PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado on financial obligation of Patrick Garcia to their son: "Hayaan na lang natin. Kasi mahirap yung magpi-pressure pa."

Jennylyn Mercado "happy" with current set-up with ex-boyfriend Patrick Garcia.
by Rey Pumaloy
Published Feb 4, 2014
Jennylyn Mercado on former boyfriend Patrick Garcia: "Ang importante, masaya siya sa family niya, at masaya ako sa pamilya ko, at walang nagiging problema. Ang hirap kasi ng may problema. So, okey na yun na wala nang samaan ng loob. Wala nang kahit ano."

Tipid man sa kanyang mga pahayag si Jennylyn Mercado tungkol sa relasyon nila ngayon ng ex-boyfriend at ama ng kanyang anak na si Patrick Garcia, tiniyak ng Kapuso star na “happy” na ang magkabilang partido.

Saad pa niya, “At saka ang importante, masaya siya sa family niya, at masaya ako sa pamilya ko, at walang nagiging problema.

“Ang hirap kasi ng may problema.

“So, okey na yun na wala nang samaan ng loob. Wala nang kahit ano.”

Nagagampanan na ba ni Patrick ang financial obligation nito sa kanilang anak na si Alex Jazz?

Ngumiti si Jennylyn at sinabing, “Hayaan na lang natin. Kasi mahirap yung magpi-pressure pa.

“Okey na yung ganun, basta masaya sila. Okey na rin kami.”

Tumanggi ring sagutin ni Jennylyn ang tanong namin kung nagkakausap na ba sila ni Patrick tungkol sa kanilang anak.

“Basta okey sila, okey na yun. Basta happy sila, happy na rin kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May non-showbiz girlfriend ngayon si Patrick kung saan mayroon na rin itong isang anak.

ANNIVERSARY. Noong Sabado, February 1, ang 10th anniversary ni Jennylyn sa showbiz.

Nagsimula ang showbiz career niya nang manalo sila ni Mark Herras sa kauna-unahang batch ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA.

Pero walang naganap na selebrasyon kaugnay nito.

Paliwanag ni Jennylyn, nasa taping sila ng Rhodora X noong araw na iyon, kasama si Mark at ang ka-batch din nila sa StarStruck na si Yasmien Kurdi.

“Wala, hindi nakapagplano dahil nga importanteng makapag-taping kami.

“Pero hindi pa naman tapos ang taon, malay mo.

“May lalabas pa naman akong bagong album.

“So, parang yun na lang yung pinaka-celebration ko.

“Tagal ko ring hindi gumawa ng record album,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado on former boyfriend Patrick Garcia: "Ang importante, masaya siya sa family niya, at masaya ako sa pamilya ko, at walang nagiging problema. Ang hirap kasi ng may problema. So, okey na yun na wala nang samaan ng loob. Wala nang kahit ano."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results