nang isugod ito sa ospital kaninang umaga.

“Family. Kay Papa. We needed to bring him to the hospital. But he’s okay.

“May check-up naman kasi siya today, kaya lang napaaga lang kami ng punta.

"E, I had to stay with my mom,” paliwanag ni Regine.

Ginanap ang presscon sa Sir Boy Food Republique sa Panay Avenue, Quezon City, kaninang tanghali, February 3—ilang oras bago binawian ng buhay si Mang Gerry.

Sa katunayan, base na rin sa tono ng pananalita ni Regine, umaasa siyang gagaling ang kanyang ama at makakapanood pa ito ng concert nila ni Martin sa Mall of Asia Arena sa February 14.

“We’re hoping that he’d be able to watch.

"Pero kung hindi, e, wala tayong magagawa.

“But he’s okay. Mahirap naman kung dalhin ko yung buong ospital dun.

“We’re still hoping that he’d be able to get strong enough to be able to watch my concert.”

Idinaan pa ni Regine sa biro ang tungkol sa pagiging “tamad” ni Mang Gerry na mag-ehersisyo nitong mga nakaraang araw.

Paglalarawan ng Songbird tungkol sa kalagayan ng kanyang ama: “Talagang medyo weak siya, e. Kasi nakahiga lang siya, e.

"He needs to be always moving.

“And since tamad siya, ayaw niyang masyado mag-move, lalo siyang nagiging weak.

"Yun ang ano namin sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KEEPING THE FAITH. Sa kabila ng paniniyak ni Regine na “okay” ang lagay ng kanyang ama, halatang balisa at matamlay ang singer-actress bago nagsimula ang presscon at noong matapos ito.

Kaya’t muling tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit biglang isinugod sa ospital si Mang Gerry kaninang umaga.

“He’s okay. He’s doing well,” pag-ulit ni Regine pagkatapos ng presscon proper.

“Actually, he’s there kasi pag check-up niya, kinu-confine din talaga siya.”

Ayon pa sa Asia’s Songbird, hangga’t maaari ay ayaw niyang magpakita ng lungkot at ipinapasa-Diyos na lamang niya ang lahat ng nangyayari sa kanyang buhay.

Sabi pa niya. “Siyempre tatay ko yun, e. Talagang mahirap sa loob.

"But you know, it’s really like that. Kaya kakapit ka na lang talaga kay God.

“I’m still praying [na bubuti ang lagay ni Papa]. We’re hoping for the best.”

Pasado alas-dos ng tanghali nang matapos ang interbyu ng PEP at iba pang entertainment reporters kay Regine.

Liban sa pagmamadali nitong umalis ng venue, nanatiling tikom ang bibig nito tungkol sa tunay na kundisyon ng ama.

Pumanaw si Mang Gerry kaninang 1:39 ng hapon.

Pilit na nagpakatatag ang Asia’s Songbird sa kabila ng pinagdadaanan niya at ng kanyang pamilya.

Sa huli, ipinaabot ni Regine sa kanyang mga tagasuporta ang tungkol sa pagpanaw ni Mang Gerry sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@reginevalcasid).

Nag-post si Regine ng larawan nila ni Mang Gerry na kuha sa kasal ng singer-actress kay Ogie Alcasid noong December 22, 2010.

Kalakip nito ang caption na nagsasabing: “The leader of the band, Mang Gerry, joined his creator 1:39pm today.

"Thank you for praying for him during all these time that he has been fighting for his life. God bless you all.”

Read: Regine Velasquez’s father Mang Gerry passes away


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN