Xian Lim not yet ready for sexy roles: "Maybe in time, but not now."

Kahit marami ang nagsasabing maganda na ang hubog ng kanyang pangangatawan, sinabi ng Kapamilya star na si Xian Lim na hindi pa siya handang gumawa ng sexy movies, lalo na ang mga pelikulang may tema ng kabaklaaan. Pero, hindi naman daw niya isinasarado ang posibilidad na gagawa siya ng mga pryoektong may ganung tema balang araw.


Umabot na sa P300 million ang kinita ng pelikula nina Xian Lim at Kim Chiu, ang Bride For Rent, ayon sa Star Cinema.

Kaya naman laking tuwa ng lahat ng bumubuo ng pelikula, lalo na ang dalawang bida nito.

Sa pamamagitan ng photo-sharing website na Instagram, nagpasalamat si Kim sa lahat ng mga tumatangkilik sa kanilang pelikula.

Sa post niya noong February 2: “good morning friends, romans, countrymen!!!!!!😁😁😁 WOW!!!!! a GGGOOOOODDDDD MORNING indeed!😉👍 maraming maraming 1,000,000,000x salamat po sa supporta nyo sa bride for rent!!!!:) unbelievable! overwhelming! basta lahat na!😁 salamat po sa inyong lahat!!!:) #thankyoupapaGOD #brideforrent now showing around the US and canada!! cto for the photo @xianlimm @carmiraymundo @mae_cruz @dan_villegas

Nang makausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Spin.ph (Sports Interactive Network) si Xian sa pictorial niya sa isang magazine, noong Huwebes, January 30, sinabi nitong laking pasasalamat din niya sa mga taong paulit-ulit na nanood ng kanilang movie.

Aniya, “Siyempre nagpapasalamat kami sa lahat ng tao, kasi they supported, they watched over and over the movie.”

Ano ba ang meron sa tambalan nila ni Kim at pumatok ito sa mga manonood?

Sabi ng young actor, “It’s because we’re just comfortable with each other and game na game kami.

"And we really enjoyed… nakakatuwa yung material kasi parang tailored-fit for us."

Sa tingin ba niya ay nakatulong ang kontrobersiyang nangyari sa major presscon ng pelikula sa pagtabo nito sa takilya?

Sagot ni Xian, “I’m not sure, I don’t really know.”

Matatandaang naging mainit ang isyu sa pagitan ni Kim at ng entertainment press sa grand presscon ng Bride For Rent noong January 7, dahil hindi nagustuhan ng ilang miyembro ng press ang sagot ng aktres tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Xian.

Read: Kim Chiu to media on real score with Xian Lim: "We don’t owe you any of our personal lives."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY TO GO SEXY IN MOVIES? Dahil sa tagumpay ng pelikula, naitanong din ng PEP sa kanya kung magli-level up na ba siya sa mga susunod niyang film projects.

Handa na kaya siyang magpakita ng katawan sa next movie niya?

Sagot ni Xian, "Well, siyempre maybe not now, but why not? Maybe in time, but not now."

Open din kaya siyang lumabas sa gay-themed movies?

Tugon niya, “A, I’m not kasi… you know, I’m not going to close any doors, I’m not against anything.

"But I always think, not now. I always take one step at a time.

"But, di ba, why not?"

Masaya naman ang 24-year-old actor na malapit nang lumabas ang kanyang second album at ang gagawin niyang TV project.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN