Regine Velasquez recalls most memorable Valentine’s with husband Ogie Alcasid

Regine Velasquez on the art of flirting: "Ang babae lang kasi, meron tayong curves, may arte, may hair, so may panglandi. Iba ang landi ng lalaki and, I think, sometimes they don’t even realize that they are flirting. Minsan, yung being friendly and being flirt, nagko-crossover na. Hindi na nila ma-distinguish masyado."


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Regine Velasquez ay napag-usapan ang tungkol sa mga nakaraang Valentine’s day nila ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Kuwento ng Asia’s Songbird, “Alam niyo, before, noong sikreto pa kami, noong patago pa, excited ako to celebrate Valentine’s day.

"Pero malungkot, kasi nga alam ko, we can’t go out.

"E, ako pa naman, hindi naman talaga ako nakikipag-date bilang taga-bundok ako.

“Hindi talaga ako sanay na makipag-date.

“Noong magka-boyfriend ako, at the beginning of the relationship, it was exciting na kaming dalawa lang ang nakakaalam.

"Pero after, noong mga two years na, medyo nababagot ka na.

"Hindi na puwede, my god, gusto mo namang makipag-date!

“So, medyo nalulungkot na ako the following Valentine’s day.

"Then, finally, when we admitted it na, ang sarap na.

"Although, we can’t really go out on Valentine’s day because there’s always work.

"But, you know, he would always find something romantic no matter how little it is to make it exciting for me.”

Nakausap ng press si Regine sa pocket presscon ng Valentine concert nila ni Martin Nievera, ang Voices of Love, noong Lunes, February 3.

Ang presscon, na ginawa sa Sir Boy’s Food Republique, sa Panay Avenue, Quezon City, ay naganap noong mismong araw na sumakabilang-buhay ang ama ni Regine na si Gerardo "Mang Gerry" Velasquez.

MOST MEMORABLE VALENTINE GIFT. Ano ang pinaka-memorable na Valentine’s gift ni Ogie sa kanya?

Sagot ni Regine, “Palagi namang memorable...

"Alam mo, mahilig niya akong bigyan ng, ewan kung nagkakataon lang, kasi yun ang mahilig niyang ibigay sa akin—jewelry, palaging heart.

"Ang dami ko na ngang... puwede na nga akong gumawa ng necklace, puro heart!"

Pagkatapos nito ay ipinakita ni Regine ang suot niyang kuwintas na bigay rin daw sa kanya ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ang dami, puro heart."

Biro pa niya, “Puwede naman niyang i-cash, ikorte niya lang na heart!

“Pero ganoon siya palagi, puro heart.

"At saka minsan, kahit walang okasyon, naisip niya lang, ganoon siya, e.

"’Tapos, minsan kasi, ako rin kasi, ganun.

"He doesn’t like to go shopping, treat himself, pero bibilhan niya ako ng Hermes... ganoon siya, e.

“Pero he wouldn’t buy himself anything expensive.

“So, kung minsan, kapag nakaipon ako, kahit walang okasyon, ina-advance ko na ang gift ko para matuwa siya.”

SPECIAL PLAN FOR VALENTINE. Kahit pareho silang may Valentine’s concert ni Ogie ngayong taon, may plano rin ba silang mag-asawa para sa espesyal na araw na ito?

Saad ni Regine, “Siyempre, yung asawa ko, palagi naman yung may surprise sa akin.

"Kasi, alam niyo, kahit na ngayong may anak na kami, I think it’s very important for him na...

"Ako, hindi ko nga nari-realize, but it’s important for him na gusto niya na nagdi-date pa rin kami, which is nice.

“Kasi akala ko, pag ano, bahay na lang.

"Malay ko ba, ‘di ba?” natawang sabi niya.

Dagdag ni Regine, “Although minsan, nag-aaya akong manood ng sine.

"Or ako naman, ang trip ko lang, magsa-shopping."

May nakahanda na ba silang Valentine’s gift sa isa’t isa?

Sabi ni Regine, “Ako, meron na, although sabi niya, ’Huwag mo na akong bigyan.’

"Every year niya yun sinasabi, pero kapag nandiyan na ang gift, ’Ay, ang ganda!’

“Siyempre kasi, alam niya na medyo maraming emergency sa family, kaya sabi niya, ’Huwag mo na akong bigyan.’

"But like I’ve said, hindi ko kayang wala. Kahit ka-cheap-an lang, basta meron lang akong mabigay.

"Spoiler yun, e. So, I want to also spoil him, kasi nga, he doesn’t also treat himself.

"He works so hard. Sino pa mag-i-spoil sa kanya? Kawawa naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOST EXPENSIVE GIFT. Isang sasakyan na BMW raw ang natatandaan ni Regine na pinakapabulosong naging regalo niya kay Ogie.

Sabi ni Regine tungkol dito, “Alam niyo, kapag kasama mo na sa buhay, hindi ka nanghihinayang.

"And besides, when you give, hindi ka naman talaga manghihinayang, lalo na kapag mahal mo ang tao.”

Iniregalo raw ni Regine ang BMW kay Ogie bago pa sila ikasal. Kaya binibiro tuloy siya na kaya pala siya pinakasalan nito.

Natatawang sinakyan naman ni Regine ang biro at sinabing, “Napilitan pala!

“Actually, may story yun. That was the time na hindi ko siya masyadong nakikita dahil sobrang busy ko.

"’Tapos, nagkasakit siya nun, hindi ko naaalagaan.

“Sa sobrang guilty ko, binilhan ko ng kotse.

"Kaya sabi siguro, ’Bongga ka palang ma-guilty, sige na nga, ma-guilty ka na ulit!’” natatawang sabi niya.

Si Ogie naman daw, bukod sa mga alahas, mga mamahaling bags ang naibibigay nito sa kanya.

“Actually, siya nga ang bad influence kaya ako napapabili ng Hermes.

"Kasi, feeling ko, ayaw ipabili sa akin, e, inumpisahan ako. Ayun, kaya ko pala!

"Pero, parang more than half of my collection, sa kanya galing."

SONG FOR REGINE. May ideal Valentine date ba siyang gusto niyang magawa?

Sabi ni Regine, “Kasi, from bongga to medyo simplest, nagagawa na niya bilang every year, Valentine’s day.

"At bilang ilang year na rin kami, so medyo nagagawa naman niya.

“Kasi, ginagawa niyang lahat, e."

Patuloy niya, “One time, ginawan niya ako ng kanta. ’Regine’ ang title.

"Pero hindi na niya naulit, kasi hindi niya ni-record.

"Ang ganda-ganda pa naman, naggigitara siya.

"’Tapos, ginawan niya ako ng bath... nasa tub ako.

"Siya ang nag-draw ng bath, ’tapos kinakantahan ako. Ganun siya.

“O minsan, sinasayawan ako. Type niya yung sinasayawan ako.

"Kasi, every year, meron siyang pasayaw sa akin. Sasayawan niya lang ako, wala lang, nakakatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam niyo naman kung paano siya sumayaw, mukhang kengkoy.

“Every year, meron siyang ganyan na bagong choreo na ipinagmamalaki niya sa akin.”

Ano ang best Valentine’s date nila?

“Parang ang hirap namang pumili ng isa lang, but I think, one of them, one time, I came home...

"Kasi, pareho kaming may Valentine’s show noon. So, obviously, at that time, hindi pa kami maka-open.

“Sa bahay niya lang kami nag-Valentine’s.

"E, usually, pagdating ko sa house, nakaabang na yun sa akin or sinusundo ako.

"Yung time na yun, pinasundo niya lang ako.

"Pagdating sa house, may mga roses na, petals of roses na papunta sa floor doon sa room.

"’Tapos madilim ang room, may mga candles. Kung anu-anong kandila lang siguro yun.

"’Tapos, pagdating ko sa room, pinatugtog niya boombox. Kay Elvis [Presley] pa yun, hinanap niya, ang ’Love Me Tender.’

"Nagsayaw lang kami sa song.

"Ganoon siya, ganoon siya ka-sweet."

Dugtong pa niya, “Kasi, ang Valentine’s for me, hindi naman ang bonggang flower, bonggang gift, it’s the effort that the guy makes.

"Kasi, usually, just like wedding, day ng girls yun, e.

“Ikaw yung tina-try na i-swoon.”

MAJOR FIGHT. Sina Regine at Ogie ang isa sa showbiz couples na hindi nababalitang nag-aaway o naiisyung hiwalay na.

Sabi naman ni Regine, “Kasi, nakakatawa kami!

"Kahit naman sa totoong buhay namin, nakakatawa pa rin.

"I think, it’s because we’re both older and very secure in our relationship and also, because we have God.

“I think, napakalaki... I don’t wanna sound corny, pero simula nang magpakasal kami at naka-focus kami kay God, hindi namin masyadong naiisip ang isa’t isa.

"Dapat kasi, you think as one, as couple. Hindi yung individual na, ’Ay, ikaw, bakit ganito?’

“Parang feeling ko lang, doon nag-i-start.

"And since ang focus namin na kay God, hindi namin masyadong napag-iisip ang mga makasariling bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula raw nang ikasal sila nooong 2010, hindi pa sila nag-aaway ni Ogie na tumagal ng ilang araw.

“Never kami, wala kaming ganun.

“Yung twelve years, meron namang major fight, but nothing that major na magku-cause ng hiwalay, nothing like that.”

Hindi pa dumating sa punto na may naghamon sa kanila ng hiwalayan?

Pagbabalik-tanaw ni Regine, “Yung time na yun, it happened noong ako ang nakikipaghiwalay at the beginning.

"Kasi, it was very difficult.

"I thought, maybe, feeling ko, kapag nakipaghiwalay ako, maaayos ang mga nagulo, pero parang hindi naman.

“It was just at the beginning, kasi nga, it was a difficult situation for both of us, especially for him.

"At siyempre, ako rin, makasarili ako, iniisip ko lang ang sarili ko, and easiest way is to just leave.

"Pero noong naging kami na talaga, parang wala na."

THE ART OF FLIRTING. Inamin naman ni Regine na may selosan pa rin sila ni Ogie.

Saad niya, “Parang normal naman ang selos.

“Pero ako kasi, kapag nagselos ako, which is very rare, I tell him.

"I tell him off, actually. ’You know, I don’t feel comfortable.’ Kasi, how would he know?

"Ang mga lalaki, talent nila ang maging insensitive—talent, ha! And it’s true.

“And my husband, I have to say is so sensitive, pero insensitive pa rin siya.

"Can you imagine kung sensitive na siya, paano pa ang iba?

"Natural sa lalaki ang malandi sila, and feeling ko, talent din nila na maging malandi sila.”

Mas malandi ang lalaki kesa sa babae?

“A, yes, bigtime!” mabilis niyang sagot.

“Ang babae lang kasi, meron tayong curves, may arte, may hair, so may panglandi.

"Iba ang landi ng lalaki and, I think, sometimes they don’t even realize that they are flirting.

"Minsan, yung being friendly and being flirt, nagko-crossover na. Hindi na nila ma-distinguish masyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ako, I let him do that. Hindi naman bawal yun.

"But when I feel something na, I tell him. I tell him off.

"I don’t fight him, but I tell him that I don’t feel comfortable.

"’I feel weird about you talking to this girl, because it’s like this, like that. Can you not do it again?’”

Kapag ganoon na siya, ano ang nagiging reaksiyon ni Ogie?

“Natatakot siya,” sabi ni Regine.

“Kasi, hindi ko ginagawa lagi, e. Hindi ako ganun, e. Hindi ako selosa.

"Hindi ko naman sinasabi sa kanyang iwasan ang girl, but stop the flirting."

LONDON VACATION. Ayon kay Regine, plano nila ni Ogie na pumunta ng London ngayong April. Pero baka hindi ito matuloy dahil magbi-birthday ang daddy ni Ogie.

“His father is celebrating his 80thbirthday, so we might not be able to.

"Pero parang gusto pa rin niya talagang pumunta ng London.

"Kasi, meron siyang gustong puntahan na isang lugar where golf started or something like that.

“Ako naman, gusto kong pumunta sa London sometimes in March or May maybe, kasi gusto kong puntahan si Rachelle [Ann Go].

"Kasi, gusto ko siyang panoorin sa Miss Saigon.

"Pero nandoon pa lang kami, nasa plan pa lang.”

Dugtong pa niya, “Gusto kong makita si Rachelle, kasi I’m so proud of her.

"She’ll be in London at ang hirap nun, she will be alone.

“And she’s a lovable lady. She looks up to me and Jaya.

"At saka, ‘di ba, napakagalang nun? Ang babait nila—siya, si Jolina [Magdangal], Kyla.”

Nai-book na raw ni Ogie ang biyaheng ito dahil excited din ito.

Sabi ni Regine, “Magta-travel kaming family, Holy Week din naman yun.

"Kaya lang, na-realize niya na Daddy is also celebrating his 80thbirthday.

"So, hindi ko na alam kung ano ang plano nilang magkakapatid, hindi ko pa sure."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang makausap ng PEP at iba pang taga-media si Regine noong February 3 ay siya ring araw na namatay ang kanyang ama na si Mang Gerry.

Kaya tiyak na magkakaroon ng mga pagbabago sa mga plano nina Regine at Ogie ngayong Valentine’s at sa plano nilang magbakasyon sa London.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN