The PEP List: Kim Chiu, Julie Anne San Jose, Ryzza Mae Dizon, Vic Sotto, win again in PEPsters’ Choice Q3

Pangatlong beses na ito ni Kim Chiu na manalo para sa sa kategoryang Female TV Star of the Year ng PEPsters’ Choice Q3, habang pangalawang beses na ito nina Ryzza Mae Dizon (Female Child Star), Vic Sotto (Male TV Star), at Julie Anne San Jose (Female Teen Star).


Sa ikatlong pagkakataon ay nasungkit ni Kim Chiu ang TV Star of the Year category para sa 3rd Quarter ng PEPsters’ Choice, habang nanalo naman sa pangalawang pagkakataon si Ryzza Mae Dizon bilang Female Child Star of the Year.

Si Ryzza Mae ang winner noong 2nd Quarter.

Ang PEPsters’ Choice ay component ng The PEP List, kung saan ang pagkapanalo ng mga nominado ay dedepende sa boto ng mga followers nila.

Sa kasalukuyan ay nasa huling quarter na ang botohan para sa PEPsters’ Choice at magtatagal ito hanggang February 28, 2014.

Para makaboto, mag-log on lamang sa www.pep.ph/pep-list.

Sa Female TV Star category, natalo ni Kim sina Sarah Geronimo, Carla Abellana, Kris Aquino, at Judy Ann Santos.

Natalo naman ni Ryzza Mae Dizon sa Female Child Star category sina Jillian Ward, Mona Louise Rey, Mutya Orquia, at Andrea Brillantes.

Panalo rin si Vic Sotto sa Male TV Star of the Year na siya ring panalo noong 2nd Quarter.

Para sa quarter na ito, tinalo niya sina Dennis Trillo, Richard Yap, Tom Rodriguez, at Vice Ganda.

Si Rafael Rosell naman ay nanalo ulit sa FAB male category sa pangalawang pagkakataon. Tinalo niya sina Enchong Dee, Matteo Guidicelli, Robi Domingo, at Vhong Navarro.


TEEN STAR OF THE YEAR. Namayagpag naman si Elmo Magalona para sa Male Teen Star category.

Sumunod sa kanya sina Daniel Padilla, Kristoffer Martin, Ruru Dadrid, at Derek Monasterio.

Nanguna naman si Julie Anne San Jose sa female category at tinalo sina Kathryn Bernardo, Lauren Young, Julia Montes, at Julia Barretto.

Si Julie Anne rin ang nanalo noong 2nd Quarter.


NEWSMAKER OF THE YEAR. Natalo man sa Female TV Star category, wagi naman ni Sarah para sa Female Newsmaker category at tinalo sina Sharon Cuneta, Nikki Gil, Claudine Barretto, at Gretchen Barretto.

Sa male category naman ay nanguna si Raymart Santiago na sinundan nina Rayver Cruz, Wally Bayola, Derek Ramsay, Willie Revillame, at Randy Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SHOWBIZ TREASURE OF THE YEAR. Pangalawang beses rin ni Nora Aunor na mapanalunan ang Female Showbiz Treasure category dahil siya ang nanguna noong 2nd Quarter.

Tinalo ni Nora sina Vilma Santos, Nova Villa, Rustica Carpio, at Gloria Romero.

Si German Moreno naman ang winner para sa male category at tinalo sina Joey de Leon, Roi Vinson, Eddie Garcia, at Dante Rivero.


BREAKOUT STAR OF THE YEAR. Si Ritz Azul ng TV5 ang Breakout Star of the Year winner sa 3rd Quarter at tinalo sina Tom Rodriguez, Thea Tolentino, Jasmine Curtis-Smith, at Benjamin Alves.

Narito ang listahan ng mga nagwagi sa iba pang categories.

Male Childstar of the Year - Bugoy Cariño

Celebrity Pair of the Year - Robi Domingo and Gretchen Ho

Female FAB Award – Lovi Poe

OPM Artist of the Year – Aiza Seguerra

Primetime Teleserye of the Year – Kahit Nasaan Ka Man


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN