Toni Gonzaga on past feelings for Piolo Pascual: “May malisya pero sa sobrang hiya ko... Hindi ko naman sinasabing na-in love.”

Did Toni Gonzaga ever fall in love with Piolo Pascual? She replies, “May malisya pero sa sobrang hiya ko, parang, ‘Ano ba naman ‘to, Piolo Pascual, baka naman sabihin nila…’ Hindi ko naman sinasabing na-in love.”


Noon pa man, hindi na ikinakaila ni Toni Gonzaga ang paghanga niya sa Kapamilya hunk na si Piolo Pascual.

Sa unang labas pa lamang ni Toni sa telebisyon, “I love you, Piolo!” na ang mga mga salitang namutawi sa kanyang mga labi sa isang soda commercial.

Pag-amin ni Toni, “Noong time na ‘yon, noong nagsisimula pa lamang ako, inilagay ko na si Piolo sa pedestal.”

Nang lumipat ang TV host-actress sa ABS-CBN, mula sa GMA, nagsimula na ang pagiging magkatrabaho nina Toni at Piolo.

Madalas ay nagkakasama sila bilang hosts ng weekly variety show na ASAP.

Tanong tuloy ng mga miyembro ng entertainment press: Nagkaroon kaya ng panahong nagkamabutihan sina Toni at Piolo?

Sa press conference ng pelikula nilang Starting Over Again noong Sabado, February 1, hindi ikinaila ni Piolo na minsan silang lumabas ni Toni nang maging Kapamilya na ang huli.

Sabi ni Piolo, “Nung nag-transfer po si Tin dito sa atin, lumabas kami.

“I remember nanood kami ng concert ni Kuya Gary [Valenciano] sa Araneta.”

Pero hindi na raw ito nasundan pa.

Kuwento ng aktor, “Right there and then, I realized, and I thought to myself, na it’s too unfair para harangin mo or pigilan mo yung pangarap niya to become a certified actress.

“Gusto niya makilala muna siya bilang Toni Gonzaga, kasi kaka-transfer lang niya dito sa ABS, so nagparaya tayo.”



DID TONI FALL FOR PIOLO? Sa panig naman ni Toni, tinanong siya ng isang miyembro ng press kung nahulog ba ang loob niya kay Piolo.

“Ewan ko ba diyan sa kanya,” sagot ni Toni, sabay tingin nang nakangiti sa katabing si Piolo.

Patuloy niya, “Hindi ko alam kasi nahihiya ako kay PJ noon, e.

“Hindi ko alam.

“May malisya, pero sa sobrang hiya ko, parang, ‘Ano ba naman ‘to, Piolo Pascual, baka naman sabihin nila…’”

Pabiro pang dagdag ni Toni, “Hindi ko pa naiisip noong time na ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman sinasabing na-in love.”



BETTER OFF AS FRIENDS. Para kay Toni, mabuti na rin na naging magkaibigan lamang sila ni Piolo.

“Pasalamat ko nga na sa iba siya na-link,” sabi ng actress-TV host.

“Niloloko nga ako dati sa The Buzz nina Ate Kris [Aquino], Tito Boy [Abunda].

“Sabi ni Ate Kris, ‘Ayan, kaartehan mo, na-link na sa iba. Hindi na ikaw.’

“Actually, nasabi kong okay, kasi imagine mo, kung nagkaroon ng something, ‘tapos hindi naman nag-develop or hindi naman na-pursue, magkakaroon ng ilangan.

“Kaysa ngayon, ewan ko, sobrang comfortable ako kay PJ.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN