Kat Alano “no comment” about controversial tweets; Ellen Adarna avoids talking about viral interview video

Kat Alano and Ellen Adarna refused to give interviews regarding the issues they are involved in—Kat on her controversial tweets; Ellen on her viral interview video.


Pagkakataon na sana ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumuha ng mga paglilinaw mula kina Kat Alano at Ellen Adarna hinggil sa mga isyung kinasasangkutan nila, ngunit mas pinili ng mga ito na huwag magkomento at umiwas na magpa-interview.

Si Kat, isang VJ at radio-host, ay naikunekta ng ilang netizens sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Vhong Navarro, Deniece Cornejo, at Cedric Lee.

Iton ay pagkatapos niyang mag-post ng mga mensahe tungkol sa rape—kung kailan maingay na pinag-uusapan ang claim ni Deniece na diumano’y pangre-rape ni Vhong sa kanya.

Read: DJ Kat Alano’s Facebook and Twitter posts about rape create buzz

Samantalang si Ellen naman ay naging tampulan ng panunuya at pang-iinsulto ng ilang netizens, na hindi naintindihan ang ilang salita niya mula sa kanyang recent interview tungkol sa isyu nina Vhong, Deniece, at Cedric.

Naging viral ang video ng interview na ito sa Facebook at Twitter at ginawan pa ng ilang memes.

Ito ang ilan sa mga puna ng netizens mula sa YouTube na nanood ng video at hindi naintindihan ang sinabi ni Ellen:

Ngunit mayroon din namang mga nagtanggol at nakaintindi ng sinabi ng Cebuana model-turned-TV personality.

Heto naman ang sariling transcription ng PEP sa interview video ni Ellen:

"The only thing that I have to say is like, you know, as a woman, you shouldn’t allow things like that.

"Every detail like, even yung... what do you call it? Like, parang touch?

"If you feel like you’re violated, you say it out loud!

"You say it to the people, to the person that, ’You can’t do this to me!’

"Why now? Why now, in public? You know, you have all the rights, women have the right to show what we can do and we have our rights!

"So, I don’t... Ah, for me it’s like... For me, honestly, Cedric is my friend but... I’m... I am sorry..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO COMMENT, NO INTERVIEW. Sa Monster Energy Drink’s Ken Block Experience presscon, na ginanap sa Makati A & B function rooms ng Makati Shangri-La ngayong araw, February 4, sinubukan ng PEP na hingan ng mga pahayag at paglilinaw sina Kat at Ellen tungkol sa mga isyu sa kanila.

Inuna ng PEP na lapitan ang host ng presscon na iyon na si Kat dahil kasalukuyang abala si Ellen sa photo op.

Matapos na magpakilala ng PEP ay agad namang maayos na sumagot si Kat na, “I don’t do ambush interviews.”

Hiningi na lang ng PEP ang kanyang contact number, maging ang contact number ng kanyang manager, para makipag-set ng appointment para sa interview.

Ngunit ang sagot ni Kat: “I don’t have my cellphone with me, I’m sorry. I don’t know my manager’s number.”

Gayunpaman, sinubukan muli ng PEP na hingan siya ng komento hinggil sa pinag-usapang Twitter posts niya.

“No comment. Bye. I said no ambush interviews,” muling pagkontra ni Kat.

Samantala, nang matapos na si Ellen sa kanyang photo op ay agad itong hinila ng kanyang manager na si Van Soyosa upang dalhin sa backdoor exit ng venue.

Nang lapitan ng PEP si Van para humingi ng interview kay Ellen, sumagot ang manager na, “Ayaw niyang pag-usapan yung video. Sorry. May taping pa siya.”

Pagkatapos ng paghingi ng paumanhin ay umalis na sina Ellen at Van, at hindi na nga nagbigay pa ng interview maging sa iba pang naghihintay ng miyembro ng media.

Parehong umiwas na magsalita sa isyung kinasasangkutan nila sina Kat at Ellen.

Ngunit sa kabila nito, mananatiling bukas ang PEP kung gusto nang magsalita ni Kat o ni Ellen tungkol sa mga isyu sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN