Heart Evangelista: "I like myself more now."

Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Heart Evangelista, maraming magagandang pangyayari ngayon sa kanyang career. Saad niya, "Alam mo, naniniwala talaga ako sa good karma. Naniniwala talaga ako na parang God will vindicate. I really do believe in that."


Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig? ay magkakaroon ng pagkakataon si Heart Evangelista na makapagpahinga kahit sandali.

Pero pagkatapos ng maikling bakasyon ay subsob na naman siya sa pagtratrabaho.

Pahayag ng Kapuso actress, “Kasi I’ll be shooting a movie, ‘tapos meron pang Startalk, Sunday All Stars. So, busy pa rin naman.

“Kahit mabawasan ng isa yung mga ginagawa ko, okey pa rin. Hindi naman ako sad.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart noong Linggo, February 3, sa studio ng Startalk.



VINDICATION. Halatang masaya si Heart habang kausap namin, dahil panay ang ngiti niya at panay ang sabing masaya siya sa takbo ng kanyang showbiz career.

Naisip ba ng actress-TV host na may magandang kapalit ang mga pinagdaanan niyang problema at isyu sa kanyang pamilya, partikular na ang hindi pa rin natutuldukang alitan nila ng ina?

Sagot ni Heart, “Meron talaga.

“Alam mo, naniniwala talaga ako sa good karma. Naniniwala talaga ako na parang God will vindicate.

“I really do believe in that.

“Although, sometimes, there are times na you’re sure that it will happen, but you just can’t wait to happen na maging masaya ka na.

“But, you know, ang dami ko namang natutunan through it all, so happy rin naman.”

Nari-realize niya rin bang unti-unti nang nagkakaroon ng bunga ang pakikipagpalaban nila ni Senator Chiz Escudero ng kanilang pag-ibig?

“Sobrang dami!” bulalas ni Heart.

“Sobrang dami ng mga nangyayari na parang hindi ako makapaniwala na ang daming magandang blessings.

“We’re launching three endorsements this Feb. And then… ang daming nangyayari!

“Nakaka-ovewhelm lang, pero nakakatuwa kasi talagang ang balik nga naman, di ba?”



ACCEPTANCE. Sa lahat ng mga naganap sa buhay ni Heart—lalo na sa mga isyu sa kanyang lovelife at career—ay hindi siya iniwanan ng kanyang mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti si Heart sa narinig at sinabing, “In fairness, hindi.

“There are some fans that come and go, but sometimes they become your friends. Yun yung mga tumatagal.

“I’ve had fans that have been there for me for… fourteen years?

“Ngayon, fifteen years na ako [sa showbiz], e.

“So, for fourteen years, they’ve been with me all throughout.

“So, yun, kilala ko sila, nagdi-dinner kami. So, nakakatuwa.”

Noon bang kasagsagan ng alitan nila ng mommy niya ay natakot si Heart na posibleng mawala ang kanyang career?

Pag-amin ni Heart, “Alam kong bumagsak ako.

“I feel at that time na I didn’t do anything.

"Wala naman akong masamang ginawa. But, you know, may dahilan din talaga.

“Kung hindi ko pinagdaanan yung noon, siguro hindi ko maa-appreciate yung trabaho ko ngayon. Hindi ko matsi-cherish.

“Hindi ako maggu-grow sa mga interbyuhan ko with the press—hindi nila ako gusto dahil super-arte ako.

“Maraming nangyari sa akin na talagang nag-improve yung character ko.

"So, it’s okay. I’ve accepted all of that."



THE OLD AND NEW HEART. Ano ang mga pagbabagong nangyari kay Heart?

Sagot niya, “Ang laki ng ipinag-iba.

“I think I like myself more now.

“Not that I didn’t like myself before, but I just didn’t know any better.

“Maarte naman talaga ako ever since, pero mabuting tao naman talaga ako.

“Hindi naman ako parang maldita. Ano lang ako, Inglesera, mahilig sa fashion.

“I really like myself.”

Yung pagiging “bratty” niya ba ay natanggal na rin?

Paglilinaw naman ni Heart, “Actually, you know, I was never a brat.

“Misunderstood lang ako dahil super girly-girly ako.

“But I always know what I wanted in life or with material things.

“I was taught to work hard for the things that I wanted. To do it on my own, like paghirapan mo ‘yan, yung ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako na I-want-it-now-type of person.

“I thought maybe I was a brat, but no. Not that I got mature.

“Parang it’s not naman na I was a brat.

“I’m just young, maarte, and misunderstood.”

Ano naman ang nabago sa kanya ni Senator Chiz?

“Yung maging praktikal with my money.

“Be more responsible with what I make, with what I spend.

“But other than that, when I entered in a relationship, I was already who I am.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN