Bea Binene thanks Xian Lim for comparing her to Kim Chiu look-alike

Hindi minasama ni Bea Binene ang pagkumpara ni Xian Lim sa kanya sa isang "Kim Chiu-Kalokalike contestant." Bagkus, para sa kanya ay compliment pa ang ginawa ng Kapamilya actor.


“I guess it’s time for me to speak up regarding the issue about Xian Lim and Kim Chiu kalokalike. My name has just been dragged.”

Ito ang simula ni Bea Binene tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyung kinasangkutan ng Kapamilya actor na si Xian Lim at ng isang "Kim Chiu look-alike" na nangngangalang Charmae Viking.

Si Charmae ay sumali sa "Kalokalike" segment ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong 2013.

Ang nasabing segment ay contest para sa mga kahawig o ka-lookalike ng mga kilalang personalidad.

Nagsimula ang isyu nang magkaroon ng guest appearance si Xian sa live airing ng Banana Nite sa ABS-CBN noong January 30, 2014, para sa pagsalubong ng Chinese New Year.

Ginanap ang live episode ng late-night gag show sa Sta. Cruz Church, Binondo, Manila.

Sa kalagitnaan ng song number ni Xian ay lumabas si Charmae, a.k.a. “Kim Chiu.”

Pagkatapos ng kanta ay nagkaroon ng maiksing pag-uusap sa entablado ang dalawa.

Tinukoy ni Xian si Charmae na kahawig ni Bea Binene.

Marami ang nag-react sa social media at marami ang nagsabing hindi raw nila nagustuhan ang inasal ni Xian.

Read: Xian Lim refers to Kim Chiu impersonator as Bea Binene; he apologizes for his behavior on Banana Nite


Mabilis namang humingi ng paumanhin si Xian, via Twitter, at sinabi niyang wala siyang intensiyong masama sa kanyang mga tinuran.



BEA SPEAKS UP. Kahapon, Febuary 3, apat na araw matapos ang insidente, nag-post ng kanyang reaksiyon si Bea sa Twitter tungkol sa pangyayari.

Aniya, hindi niya pinersonal ang pagkumpara ng Kapamilya actor sa kanya at sa ka-lookalike ni Kim.

Bagkus, gusto pang pasalamatan ng Kapuso young actress si Xian sa pagbanggit ng pangalan niya.

Nagbigay rin ng mensahe si Bea sa Kim Chiu look-alike at sinabing masaya siya na magkahawig sila.

Naka-tag din si Xian sa post na iyon ni Bea at may mga hashtags pa na “#peace, “#no sarcasm,” at “#no hate.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nag-trend din worldwide sa Twitter ang hashtag na #WeAreProudOfBeaBinene bunsod na rin ng nasabing isyu.

Nagpasalamat naman si Bea, via Twitter, sa kanyang mga tagasuporta sa pag-trend ng nasabing hashtag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN